Warning: Matured Content (SPG)
'Nhala, nag alala kami ng daddy mo sa'yo! Huwag kang tatakbo bigla baka mamaya ay masagasaan ka o kaya ay may kumuha sayo na stranger.'
Paliwanag ni Jho sa kanya. Bakas naman ang pag aalala sa mukha nito.
'Sinundan ko po kasi si ate, nakita ko siyang tumatakbo while crying po.'
'I-I'm sorry, Jho. I didn't know na susunod siya.' Bigla ay nagpanic ako at naalala ang mga nangyari ilang taon na ang nakalipas kaya naman umiwas ako kay nhala at lumayo sa kanila.
'Nhala, go to your dad. He's very worried.' Tumango naman ang bata sa kanya saka lumingon sa akin.
'Bye po, wag ka na pong mag cry, okay?'
'I won't. Thank you, nhala.' Ngumiti ito sa'ken saka patakbong pumasok sa loob.
'She's my daughter, Nhala. I was pregnant with her when you left. Hindi siya sumama sa wedding ceremony kanina kasi may sakit siya kaso nagpumilit na sumunod dito to see her Tita Pat.'
Nagulat ako ng magpaiwan si Jho dito kasama ako pero mas nagulat ako ng kausapin niya ako ng ganito.
'S-She'sweet and beautiful. She looks like..' hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin at nagbaba ng tingin.
'Oo, kamukha niya si Rex.' Siya na ang nagtuloy 'non.
'Alam ko namang hindi ko na kailangang ikuwento sa'yo ang lahat ng pangyayari sa buhay ko dahil alam kong lagi kang nagpapa update kay Pat.' Tumawa pa siya habang sinasabi 'yon.
'I'm sorry, Jho.' Naluluha kong sambit.
Sandali siyang tumahimik habang tinititigan ako.
'Thank you, Mortema. Thank you for always making sure na okay ako at ang pamilya ko. Kahit hindi mo sabihin ay alam kong binabantayan mo kami kahit nasa'n ka man. I'm sorry kasi ako yung nagkulang. Ako yung nakalimot sa pagkakaibigan natin.'
Nagugulat akong tumingin sa kanya.
'Don't say that, Jho. ' Nagugulat ko pa ring sambit habang umiilinng.
'No, ako talaga yung nagkamali. Masyado akong nagpalamon sa galit ko. Nanatili kang kaibigan ko kahit anong taboy ang ginawa ko sa'yo noon. Nanatili ka sa tabi ko kahit anong masasakit na salita ang nabitawan ko sa'yo. Samantalang ako, ni kahit pagkamusta ay hindi ko nagawa. Masyado kong pinairal yung pride at galit ko.'
Yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagtuloy tuloy na.
'I'm sorry kung wala ako nung nga panahong kailangan mo ng kaibigan. I'm sorry if I put all the blame to you. I'm sorry for everything, Mortema. Sana mapatawad mo ko.'
Hindi ko na hinayaan pang ituloy niya ang sinasabi niya at patakbo kong tinawid ang distansya namin saka ko siya niyakap ng mahigpit.
'I missed you, Jho.' Sambit ko habang humahagulgol.
'Na miss din kita.' Bulong niya.
Napatigil kami sa pag iyak nang mapansin namin na may nakiki iyak sa amin. Nandoon ang nga kaibigan namin maging si Nhala at masayang pinanonood kami.
'Simula ng ibinigay sa amin si Nhala, bumalik ang sigla at lakas ng nila mommy na hindi ko na nasilayan mula nung nawala si Rex, nung dumating siya sa buhay namin, naging masaya kami. Siya ang unti unting nagturo sa amin na magpatawad at alisin ang galit sa puso namin. '
'I didn't expect na mangyayari ito, Jho. You have no idea how happy I am.'
Tumawa siya saka hinawakan ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
Algemene fictieKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...