Chapter Twelve

4.4K 138 4
                                    


HUWEBES ng hapon ay hindi nag-report si Damian sa radio station. Sinamahan niya sa ospital ang Mommy niya para sa fallow-up check-up nito sa puso. Maraming pasyente ang cardiologist nito kaya naghintay pa sila ng ilang oras. Mainipin ang Mommy niya kaya ipinasyal muna niya ito sa ibang pasilidad ng ospital.

Tumambay sila sa canteen ng ospital. Bumili siya ng meryenda nilang sandwich. Habang naghihintay ng sukli ay napansin niya si Kate na papalapit sa kanya. Malayo pa lang ay malapad na ang ngiti nito. Nakasuot ito ng puting nurse uniform. Naalala niya, nagsinungaling ito noong inimbita siya nitong mag-dinner sa bahay ng mga ito. Noong nakausap niya si Zion ay talaga palang wala sa Metro Manila ang kuya nito noong araw na iyon. Mukhang malakas ang tama ng babaeng ito sa kanya.

"Hi, Damian! Nandito ka na naman?" anito nang makalapit sa kanya.

"Uh, yes. Fallow-up check-up kasi ni Mommy sa cardiologist," kaswal niyang sagot.

Hindi na lang niya babanggitin dito ang tungkol sa natuklasan niya baka mapahiya ito. Hindi niya ito sinaway nang haplusin nito ang dibdib niya. Manipis lang ang suot niyang itim na T-shirt kaya ramdam niya ang init ng palad nito. Halos ikiskis nito ang dibdib sa balikat niya.

"Mukhang busy ka. Dumating na pala si Kuya," sabi nito.

"I know, nagkausap kami sa phone noong isang gabi. Tinawagan niya ako," may himig ng sarkastikong sabi niya.

Tumabang ang ngiti ng dalaga. "So, inimbita ka ba niya sa birthday party niya next Sunday?" sabi nito pagkuwan.

"Yes and I said yes. Siya na ang nag-imbita, eh."

"That's good. See you. Uhm, maiwan na kita," anito saka tinapik ang balikat niya.

Ngumiti lang siya. Nang makuha ang sukli niya ay binalikan niya ang Mommy niya. Masama ang tingin nito sa kanya.

"What's wrong, Mom?" 'takang tanong niya nang makaupo siya sa katapat nitong silya.

"Sino 'yong nurse na kiskis nang kiskis ng suso sa 'yo?" walang abog na usisa ng kanyang ina.

Bigla siyang natawa. Metikulosa talaga itong Mommy niya. "Si Kate 'yon, kapatid ng kaibigan ko noong college," sagot niya.

"Nililigawan ka niya o inaakit?"

"Ma, ano ba namang tanong 'yan? Of course not. Hindi ko rin siya nililigawan. Hindi ko siya type."

"Bakit hindi? Maganda naman siya at malaki ang suso."

Napakamot siya ng ulo. "Ma naman. Hindi naman basta maganda at laki ng suso ang kailangan ko," reklamo niya.

"Eh ano ang hanap mo sa babae? 'Yong magaling gumiling at sumubo ng lollipop?" makahulugang sabi nito.

Bigla niyang naalala si Kayla. Napapangiti siya habang umiiling. "You know, Mom, finding a right girl was a difficult thing to do. Madaling makahanap ng babae pero ang matitino ay bihira na. I want to choose the one who will pass my taste," aniya.

"Sus, pihikan ka lang. What about Kayla? I think she's perfect for you, hijo."

Umismid siya. "Kayla doesn't like my guts. She hated me since we met."

"But she's an amazing woman. Huwag mo hayaang hindi ka niya gusto. Do something to win her heart. You're so romantic, hijo. I know you can make any kind of women fall in love with you. I don't believe that she hates you," sulsol ng kanyang ina.

"Honestly, I like Kayla. Since high school ay gusto ko na siya. Pero gusto lang niya ng friendship," wika niya.

"Then use your friendship relation with her as a start. While she enjoying your friendship, do something to make her fall in love with you. You're a romance writer, Damian. I know you know how to dandle your situation."

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon