Nandito kami ngayon sa ospital. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng kamay ko dahil sa takot, kaba at lungkot. Palakad lakad at hindi mapakali si Jiz habang si Jho ay panay pa rin ang paghikbi na pinapakalma ni Oliver. Ang mga kasama namin ay tahimik lamang na nakaupo habang nasa ER si Rex. Lahat sila ay walang kibo ngunit bakas ang pagod at pag aalala.
'What happened?'
'Agapi..' saad ni Sam.
Mabilis niya akong nilapitan at nang yakapin niya ako ay parang bigla ko nalang gustong umiyak nang umiyak.
'Are you alright?' nag aalalang tanong niya.
'Of course she's alright! Kapatid ko yung nadisgrasya, Agapi! Kapatid ko!' sigaw ni Jho.
'Hey, calm down.' pilit na alo sa kanya ni Oliver.
'I'm sorry.' yun lang ang tangi kong naiusal.
'Tang inang sorry 'yan! Anong gagawin ko diyan?!' sigaw niyang muli na animong susugurin ako.
Ngayon ko lang nakitang ganito si Jurilyn. Pero anong magagawa ko? Kahit ako ay sinisisi ko ang sarili ko.
'Stop blaming her, Jurilyn!' ani Agapi.
'Fuck you! Hindi mo ko madadaan sa paganyan ganyan, Agapi'
'Tama na, Jho! Hindi makakatulong 'yan, anak.' pag awat sa kanya ng kaniyang ama.
Tumungo lamang ako at lihim na nanalangin habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mukha. Hindi namin ginagawa ito sa palati ng kamatayan pero ganito ako ka desperada, kahit kunin na nila ako, pahirapan ako o parusahan man, lahat aking tatanggapin, wag lang si Rex. Wag lang ang kahit sino sa mga taong malalapit sa'kin ang mapahamak.
'Umalis ka dito.' nabigla kaming lahat ng sabihin niya 'yon.
'Jho..' pang aawat ni Pat pero punong puno ng galit ang mga mata ni Jho.
'Umalis ka na! Tama si Elisha, halimaw ka!'
'Jurilyn!' awat ng kaniyang ina.
'Dahil sa'yo kaya napahamak ang kapatid ko! Kasalanan mo lahat!' umiiyak na siya nang sabihin 'yon.
'Jho, hindi niya kasalanan 'yon, aksidente ang lahat. Please don't be like that to her'
Pakiusap ni Agapi.'Anong ginawa sa'yo ng kapatid ko para ganito ang sapitin niya?' humahagulgol siya habang pilit na nag sasalita.
Pinilit kong lapitan si Jho. Kahit hirap na hirap ako gumalaw. Kahit natatakot ako, gusto kong harapin siya. Gusto kong yakapin siya.
'Huwag mo kong hahawakan!' sambit niya ng akma kong lalapit pa sa kanya. Umasta siya na parang diring diri sa akin.
'Napaka bait niya sa'yo. Sinuportahan ka niya sa lahat ng bagay, mortema. Pero bakit ganito?'
'Maniwala ka sa'ken, Jho. Hindi ko ginusto ang nangyari. I'm sorry.'
'Sana sa'yo nalang nangyari ito!' Ni hindi ko maramdaman ang sakit ng dahil sa sinabi niyang 'yon mas nasasaktan ako dahil nararamdaman ko yung galit niya sa akin, nakikita ko yung lungkot sa mga mata niya at pagod na alam kong ako lahat ang may kagagawan.
'Alam mo kung gaano ka importante sa akin si Rex, ikaw at lahat kayo. Handa kong gawin lahat para maprotektahan kayo.'
Pilit kong nilabanan ang mga tingin niya at lahat ng takot sa puso ko.'Pero hindi 'yon ang nangyari. Napahamak ang kapatid ko at dahil 'yon sayo.'
Madiin ang bawat salitang binibigkas niya.
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...