Chapter Seven

4.8K 153 4
                                        


SABADO ng gabi ay pinaghandaan ni Kayla ang pagdating ng magkapatid na Hidalgo. Nakalimutan niyang sabihin kay Damain ang address nila sa Taguig kaya napilitan siyang mag-message sa messenger nito gamit ang account ni Karla. Umaasa siya na mabasa nito ang nai-send niyang address. Saktong kararating lang ni Karla mula eskuwela. Tinulungan siya nito sa paghahanda ng hapunan.

Saktong naluto ang ulam ay may narinig siyang busina ng sasakyan mula sa labas. Hinayaan na niya si Karla na mag-ayos ng mesa. Lumabas siya ng bahay at binuksan ang main gate. Malamang si Damian na ang sakay ng pulang Toyota vios. Inaasahan niya na kasama na nito si Darren.

Pumasok ang sasakyan at pumarada katabi ng kanyang kotse. Nang maisara ang gate ay kaagad niyang nilapitan ang sasakyan. Bumaba si Damian mula sa driver seat. Nakasuot ito ng bughaw na polo-shirt at maong pants. Bughaw rin ang rubber shoes nito.

"Hi! Good evening!" nakangiting bati nito sa kanya.

"Good evening. Where's your brother?" aniya sa malamig na tinig.

Bumukas naman ang pinto sa passenger seat at bumaba mula roon si Darren na suot pa ang school uniform. Mukhang pinuwersa lang ito ni Damian dahil nakabusangot.

"Marunong akong tumupad sa usapan," ani Damian.

"Good. Come inside. The dinner is ready," sabi niya saka nagpatiunang lumakad.

"Nag-abala ka pa," sabi ni Damian habang nakabuntot sa kanya.

Hindi siya nagsalita. Inoobserbahan niya si Darren habang kasalo nila ito sa hapunan. Sinadya niyang paupuin ito katabi ni Karla at katapat nila ni Damian. Wala sa mood ang binata.

"So, ano ang plano mo, Darren?" mahinahong tanong niya kay Darren.

Deretsong tumingin sa kanya si Darren. "I don't have a choice. Sisikapin kong masuportahan si Karla," sagot nito.

"Sorry for bothering you but it's the right thing to do. Kung apektado ka, mas higit na apektado si Karla," aniya.

"I know. Hindi ako mangangako na maibibigay ko ang expectations ninyo. I'm totally broken. My girlfriend broke up with me," anito.

Tumawa siya nang pagak. "That's now our fault. And I didn't please you to love my sister. We only need support from you. I understand that you're still studying and I also understand if the financing was one of the problems. About this matter, I should talk to your brother," sabi niya.

Speaking of Damian, hindi niya alam kung sinadya nitong mabunggo ng hita ang kanyang hita. Na-distract siya at awtomatikong nabaling ang tingin niya rito. Sinipat naman siya nito at nginitian. Noon lang niya napansin ang cute pair of dimples nito.

"So, what can you say, Damian?" sabi niya sa binata.

"Uh... yes, we better talk about a financial matter. I think we should eat first. I love the food. Ikaw ba ang nagluto?" anito.

"Yes," tipid niyang sagot.

"Nice. Your taste reflects a fancy lifestyle. Parang sanay ka sa Mediterranean food. I love also the ambiance of the dining room. It seems like an elegant hotel dining room," puno ng papuring komento nito.

"Well, thanks," sabi lang niya.

Binuksan niya ang bote ng red wine. Si Karla naman ay kinuha ang dessert nilang banana split. Napansin niya na naparami ang kain ni Damian. Bigla itong tumahimik. Si Darren naman ay mukhang na-enjoy rin ang pagkain.

"Parang ang sarap tumira rito sa bahay ninyo," sabi ni Damian nang samahan siya nito sa kusina.

Tutulong sana ito sa pagliligpit nang pinagkainan nila pero pinigilan niya ito. Naiwan naman sina Darren at Karla sa lobby. Inaasahan niya na makapag-uusap nang maayos ang dalawa.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon