Warning:
Slightly SPGNang makapasok kami ay ramdam ko ang pagbaling ng tingin sa amin ng mga tao pero wala akong balak na pansinin ang mga ito. Ang paningin ko ay nakatuon sa isang bagay sa pinaka unahan ng kanilang sala at sa napakalaking larawan ng nakangiting si Rex. Punong puno ng bulaklak ang buong paligid nito.
Wala pa ako sa kalahati ng distansya mula kay rex nang harangin ako ni Jho kasama ang kaniyang magulang at ni Jiz.
'Anong ginagawa mo dito?'
Galit na turan niya. Tiningnan ko siya at pinagmasdan ang kaniyang itsura. Pulang pula ang mga mata niya, halata ang pagod pero higit sa lahat ang lungkot.
'Gusto ko sanang makita si Rex, gusto kitang kamustahin Jho..'
Pero hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil isang malutong na sampal ang natanggap ko. Napasinghap ang mga tao doon. Nakita kong maayos na pinakiusapan ng kaniyang ama ang mga bisita na iwanan na muna kami.
Sa pagkakasampal ni Jho ay nabaling ang aking tingin kay Jiz. Doon mas mabilis na naglabasan ang mga luha ko. Hindi ko siya kayang tingnan ng matagal dahil mas nagagalit ako sa sarili ko nang makita ang lagay niya. Wala ang Jiz na masayahin. Wala ang Jiz na alaskador.
'Ang kapal ng mukha mong magpakita pa!'
Susugurin niya sana ako at sasaktan pero pinigilan siya ng kaniyang mga magulang at ni Oliver.
'Wala na siya! Wala na 'yong kapatid ko!' sigaw niya.
'Jho, I'm sorry. I'm sorry. I'm really sorry Jho.'
Umiiyak kong sambit sa kanya. Lumuhod ako sa harap nila saka ko siya tiningala.'Maniwala sa'ken, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam.'
'Mortema, tumayo ka diyan.' umiiyak na utos sa akin ni mama pero hindi ko siya sinunod.
'Bakit kailangan si Rex pa? Bakit kailangan sa amin mangyari ito? Wala naman kaming alam, Mortema. Naging mabuting kaibigan lang naman kami sa'yo.'
'Alam ko, Jho. I'm sorry.'
'Anong magagawa ng sorry mo?! Mabubuhay ba niyan ang kapatid ko?!'
Lumapit siya sa akin saka hinila ang buhok ko. Inawat siya ng mga tao sa paligid namin pero dala ng galit ay hindi siya nag paawat. Pero manhid na ang buong katawan ko, kahit anong klaseng pag hila ang ginawa niya sa buhok ko, suntok, kalmot at anu pa ay hindi ko na 'yon maramdaman at hinayaan lang siya. Kulang pa ang mga ito, para pagbayaran ko ang pagkawala ni Rex.'That's enough, Jho!' saka siya malakas na hinila ng kaniyang ama palayo sa akin.
'Umalis ka na! Huwag na huwag ka na magpapakita pa sa akin. Pinagsisihan ko na naging kaibigan kita, pinagsisihan kong nakilala ko ang isang katulad mo.'
Saka siya umalis at tumakbo paakyat. Sinundan naman siya ni Oliver. Pinilit ko ang aking sarili na gumapang at lumapit sa paanan ng kaniyang mga magulang.
'Tito, tita, I'm sorry po. Hindi ko po sinasadya.'
Panay ang paghikbi ng kaniyang ina. Nagsalita ito nang hindi tumitingin sa akin.
'Pinipilit kong huwag magalit sa'yo... Pero Ina ako, at masakit na masakit para sa akin ang makitang natapos ang buhay ng anak ko ng ganun ganun lang.'
Naisubsob ko ang aking mukha sa sahig, dahil sa kahihiyan, sa sakit at sa lungkot. Sino nga naman ba ako para patawarin nila? Walang kapatawaran ang kasalanan kong ito.
'Umalis ka na iha, huwag ka nang babalik pa.' sambit ng ama ni Rex.
'Gusto ko lang po sana makita si Rex. Nagmamaka awa po ako sa inyo. Parang awa niyo na po.. Kahit saglit lang po.'
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...