KINABUKASAN nang umaga pagkatapos ng almusal ay nagtungo si Damian sa bahay nila Kayla upang ihatid ang cellphone ni Karla. Dinala rin niya ang painting na ginawala ni Kayla at niretoke niya.
Inihinto niya ang kotse sa tapat ng gate ng bahay. Nakailang pindot siya ng gate bill bago lumabas si Karla. Nakasuot lamang ito ng ternong pantulog na bulaklakin. Kaagad nitong binuksan ang gate.
"Good morning!" nakangiting bati niya.
"Good morning din, Kuya. Ang aga mo ata," anito saka siya pinapasok.
"Ihahatid ko lang ang cellphone mo," sabi niya saka ibinigay rito ang cellphone nito.
"Thanks. Tuloy ka muna sa loob. Nag-almusal ka na ba?" Tiningnan nito ang bitbit niyang canvas.
"Ah, yeah. Thanks."
Pagpasok sa lobby ng bahay ay iginila niya ang paningin sa paligid. Mukhang wala roon si Kayla.
"Uhm, ang ate mo?" hindi natiis na tanong niya kay Karla.
"Nasa laundry room siya naglalaba," tugon nito.
"Puwede ko ba siyang puntahan?"
"Sure. Deretsuhin mo lang 'yang hallway malapit sa kusina. Nasa dulo niyan ang laundry," turo nito.
"Thanks."
Lumakad naman siya sa direksiyong itinuro nito. Medyo madilim na sa bahaging iyon ng bahay. Sa dulo ng pasilyo ay may nag-iisang pinto na walang sara. Nakarinig siya ng tunog ng umaandar na washing machine. Deretso siyang pumasok. Napako ang mga paa niya sa sahig nang mabungaran si Kayla na bahagyang nakatuwad habang may dinudukot sa loob ng umaandar na washing machine.
Ganoon na lang ang panunuyo ng lalamunan niya nang mahantad sa paningin niya ang alindog nito. Nakasuot lamang ito ng itim na panty at putong hapit na sando. Bago siya nakakilos upang lumabas ay napansin na siya nito.
"Holy shit!" gulat nitong bulalas nang tuluyang humarap sa kanya.
Basa na ang sando nito kaya bakat ang itim nitong bra. Hirap na hirap siya sa pagbuntong-hininga dahil tila ba may nakabara sa lalamunan niya. Hindi rin siya nakahuma ni magsalita. Namaywang ang dalaga habang matalas ang titig sa kanya.
"What the hell are you doing here?" tanong nito sa matigas na tinig.
Nahimasmasan siya. "Uh... k-kuwan, h-hinatid ko lang ang cellphone ni Karla," nauutal na sagot niya.
Hindi niya masaway ang sarili na suyurin ng tingin ang kabuoan ng dalaga. Damn! She's freaking hot and sexy! He could feel the burning sensation inside his flesh. Hindi niya inaasahan ang mabilis na reaksiyon ng kanyang pagkalalaki. Sumikip sa kanyang pantalon ang kanyang sandata.
"Si Darren ang gusto kong maghatid niyon dito," sabi nito.
"Tulog pa si Darren. Bakit ba ayaw mo na ako ang maghatid? At hindi lang naman iyon ang sadya ko. I just want to give it to you," aniya saka niya ipinakita rito ang canvas.
Awtomatikong nabaling ang tingin nito sa canvas. "Iyan 'yong..."
"Ito ang palpak mong obra na niretoke ko. Take it. It's yours." Ibinigay niya rito ang canvas.
Napangiti siya nang kunin nito ang canvas at obvious na aliw na aliw ito sa painting. "Wow! It's beautiful!" manghang komento nito.
"You're more beautiful than that, Kayla," aniya.
Napalis ang ngiti ng dalaga ay dagling ibinalik ang tingin sa kanya. Hahakbang sana ito patungo sa stainless na mesa ngunit bigla itong nadulas sa basang sahig. Maagap naman siya sa paghagip sa baywang nito. Hinatak niya ito palapit sa kanya kaya nagdikit ang mga katawan nila. Napakapit ito nang mahigpit sa mga braso niya.
BINABASA MO ANG
Captivated (Complete)
General FictionThe stories compose of three books. These are the stories of three young professionals who are knowledgeable in sexuality studies. But behind their being experts, they are virgin. It means, they don't have sexual experience. Yes, that was the inter...