Pitong araw
Makalipas ang pitong araw, marami ng naituro sa akin si Anna tungkol sa mga bagay dito sa mundo. May mga ilang salita at bilin na din siyang ipinapaintindi sa akin. Gayunpaman, alam kong kulang pa rin ang lahat ng iyon. Kasama na rin sa mga bilin nito ang dalasan ko ang pag ngiti. Magiging kataka taka daw ako sa paningin ng tao at makaka kuha ng atensyon ang pagka walang buhay ng aking mukha. Hindi kasi ako nasanay sapagkat hindi naman kami ngumingiti sa palati ng kamatayan nang madalas. Wala pa rin kaming balita tungkol sa aking palati at nananatiling palaisipan pa rin ang lahat sa akin. Kung bakit ako nandito at paano ako makakabalik sa mundo ko, kasama na din ang bumabagabag sa akin na bakit may alam si Anna tungkol sa amin. Ngunit habang hindi pa tiyak ang pananatili ko dito ay alam kong dapat kong pagtuunan muna ng pansin ang pag aaral sa kilos at pagiging isang mortal. Marami akong dapat na malaman pa at gawin kaya naman wala akong inaaksayang oras upang matutunan ang mga ito.
'Siguro naman ay ayos na ang mga damit na yan, pag kinulang ay sa states nalang tayo bumili.' sabi ni Anna habang sinasara ang aking lalagyanan ng damit.
'Anna, malayo ba ang states?' tanong ko dito at agad naman itong lumingon sa akin.
'Oo, sasakay tayo ng eroplano. Dadaan tayo ng himpapawid.' bigla akong nakaramdam ng pagkasabik.
'Magtatagal ba tayo doon?'
'Oo, magpapagamot doon si Gabrielle at habang nandon tayo ay kukuha ka ng Alternative learning system.. Mag aaral ka sapagkat pag balik mo ay kailangan college student ka na. Taon tayong mananatili sa states, Mortema. Doon din kita hahayaang matuto ng mga bagay na kailangan mong matutunan. Para pag balik natin dito sa Pilipinas, pwede ka mamuhay ng normal na aayon sa edad mo.'
'Sa tingin mo ba Anna, magtatagal ako dito?' lumapit naman ito sa akin.
'Prinsesa, hindi ko alam. Sa totoo lang walang may alam pero mas magiging mabuti ang lahat kung mamumuhay ka ng normal at kakalimutang pansamantala ang totoo mong pagkatao. Matinding kaparusahan ang mangyayari at malaki ang magiging epekto nitong sitwasyon mo sa daigdig ng mga mortal. Kaya naman, ito ang pinaka mainam nating gawin.'
Lumabas na siya ng aking silid matapos noon. Naiintindihan ko lahat ng sinabi ni Anna at alam kong tama siya. Pansamantala ko munang iiwan ang pagiging imortal ko. Iyon ang dapat kong gawin. Sa ngayon.
Ngayon na ang alis namin papuntang states. Kasama naming aalis si Gabrielle at si Manang Rosa na siyang kasama ni Anna sa bahay na nag aalaga sa akin. Maiiwan naman si Buboy. Siguro ay magkasing edad kami pero magkasundo at magkaibigan kami. Pamangkin daw ito ni Anna. Tinuturuan niya ko ng mga bagay bagay. Lalo na sa pananamit at pagsasalita. Siya rin ang nag aayos ng buhok ko. Naaalala ko sa kanya si Acacia. Pinalabas ni Anna sa mga ito na nagkaroon ako ng sakit na naging dahilan ng pagka wala ng aking alaala kaya naman nahihirapan ako na umasta ng normal.
'O, friend. Wag mo kakalimutan ang mga bilin ng bakla sa'yo ha! Sana pagbalik mo, maka alala ka na saka bilisan mo para maging school mate tayo pag pasok mo sa school.' sabi nito habang nakatingin sa akin.
'Oo naman. Pangako pagbalik ko, marami na akong maaalala. At sa iskwela mo ako papasok.'
'Omg! Sabi mo 'yan ha! Mamimiss kita!' at niyakap niya na ako at saka na ako nagpaalam sa iba pa naming kasama sa bahay. Pagkatapos ay umalis na kami at nagtungo na sa paliparan.
