NAPUNO na ng high school alumni invitation ang messenger ni Kayla mula sa mga high school friends niya. Marami nang nagdaang alumni party pero ni minsan ay hindi siya nakadalo. Matutulog na sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bed side table. Dinampot niya ito at sinagot ang caller na si Tricia, ang high school friend niya.
"Hello!" sagot niya.
"Come on, Kay, pumunta ka na sa alumni party. Miss na miss na kita, eh," pilit nito. Matapos siyang kutilin sa messenger ay tinawagan naman siya.
"I'm not sure. Marami akong trabaho," aniya.
"Sabado naman 'yon at hindi naman sa school gaganapin. Napagkasunduan ng in-charge na sa isang Resort sa Alabang gaganapin ang party. Sige na, please. Ikaw talaga ang inaabangan ng ka-batch natin."
Bumuntong-hininga siya. "Okay. Kailan ba talaga ang exact date?"
"I told you, this Saturday na. Three hundred lang naman ang contribution, eh. Pretty please," pamimilit nito.
No choice na siya. "Okay, I'll go," aniya.
"Yes! O my God! Thank you, friend!" tuwang-tuwa na sabi ni Tricia.
"So, can I sleep now?" sabi niya.
"Sure. Ako na muna ang magbabayad ng contribution mo at ililista ko ang pangalan mo. Ire-refund ko na lang sa party, okay?"
"Okay. Thanks."
"See you. Goodnight, friend!"
"Goodnight." Pinutol na niya ang linya.
Bigla niyang na-miss ang high school days. Iilan lang ang mga kaibigan niya noon at lahat ay kinikilatis ng Papa niya. Napakahigpit ng kanyang ama lalo na sa pagpili ng mga kaibigan niya. Pero simula noong namatay ang Papa niya ay lalo siyang naging mailap sa kaibigan. Nagkaroon siya ng trauma sa exposure kaya hindi siya sumasali sa mga school activities.
Mas gusto niyang palaging nag-iisa. Natatakot kasi siya na baka kapag may nakaaway siya o nakaalitan ay wala nang magtatanggol sa kanya. Wala nang magpapagaan ng loob niya na tanging Papa niya ang nakagagawa. Hindi niya napigil ang pagluha habang inaalala ang panahong kapiling niya ang kanyang ama.
Isang araw na lang ay alumni party na ng Sta. Cecelia Montessori kung saan nagtapos ng high school si Kayla. Sa Alabang iyon kung saan sila unang nakatira. Naibenta na ang lumang bahay nila malapit sa school pero nakabili ang mama niya ng bagong house in lot doon bago ito namatay. Dating high school public teacher ang mama niya at nakapag-retiro bago ito dinapuan ng malalang breast cancer. Huli na nito iyong naipaalam sa kanya kung kailan kumalat na ang cancer cells.
Hindi pa rin nakabili ng bagong damit na susuutin niya ang dalaga. Bihira kasi siyang nagsusuot ng dress kaya hindi siya bumibili. Kapag may espesyal na okasyon sa AFP ay nagre-rent lang siya ng damit. May mga iniregalong dress sa kanya si Patrick pero hindi niya gusto dahil halos lahat ay nakahantad ang malaking bahagi ng katawan niya.
No choice siya. Nakapag-oo na siya kay Tricia. Pagkatapos ng duty niya ay dumeretso siya sa dress shop sa Taguig. Wala rin siyang taste sa pagpili ng damit. She just love casual dress. Hindi rin naman siya mahilig pumunta sa mga party.
Pagpasok niya sa shop ay kaagad siyang pumili ng damit. Hindi siya makatagal sa ganoong shop dahil ayaw niya ng amoy ng mga naka-stock na damit. Nang makita niya ang itim na half-shoulder dress ay kaagad niyang kinuha at binayaran kahit hindi isinukat. Tantiyado na niya ang size ng damit na gusto niya.
Sabado ng gabi. May kalahating oras nang nakaharap sa salamin si Kayla pero hindi pa rin niya maayos-ayos ang buhok niya. Naisuot na niya ang kanyang dress at medyo fit sa baywang pero komportable naman siya. Maya-maya ay may kumatok sa pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/206408278-288-k713120.jpg)
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
General FictionThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...