PUMALATAK si Kayla pagdating ng bahay. Nag-uumapaw ang inis niya na halos lamunin niya nang buo si Karla. Kumalma siya nang maisip ang senaryo sa mall. Curious siya bakit umiksena si Damian.
"Ano ang apelyido ni Darren?" pagkuwan ay tanong niya kay Karla nang nasa kusina na sila at nag-aayos ng mga pinamili nila.
"Darren Hidalgo. First year law student," sagot nito.
"Hidalgo?" naalala niya, Hidalgo rin ang apelyido ni Damian. Hindi kaya kapatid ni Damian si Darren?
"Hindi pa alam ng girlfriend ni Darren ang tungkol sa amin. Hindi pa rin niya sa pamilya niya ang nangyari," sabi ni Karla.
Lalong nag-init ang bunbunan niya. "Walang usok na kikimkim, Karla. Hindi niya maililihim ang gulong pinasok niya. I need to talk to his parents," aniya.
"Actually, Ate, Darren was a younger brother of Kelly Starr."
Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Tama nga ang hinala niya. Magkapatid ang dalawa. Kaya pala magkamukha.
"No! Hindi 'to maari!" protesta niya. Hindi niya matanggap na magiging dahilan si Karla sa pagkakaugnay niya kay Damian. Isa iyong bangungot.
"Ate, please, huwag mong igiit na may kasalanan din si Kelly Starr sa problema ko. Wala rin siyang alam," samo ni Karla.
"At paano mo naman nakilala ang kapatid niya, ha?"
"Kaibigan siya ng kuya ni Anne, na best friend ko. Inimbita rin siya noong debut ni Anne. Sa party kami nagkakilala nang personal pero matagal ko na siyang kilala dahil sikat siya sa campus. Nalasing kami pareho habang nagkukuwentuhan. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nagising na lang ako na kasama ko siya sa isang kuwarto ng hotel kung saan ang venue ng debut ni Anne," kuwento ni Karla.
Awtomatikong nabuhay sa diwa niya ang nangyari sa kanila ni Damian. Halos pareho ang kuwento nila ni Karla. But pregnancy was not involved. Titiyakin niya na hindi siya mabubuntis ng one-night-stand. Gustuhin man niyang iwasan si Damian ay hindi maari dahil mag-uugnay at mag-uugnay sila dahil sa mga kapatid nila.
"Sabihin mo nga sa akin, Karla, may gusto ka ba kay Darren?" pagkuwan ay usig niya sa kapatid.
Hindi kaagad nakasagot si Karla. Silence means yes.
"Nagustuhan ko siya dahil ang ganda ng image niya sa school at matalino, mabait at..."
"At iresponsable?" sabad niya.
Bumuntong-hininga si Karla. "Nauunahan lang siya ng takot, Ate. Please don't get him bad," anito.
"Seriously? Kung matalino siyang tao, hindi siya magkukunwaring walang pakialam sa nangyayari. Your case was not a joke, Karla. You're carrying a baby for nine months. You're getting birth and that was painful. Marami kang maisasakripisyo. Once nanganak ka na, magbabago na ang lifestyle mo. Magiging komplekado. And do you have any idea how to be a mother?" palatak niya.
Napayuko si Karla at dagling napaluha. Hindi rin niya matiis ang kanyang kapatid. Nilapitan niya ito at niyakap.
"It's okay. Trust me, I can convince Darren to face his responsibility. I'll talk to his brother and his parents," aniya.
"Thanks, Ate. Pero huwag n'yo na pong sisihin si Kelly Starr."
"Stop calling him Kelly Starr. His name is Damian," naiiritang sabi niya.
"Okay. Mabait si Damian, maiintindihan niya ang sitwasyon natin," anito.
"Dapat lang. Talagang kamumuhian ko siya kapag kinonsinti niya ang kapatid niya."
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
General FictionThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...