Kinakailangan kong mabuhay ng normal gaya ng ibang mortal. Yung hindi ka duda duda. Dahil sa ngayon, alam kong pinapahanap na ako ng aking mga magulang. Siguradong nagkakagulo sa palati ng kamatayan dahil sa biglaan kong pagkawala. Hindi sila maaaring bumaba dito. Kahit isa sa kanila dahil wala silang kakayanan. Pero mayroon silang maaring kausapin mula dito na kung tawagin ay mga "kidemonas" mga elemento sila na maaaring magbalat kayo. Depende sa gugustuhin nila. Naisip namin ni Anna na maaaring humingi ang aking mga magulang ng tulong sa kanila upang hanapin ako dito. Dahil sila lang ang makakababa. Hindi nila malalaman ang aking itsura sapagkat hindi kagaya dito ay walang larawan sa aming palati. Kaya kailangan kong umaktong normal kung sakali man na makatungtong ang mga kidemonas sa kung nasaan man ako upang hindi sila maghinala at hindi ako saktan. Malamang na magbalat kayo ang mga ito bilang mga normal na tao kaya kinakailangan kong mag ingat. Kapag nalaman ng aking pamilya na nandito ako tiyak na pipilitin at gagawa iyon ng paraan upang bumaba dito at kunin ako. Hindi iyon maaari. Magdudulot yon ng gulo. Matinding panganib sa buong kalawakan. Ang mga namumuno sa lugar ng kamatayan at kalangitan gayun din ang mga mortal ay hindi maaaring magsama sama at lumagpas sa bawat pagitan ng kanilang palati. Dahil kapag nangyari iyon, maaaring magunaw ang mundo ng mga mortal. Digmaan. Digmaan ng mga namumuno sa palati ng kamatayan, ng mga mortal at ng kalangitan. Isang napakahalagang batas ang sinuway ko. Mawawala sa ayos ang lahat ng dahil sa akin, ng dahil sa kwintas na ito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Naiisip ko pa lamang ang kabayaran ng pananatili ko ay nawawalan na'ko ng lakas. Kailangan maka isip kami ng paraan ni Anna at hintayin ulit ang pag ilaw ng kwintas upang malaman namin ang solusyon at makabalik na'ko sa aming palati. Ganon magiging maayos muli ang lahat. Sana.
Nang makarating kami sa aming tutuluyan ay agad akong nagtungo sa aking silid at sumilip sa aking pasilyo. Maganda dito. Malamig din ang klima. Ang sabi ni Anna, snow daw ang tawag sa mga puting yelong natutunaw sa paligid. Kaya pala makakapal ang aming nga kasuotan upang pang sangga sa lamig. Sayang at wala si Buboy para kwentuhan ako ng tungkol sa mga ito. Bigla namang bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok si Anna.
'Mortema, na ayos ko na ang mga papel mo. Ikaw si Mortema Amare Marasigan. Adopted child ko. Kaya simula ngayon, mama ang itatawag mo sa akin.'
'Salamat, mama.'
'Peke ang mga dokumento mo. Pero sinigurado ko na walang magiging aberya sa lahat. Ikaw ay labing pitong gulang na. Tandaan mo ang mga bagay na 'yon.' Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.
'Magpahinga ka na. Bukas din ay darating ang guro mo. At pupunta tayo sa skwelang papasukan mo para makahabol ka sa mga aralin.'
'Guro?' tanong ko dito.
'Siya ang magtuturo sayo ng mga bagay na pang akademiko. Kakailanganin mo siya Mortema, pero nasabihan ko naman siya tungkol sa kondisyon mo kaya hindi siya magtataka. Kailangan mo lamang siyang pakinggan at sundin para hindi magka problema. Iba ang personal mong guro. Pilipina siya kaya naman makakasundo mo. Iba din ang mga magiging guro mo sa skwela.' mahabang paliwang nito sa akin.
'Naiintindihan ko, Mama. Salamat.' nakangiti ko siyang niyakap. Inalis din niya ito at ngumiti sa akin.
'Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka sa biyahe.' saka ako tinapik sa aking balikat at lumabas na siya ng silid.
Sana ay kayanin ko ang lahat ng ito...
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...