CHAPTER THIRTY FIVE

106 1 0
                                    

Nakapikit ako habang dinadama ang kapayapaan nang kapaligiran. Ang sabi nila ganito daw talaga ka sarap ang samyo ng hangin kapag paparating na ang araw ng kapaskuhan. Tatlong linggo ang lumipas matapos mawasak ang puso ko nang katotohanang matagal kong itinago. Hindi kami nagpapansinan ni Agapi o mas tama yung hindi niya ako pinapansin mag mula nung araw na nag usap kami. Ilang beses kong sinubukan na kausapin siyang muli pero lagi lamang akong nabibigo. Ramdam ko at ng buong skwela na pilit niyang iniiwasan na mag krus ang mga landas namin.

Ang tanging alam na nga lang ng aming mga kaibigan ay hindi kami ayos at may pinagtalunan kami kaya naiintindihan nila na may pag iiwasan kami ngayon, 'yon nga lang at hindi ko masabi sa kanila ang totoong rason pero hindi na nila ako tinanong pa.

Sa mga lumipas na araw ay aking napagtanto na hindi lang pala si Agapi ang tanging dahilan kung bakit mas pinili kong manatili dito. Nandiyan si Anna at si Gab, ang aking pamilya. Binigyan nila ng mas makulay na sandali ang pananatili ko. Pinaramdam nila sa akin kung paano magkaroon ng mga taong mananatili sa tabi mo, tama ka man o mali. Susuportahan ka sa lahat ng desisyon mo at tatanggapin ka nang buong puso. Hahayaan kang madapa sa mga pagkakamali mo pero tutulungan kang bumangon para magsimulang muli.

Gayon din na mas nakita ko ang halaga ng mga kaibigan ko na hindi ako iniwan sa tuwa, saya, at lungkot. Itinuro nila sa akin kung paano pahalagahan ang mga taong nakapaligid at umaagapay sa'yo. Sila yung dahilan kung bakit masaya akong papasok at uuwi kahit hindi perpekto ang bawat sandali.

Masasabi ko rin na naging masaya ako sa aking field study. Nakakatuwang pag masdan kung paanong ang isang guro ay kayang tulungan ang kabataan na hubugin ang pagkatao nila bukod sa mga pang akademikong bagay pa. Masarap sa pakiramdam na hindi lang ang mga batang ito ang tinutulungan mo kung hindi maging ang lipunang kinabibilangan nila. Hindi ako nagsisisi na ito ang propesyon na pinili ko.

Sa loob ng ilang araw na 'yon naisip ko na hindi lang ang kalikasan, pera, yaman, tagumpay o karangyaan ang nagpapaganda ng buhay ngunit 'yon yung pamilya, kaibigan at pagmamahal, iyon ang dahilan kung bakit masarap mabuhay. Maaaring maraming pagsubok at trahedya na kinahaharap ang bawat tao pero hindi rason para tumigil at mapagod bagkos nagiging daan pa 'yon para mas lumaban sila at harapin ang bukas. Ang buhay ang pinaka magandang regalo sa lahat, hindi lahat ay nabibiyayaan nito kaya naman kahit wala akong kasiguraduhan sa bukas ko, masaya na din ako na naranasan ko ang mundong ito.

Ngunit alam kong hindi ko maloloko ang sarili ko, bagama't maayos at marami akong napagtantong bagay, alam kong may kulang pa din. Simula nang hindi kami nagpansinan ni Agapi ay pakiramdam ko malaking bahagi ng buhay na ito ang nawala sa akin. Pero ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako susuko. Hindi ngayon. Habang nandito pa ako ay magmamahal ako. At wala akong ibang gustong mahalin kung hindi siya. Kahit masakit dahil alam kkng hindi niya ako tanggap sa kung ano ako pero walang ibang pipiliin ang puso kong mahalin kung hindi siya.

'Mortema, tara na?' nakangiting yaya sa akin ni Rex.

Isinara ko ang aking laptop at inayos ang aking gamit.

'Grabe! nakakagutom 'yon!' reklamo ni Jho.

Katatapos lang ng aming klase at lahat kami ay nahirapan sa aralin.

'Girlfriends!!!' Nangibabaw naman ang masiglang boses ni Pat nang makalabas kami ng silid.

'Ano ba?! Napaka ingay mo!' inis na bwelta sa kanya ni Jho.

'Hmp! Namiss ko lang kayo. Hahaha' sagot nito sa kanya at binaliwala ang pagkairita nito. Naiiling na natawa nalang kami ni Rex.

'In fairness ha! Kahit broken-broken ang peg nitong si Mortema gumaganda pa din! Anong secret mo girl?' panunuya niya sa akin.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon