CHAPTER TEN

105 2 0
                                    

Oras ng pananghalian ngayon ngunit wala akong ganang kumain hindi kasi mawaglit sa isipan ko ang mga tinuran ng mga kidemonas kanina. Ano na ang magiging hakbangin ko? Gayong maging ang aking pamilya ay wala na ring magagawa para makabalik ako. Kailangan kong maging doble ingat sa mga ikikilos ko. Hindi maaaring malaman ng Haring Almasa (Hari ng palati ng buhay o earth) na nandito ako ngunit habang tumatagal ako sa mundo ng mga tao ay pakiramdam ko, nawawalan din ako ng pag asang makabalik sa palati ng kamatayan. Kailangan namin makapag usap ni Anna.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa aking skwela dahil hinahanap ko si Sam. Simula kahapon ay hindi na ako nito pinapansin at napapansin ko ang naging pag iwas niya. Sinubukan ko siyang puntahan sa mga silid niya na pwedeng pag klasehan ngunit wala siya sa mga iyon. Teka, parang napalayo na ata ang paglalakad ko. Napansin ko kasi na nasa dulo na ako ng school. Puro puno at mga lumang upuan na ang naubutan ko dito. Isang parking lot siguro ito dati na ginawa ng tambakan ng mga lumang silya at mga lamesa. Madumi din dito puro alikabok, sanga ng mga puno at nagkalat na mga dahon ang nasa paligid. May napansin akong parang isang maliit na silid na barong barong. Gawa ito sa mga pinagtagpi tagping yero at kahoy upang makabuo ng maliit na silong. May pintuan din ito at nakasara iyon. Mayroon ding maliliit na bintana na nahaharangan naman ng mga kurtina. Lumapit ako doon upang silipin sana ngunit may narinig akong mga boses.

'Sa totoo lang man, namimiss ko na si Agapi. Yung dating samahan natin. Kung di ba naman kasi sira ulo eh!'

teka, pamilyar ang mga boses na iyon sa akin.

'Si Pocholo naman kasi, alam naman niya na mahal na mahal dati ni Agapi si Sammy eh'

'Pero Si sammy na mismo ang pumili kay Pocholo. Hindi 'yon kasalanan ni Pocholo.'

ANO?! Kung ganoon, iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng alitan dalawa? Pero ang sabi ni Sammy si Agapi ang mahal niya. Bakit si Pocholo ang naka relasyon niya? Hmm?

'We all know other reasons why.'

Ano pa kaya? Kung magkakaibigan sila noon, bakit ganoon nalang ang galit nila sa isa't isa ngayon? Bakit nananakit ang grupo ni Pocholo? Hindi ko napansin kung gaano na ako katagal nakatayo at nakikinig sa harapan ng tinutuluyan ng mga ito. Pipihit na sana ako paalis ng...

'Enjoying listening to other's conversation huh?'

Ay, pambihira!

'Pocholo.' Kinakabahan kong turan dito.

'What are you doing here?' seryosong tanong nito sa'ken habang patuloy na lumalapit sakin at ako naman ay paatras nang paatras.

'A-ahh ano, ano kase.' Sa hindi ko malamang dahilan ay naiilang ako. Patuloy lang ang pag atras at paglapit naman niya sa akin nang makaramdam ako ng matigas na bagay sa aking likuran

'Ahh, Pocholo. Aalis na sana ako kaso' paliwanag ko sana nang ilagay niya sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya. Pambihira!
Nakatitig ito sa akin ngayon at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa takot.

'Pocholo, Nakabili ka na ba ng foods?' Napatingin kami sa mga kasama niyang naglabasan at mukhang nagulat sila sa nadatnan nila ngayon.

'Oh, may bisita pala tayo.'

'Round two ba?'

sabi nila. Laking pasasalamat ko nang umalis na siya sa pwesto niya at akmang papasok na sa maliit na bahay na 'yon pero inabot niya muna ang mga dala niyang pagkain sa mga ito.

'Ayos, ang dami nito!' Muli naman nilang ibinaling ang tingin nila sa akin.

'Ahh, aalis nako. Napadaan lang talaga ako eh. hehe sige.' napapahiya kong turan sa kanila sabay talikod hahakbang na sana ako paalis ng magsalita nanaman si Pocholo

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon