Chapter Nineteen

3.9K 147 8
                                        


PUMAYAG si Kayla nang imbitahin ito ni Damian para dumalo sa family reunion ng pamilya niya sa father's side. Gaganapin ang party sa Bear-foot International Hotel sa Pasay City na pag-aari naman ng bunsong kapatid ng Daddy niya na babae. Apat na magkakapatid ang mga ito at ang Daddy lang niya ang lalaki at pangalawa sa apat. Ang sumunod sa Daddy niya ay isang doktor at nag-migrate ang pamilya sa San Francisco California pero darating ang mga ito sa party. Si Louisa ang pinakamayaman, isang CEO ng isang culinary school na may iba-ibang branch sa bansa at may-ari ng malalaking restaurant sa siyudad. Nakapag-asawa ito ng sundalo at kasalukuyang AFP Chief of staff.

Simula noong namatay ang Daddy niya ay hindi na sila nagkaroon ng ugnayan sa pamilya ng Tita Louisa niya. Kahit sa mga anak ng nito ay wala na silang komunikasyon. Ang dalawa nitong anak na babae ay parehong abogado at ang bunsong anak na lalaki ay isang sundalo. Noong buhay pa ang Daddy niya ay madalas silang pumupunta sa bahay ng mga ito at kalaro niya ang mga anak nito. But everything has changed.

Sinundo ni Damian si Kayla sa bahay ng mga ito. Nasa puder pa rin nila si Karla kaya mag-isa ito sa bahay. Sinabi niya na hindi sila magtatagal sa party kaya pumayag ito. Nagsuot ang dalaga ng light blue half-shoulder dress at ganoong kulay rin na two inches sandals. Inilugay lang nito ang buhok at sa wakas ay may make-up at medyo makapal na red lips-stick. Aware din ito na social party ang pupuntahan nila. Samantalang nakasuot siya ng gray tuxedo.

Medyo late na sila pagdating sa party. Nagsisimula na ang mga pakulo na inihanda ng kaanak. Maraming bisita, malamang kasama ang mga tapik sa pamilya. Maluwag ang function room ng hotel at talagang pang-world class ang motif ng hotel maging ang ayos sa dinarausan ng salo-salo. Hindi niya akalain na ganoon na pala kalaki ang pamilya ng Daddy niya. Nagsanga-sanga na. Marami nang apo ang Daddy niya. Marami na rin siyang pamangkin.

Hindi niya makita ang Tita Louisa niya pero naroon ang dalawang anak nitong babae. Sinalubong naman sila ng Tita Lily niya, na siyang may-ari ng hotel.

"Damian! You're here!" nagagalak na bungad ng ginang at sabik siyang niyakap. Ito ang mabait niyang tiya at tumulong pa sa gastusin noong naoperahan sa puso ang Mommy niya.

"How are you, Tita?" aniya.

"I'm so busy. So, who's the beautiful girl beside you?" anito nang mapansin si Kayla.

"Uh, yes, she's my friend. Kayla Ramirez," pakilala niya.

"Friend? Are yo kidding?" nanlalaki ang mga matang sabi ng ginang.

Ngumisi siya. "Soon to be my fiancee," sabi na lang niya.

Pasimpleng siniko siya ni Kayla.

"Oh, that's exactly I want to hear, hijo. Hi, Kayla! Nice to meet you and welcome to the party!"

"Thank you and nice to meet you," sagot naman ni Kayla saka nakipagkamay sa ginang.

"So, are you working?" pagkuwan ay usisa ng ginang.

Alam ni Damian na trabaho kaagad ang aalamin ng Tita niya. Siya na lamang ang sumagot.

"Actually, Tita, Kayla was a soldier. She got a rank of second-lieutenant and she was graduated in Philippine Military Academy with honor. She's currently assigned in Camp. Aguinaldo," aniya.

"Wow! That's amazing!" empress na komento ng ginang.

Pangiti-ngiti lang ang dalaga.

"Oh, anyway, don't be shy. Just enjoy the rest of the party, guys," pagkuwan ay apila ng ginang saka sila iniwan.

Hinawakan ni Damian ang kanang kamay ni Kayla saka sila nakisalamuha sa iba pa nilang kaanak. May nag-serve na rin ng pagkain sa inukupa nilang mesa. Si Doreen naman ay nakihalubilo na sa mga pinsan nila. Mabuti itong kapatid niya ay sanay nang makipagsosyalan. Wala itong hiya. Marami na rin sa kaanak nila ang nakakaalam na isa siyang nobelista. Maraming proud at meron ding no comment.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon