Naging abala ako sa mga nagdaang araw. Nag aral akong magluto ng iba't ibang putahe. Lalo na 'yong paborito ni Agapi. Halos hindi ko napagtuunan ng pansin ang iba kong mga gawain dahil masaya kong ibinuhos ang lahat ng aking atensyon at oras sa paghahanda para sa napaka espesyal na araw sa buhay ng taong pinakamamahal ko.
'Ang ganda naman!' puri ni Jho matapos kong ayusin ang buong opisina ni Agapi at maglagay ng iba't ibang dekorasyon.
'Ito na ang unang beses na ginawa ko to, kaya naman masaya pero kinakabahan ako.'
Naka ngiti kong sambit habang inaayos ang mesa na may laman ng mga pagkaing niluto ko. Lahat 'yon ay ako at si Anna ang naghanda maging ang cake na mayroong mukha niya ay kami ang gumawa.
'Napaka swerte naman ng ugok na 'yon!' komento ni Cliff habang natatawa.
Inimbitihan ko ang aming mga kaibigan, gayon din ang kaniyang mga ksama sa SSC. hapon na at kanina pa hindi pumaparito si Agapi dahil sa kaniyang klase at sinabi ni Manaseh na magpapa usok sa buong opisina para sa mga insekto kaya hindi maaaring pumasok.'Sigurado akong matutuwa si Agapi dito kapag hindi ay masasapak ko talaga siya.' natatawanh sambit ni Pat.
'Make sure na worth it ang pag absent mo sa mga klase at field study mo.' seryosong saad ni Rex.
Hindi ko na lamang sila pinansin at pinagpatuloy ang pag aayos. Mamaya ay ipapatawag siya ni Manaseh upang surrin ang opisina at doon magsisimula ang sorpreaa. Marami na ang bumabati kay Agapi simula ng makapasok siya. Nagkaroon pa nga ng maiksing programa kaninag umaga para sa kanya pero hindi ako naka dalo doon.
Kahit gustong gusto ko siyang makita at makausap sa mga nag daang araw ay matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang maisagawa ng maayos ang aking mga plano.
'Sayang at wala ka kanina sa celebration niya, naku! Feel na feel ni Elisha na girlfriend. Umakyat pa sa stage at naiiyak kuno na nagbigay ng message.'
Pasiring na komento ni Elle.
'Oo nga! Napansin din namin na parang may hinahanap si Agapi sa audience at naka simangot buong program.' tumatawang saad ni Jiz.
Napangiti ako. Hindi naman siguro masamang isipin na ako ang hinahanap niya. Sana nga.
'Paano 'yan? Bukas ang christmas party natin hindi ba? Eh may grand celebration si Agapi sa Mansyon nila bukas.' ani Oliver.
'Hindi tayo pupunta. Yun ang usapan hindi ba? Tingnan nalang natin kung susunod si Agapi matapos ang party niya.' sagot ni Zachy.
Ika-21 ng Disyembre ngayon at kaarawan niya ngunit mas pinili niyang umaktong normal na araw lang at pumasok pa rin sa skwela. Bukas daw dahil sabado magaganap ang engrandeng selebrasyon niya ngunit hindi ako imbitado doon. Masakit man ngunit naiintindihan ko. Ayaw ko din na masira ang araw niya at maulit ang gulo noong nakaraan. Kaya sisiguraduhin ko na maipaparamdam ko sa kanya ngayong araw ang lahat ng gusto kong maramdaman niya.
'Good luck, gurl! We got your back!' sambit ni Pat.
'O, group hug naman pampalakas ng loob ni Mortema!' natatawang sabi ni Jho.
Nagtawanan kami pero lumapit naman sila sa akin at niyakap ako. Napatingin pa kami kay Pocholo na pinipilit pa ni Imman. Nakasimangot man ay nakiyakap din ito.
'Maraming salamat din sa inyo, hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi din dahil sa inyo.' nakangiti kong sambit.
'Drama rama!' maarte man pero natatawang sagot ni Sam.
Kaya nagtawanan kami.
'Tatawagin ko na si Agapi.' naka ngiting sambit ni Manaseh.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka ko siya nginitian at tumango.
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...