CHAPTER TWENTY SIX

99 2 0
                                    

'Anong panonoorin natin?'

Tanong ni Pat habang nagtitingin sa mga DVD na dala nila Rex. Kanina pa sila nandito sa bahay namin. Nag bonding kami maghapon at ngayon ay mag sleep over sila kaya naman naisipan namin na manood ng movie na mapipili namin.

'Kayong bahala. Kahit na ano ay ayos lang sa akin.'

Sagot ko sa kanya. Abala naman sa pag tingin sa cellphone nila ang magkapatid.

'Ngayon lang nag upload ang SSC ng pictures natin noong outing.'

sabi ni Jho habang ang paningin ay nakatuon pa rin sa cellphone.

'OMG! Saan inupload? Sa NWC page ba? Gosh, patingin nga ng itsura ko diyan!'

Maarte at Oa na pagkakasabi ni Pat na agad na sumampa sa kama at nakitingin sa cellphone ni Jho.

'Ano ba?! May cellphone ka ah!'

Asik naman sa kanya ni Jho.

'Patingin lang!'

Hindi ko na sila pinansin at ako na lamang ang namili ng pwede naming panoorin.

'Mortema, tingnan mo oh! Ang daming comments sayo. Ang sexy mo daw!'

Nakangiting baling sa akin ni Rex. Tiningnan ko na din ang tinitingnan niya.

'Ang dami niyong pictures ni Agapi oh! Puro stolen nga lang. Mukhang ang sweet sweet niyo don ah!'

Pang aasar pa niyang sambit sa akin. Napatingin ako sa mga larawan at tama nga siya, kuhang kuha non ang pagiging sweet ni Agapi. Bigla ko tuloy siyang naalala. Isang linggo na ang nakalipas mula nung outing at matapos 'yon ay hindi na din kami nagkita ni Agapi. Naging abala siya sa mga ipinag uutos sa kanya ng kaniyang mga magulang.

'Nako sisteret! Sayang! Ang daming ganap talaga nung outing.'

Saad ni pat habang patuloy na nagtitingin sa mga larawan.

'Nakwento nga ni ate sa akin eh. Wala na 'yon, ang mahalaga nagka usap na si Manaseh at Jiz.'

'Grabe yong gabing yon eh. Hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan ang mga hugutan ng linya.'

Natatawang sambit muli ni Pat. Napatingin ako sa isang larawan. Kuha 'yon nung nag tu-tug of war at kakampi ako ng rulers. Nakangiti kaming lahat habang si Pocholo ay nakatingin sa akin at nakangiti din. Isa 'yon sa may pinaka maraming reaksyon. Napatingin din doon si Rex at binuksan niya ang mga komento.

'Aww, he looks genuinely happy by just simply looking at her.'

'Sana mahanap niya na ang babaeng para sa kanya.'

'I see pain and sadness on pocholo's eyes but I can't blame mortema. She's just being real.'

'Nakakamiss naman yung ganitong ngiti ni Pocholo.'

Ang pumukaw ng atensyon ko ay isang komento

Elle Marie: 'Sana ako nalang siya.'

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na kayang tingnan ang iba pang sinasabi doon. Agad naman na tinago ni Rex ang cellphone niya ng mapansin niyang natahimik ako at nag iwas ng tingin.

'Makikilala din ni Pocholo ang para sa kanya. Hindi mo kailangan ma gulity sa nangyari.'

Saad niya ng nakayakap pa sa akin.

'Hindi ko maiwasan eh.'

'Ganon talaga ang love. Complicated.'

Maya maya ay napansin ng dalawa na seryoso kaming nag uusap ni Rex.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon