Chapter Twenty-one (Final Chapter)

8.8K 262 25
                                        


PANAY ang tawag ni Kayla kay Karla para sana pauwiin na ito pero hindi sinasagot ng dalaga ang tawag niya. Mahigit isang linggo na ang nakalipas magmula noong magkagulo silang tatlo nina Damian at Patrick. Nagkaunawaan na sila ni Patrick. Aywan lang niya kung nalinawan na rin ang isip ni Damian. Wala pa rin siyang lakas na loob para harapin ang binata. Bukod sa busy siya sa trabaho, maaring busy rin ang binata.

Sabado ng gabi pagkatapos ng duty ni Kayla ay nagdesisyon siyang sunduin na si Karla. Ngunit pagdating niya sa bahay ng mga Hidalgo ay madilim sa labas. Wala ring nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Obvious na walang tao. Sinubukan ulit niyang tawagan si Karla pero hindi ito sumasagot. Naiinis na siya. Nanatili siya sa loob ng kotse habang ito'y umaandar.

Mamaya ay may bumusinang sasakyan mula sa likuran niya. Kumabog ang dibdib niya nang mapamilyar ang kotse ni Damian. Pinausad niya ang sasakyan dahil nakaharang ito sa gate. Mula sa side mirror ay nakita niyang bumaba si Damian mula sa kotse nito. Nakasuot ito ng itim na hapit na T-shirt at maong na pantalon. Nag-atubili pa siyang bumaba para sana makausap ito. Maaring may galit pa ito kaya hindi siya pinansin. Binuksan nito ang gate. Pagkuwan ay ipinasok nito ang sasakyan. Imposibleng hindi nito nakilala ang kotse niya.

Nang mapansin niya na isinasara na ng binata ang gate ay dagli siyang lumabas at sumugod dito.

"Damian!" pigil niya rito.

Nagdikit na ang dalawang kamay ng gate at nasa labas siya. Hindi natuloy ng binata ang pagsara nito. Awtomatikong nabaling sa kanya ang tingin nito.

"Ano'ng ginagawa mo riyan?" seryosong tanong nito.

"T-Tinatawagan ko si Karla pero hindi siya sumasagot. Nasaan siya?" aniya.

"Nasa school sila ni Damian. Awarding ngayon at may honor si Darren kaya si Karla ang dumalo. Nasa ospital kasi si Mommy kasama si Doreen na pumalit sa akin sa pagbabantay," sagot nito.

"N-Napano ang Mommy mo?" nag-aalalang tanong niya.

"Tumaas ang blood pressure niya," tipid nitong sagot.

Bumuntong-hininga siya. Naubusan na siya ng sasabihin. Nagkasya lamang siyang nakatitig sa binata. Mukhang wala itong balak papasukin siya. Inatake na siya ng pagkaduwag. Tinangka niyang tumalikod ngunit napigil siya ng kamay ni Damian. Hinawakan siya nito sa kanang braso. Nakalabas na ito ng gate. Matamang tumitig siya sa binata.

"Aalis ka na? What about me? Hindi mo ba ako kukumustahin?" namumurong wika nito.

Hindi maipaliwanag ni Kayla ang emosyong sumasalakay sa puso niya. Naunahan na siya ng pagluha.

"I'm sorry," tanging katagang nanulas sa bibig niya.

"Sorry can't easily heal pain, it's useless without effort," sabi nito.

"Am I not deserves your forgiveness?" usig niya rito.

"All sins have forgiveness. Hindi ako Diyos para hatulan ka. Alam mo, hindi ko alam kung tamang nasaktan ako at nagalit. Because you're not officially mine. I'm just assuming."

Nainis siya sa sinabi nito. "You're wrong, Damian. I'm yours," giit niya.

"Dapat kasi noong simula pa lang ay nagpakatotoo ka na."

"Noong time na 'yon, naguguluhan pa ako sa feelings ko at hindi ako makapagdesisyon."

"Because of Patrick. Your past still bothering you that's why you can't accept the present. I understand you, Kay. Noon, hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto mo. Naguguluhan din ako, nanghuhula kung talaga bang mahal mo ako. I know action stronger than words, but I'm still waiting for you to say that you love me too. Malakas pa rin ang impact sa akin ng salitang iyon," palatak nito.

Captivated (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon