Mortema's POV
Maaga akong dumating sa school namin ngayon pero mukhang maaga din ang karamihan sa mga studyante. Marami ang nag kukumpulan sa announcement hall ng Campus. Parang may kanya kanya silang mga pakay dito. Napatigil ako sa gitna nang building at tinitigan lang sila, akma namang maglalakad na'ko upang magtungo sana sa silid namin nang lapitan ako ni Sir Lopez.
'Mortema. Nakapili ka na ng grupo mo?' tanong nito ng bahagyang naka ngiti pa. Gwapo nga ito si sir, lalo na pag naka ngiti. Nasa mid 20's pa siguro ito. Huh? Ano ba 'yan mortema!
-_-'Grupo?' tanong ko din dito.
'Mukhang wala pang nagsasabi sa'yo, kailangan mong sumali sa isang grupo dito. Grupo ng hilig mo o kung saan ka magaling. Pwedeng painting, dancing, sports, singing, acting, news writing, reading, o pwede sa mga organizational group o baka may leadership skills ka. Marami kang pagpipilian. Nandoon ang mga students para tingnan ang announcements about auditions, try outs or membership requirements. Kailangan mong pumili kahit isa. Believe me, sa dami niyan, hindi ka mahihirapan.' parang bigla naman akong na excite. Sa school kasi namin dati, marami akong nasalihang iba't ibang group. Naging past time ko at hobby ang mga iyon.
'Ahh, ganon po pala sir... Salamat po pala.' sagot ko dito ng bahagyang nakangiti. Nailang ako kasi titig na titig si sir saken.
'Ahh, by the way. Eto. Para sayo 'yan. Ginawa ng mom ko. Masarap talaga mag gelatin si mommy. Kainin mo pagkatapos mo mag lunch.' sabay abot saken ng isang di kalakihang tupperware na may kulay pink na giant jelly ace.
'Nako Sir, nakakahiya naman po.' sabi ko habang di makatingin ng derecho sa kanya.
'It's okay. Para sayo talaga 'yan. Malulungkot ako kung hindi mo tatanggapin.' kinuha ko naman ito at nilagay agad sa bag ko. Baka kasi may makakita pa sa amin. Mahirap na.
'Salamat po, Sir' sabi ko at ngumiti dito. Bigla namang namula si sir.
'Ayos lang po ba kayo, Sir? O may sakit ka po?' nag aalala ko pang tanong.
'A-ah hindi naman. A-ayos lang. Sige mauna nako. Ingat ka.' nauutal na sabi niya saka nag deretsong umalis. Weird din pala si Sir minsan. Sayang naman ang itsura niya kung ganon siya. Nagpatuloy nako sa paglalakad habang nag iisip kung anong grupo ang sasalihan ko nang biglang dumilim ang kalangitan at kumidlat ng napakalakas. Halos parang napakalapit ng kidlat na iyon sa amin. Lahat ng mag aaral ay napayuko at ang iba ay napadapa sa takot. Muling kumidlat at kitang kita ang ilaw nito. Nakakatakot ang lakas nito. Tila galit na galit ang kalangitan. Tatayo na sana ako ng mapansin kong may mga buhawi na paparating. Iiwas sana ako pero tinangay ako ng mga buhawing iyon. Napaka lakas nito. Nagpapaikot ikot na ako sa ere ngayon. Nakakahilo, masakit sa ulo at nararamdaman kong may mga batong tumatama sa bawat parte ng katawan ko. Napahawak ako sa kwintas ko. Umiilaw ito ngayon. Kapansin pansin ang lakas ng ilaw nito. Pataas na ako nang pataas sa ere. Namamanhid na din ang katawan ko. Kung ito na ang katapusan ko at kinukuha na ako pabalik sa palati namin ay sana walang mga mortal pa ang madamay. Bigla kong naramdaman na may malakas na pwersang humila sa akin at bumagsak ako sa kanya. Nawala na ang buhawi at kumalma na din ang paligid. Nagmulat ako ng mata ng marinig ko ang tinig ng taong humila saken.
'Ayos ka lang, Mortema?' si Agapi. Gusto ko sanang sagutin itong lalaking ito na kung siya kaya ang ikot ikutin ko sa ere at itama sa mga bato. Makasagot pa kaya siya? Kaya lang nakaramdam ako ng panghihina ng katawan kaya hindi ko na namalayan ang mga susunod na nangyari.
Agapi's POV
Maaga akong pumasok ngayon dahil kailangan naming mag post ng mga announcements for aspiring student leaders at ganon din sa try out ng basketball.
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
Ficción GeneralKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...