Chapter Two

5.8K 196 3
                                    

LINGGO ng gabi pagdating ni Kayla sa bahay nila ay naabutan niya si Karla sa kusina at nagluluto. Inilapag niya sa mesa ang groceries na pinamili niya. Napansin niya ang pangangayayat ng kapatid niya. Hindi niya ito matiis.

"Are you okay?" sa wakas ay kausap niya rito.

Humarap naman ito sa kanya. Hilam sa luha ang mga mata nito. Lalong umiral ang awa sa puso niya. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap. Humagulhol ito.

"I'm sorry, ate. I didn't mean to disappoint you," wika nito.

Hinagod niya ang likod nito pagkuwan ay kumalas ng yakap dito. "Seat down," aniya.

Umupo naman ito sa silyang katapat ng mesa. Ipinagpatuloy niya ang niluluto nito sa kawali.

"Nakausap mo na ba ang lalaking nakasama mo noong gabi?" pagkuwan ay tanong niya.

"Opo pero ayaw niyang maniwala," tugon nito.

Nag-init ang bunbunan niya. Marahas niyang hinarap ang kapatid. "Invite him here and I want to talk to him or ako ang susugod sa school para kausapin siya."

Napatayo si Karla. "Susubukan ko ulit siyang kausapin, ate, please, huwag ka nang pumunta sa school," samo nito.

"Okay. Bibigyan ko siya ng palugit hanggang sa susunod na Linggo. Kapag hindi pa rin siya pumayag, ako na ang kakausap sa kanya at sa parents niya mismo," aniya.

"Opo, pipilitin ko siya."

Bumuntong-hininga siya saka ipinagpatuloy ang pagluluto. Nang maluto ang adobo ay inihain na niya ito sa mesa. Si Karla naman ang naghain ng kanin at mga kobyertos.

"About your studies, you will finish it until the first semester ends. Pagkatapos ay mag-stop ka muna para matutukan ang panganganak mo," sabi niya sa kapatid nang magkasalo na sila sa hapunan.

"Opo," sagot lang nito.

"Anyway, about Kelly Starr, did you met in person?" pag-iiba niya sa usapan nang sumagi sa isip niya si Damian.

Tumingin nang deretso sa kanya si Karla. "Opo, noong first book signing niya," tugon nito.

"So, meaning matagal ka nang nagbabasa ng mga novels niya."

"Opo. Since fourth year high school."

Nag-init ang bunbunan niya. "Since high school? Do you know how dirty his ideas are?" aniya.

"But he's a good storyteller, ate. Maraming aral na mapupulot sa kuwento niya," depensa nito.

"Aral? Anong aral? Kung paano makipag-deal sa isang sex addicted guy?"

"Ate, hindi lang naman doon umiikot ang kuwento. Everything in his characters has an interesting backstory and try to read the whole story, you will find out what is the message of it."

"I don't care! His ideas manipulating young readers' minds to open their curiosity in sexual needs. Nakita ko kung paano siya pilahan ng mga tao and I think not all of them are in the right age," palatak niya.

"My God! You stalking with him?" manghang sabi ni Karla.

Nanlalaki ang mga matang tumitig siya sa gulat niyang kapatid. "Yeah, I did and you know what I discovered?" aniya.

"What?"

"Kelly Starr was one of my high schoolmate," bunyag niya.

Napamata si Karla. "You mean, sa Sta. Cecelia Montessori school din siya nagtapos ng high school?"

"Oo. Ahead lang siya ng isang taong sa akin."

"Wow!"

"Anong wow? Tigilan mo na ang paghanga sa kanya, hindi siya magandang impluwensiya sa 'yo," sabi niya.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon