"How can you be a bad person for choosing something your heart desperately needs?
How will you ever find happiness if you're constantly choosing others over yourself?"Napangiti ako nang mapadako ang tingin ko sa quotation na 'yon sa likod ng pinto ng aking silid. Bigla ay naalala ko lahat ng pinagdaanan ko dito sa palati ng buhay.
'Ate pretty ka talaga!' biglang nabaling ang atensyon ko kay Gab. Kasama ko sila dito sa loob habang inaayos ni mama ang aking buhok.
Ngayon kasi ang aming christmas party kaya naman naghahanda na ako.
'Ikaw talaga Gab. Binobola mo ako palagi.' naka ngiti kong sambit.
'Ate kita kaya hindi ako magsisinungaling po. Magandang maganda ka po talaga.' lumapit siya sa akin saka ko hinalikan sa pisngi.
Hindi kami magkapatid na buo ni Gab. Anak siya sa naging asawa ni mama matapos ang aking ama. Ipinakasal daw ng kaniyang mga magulang si mama sa anak din ng kasosyo nila sa negosyo. Yun nga lang ay pumanaw ito sa sakit din na cancer Isang taon matapos maipanganak ni mama si Gab.
'Mama, hindi ba masyadong maiksi ang aking kasuotan?'Muli kong sinulyapan ang aking kabuuan sa salamin. Kulay pula ang suot ko. May temang berde at pula kasi ang aming party. Yun nga lang ay maiksi ang pang itaas ko kaya naman kita ang pang ibabang parte ng aking tiyan. Sleeveless pa 'yon. Kapares nito ang isang skirt na hapit at hanggang itaas lamang ng tuhod ang haba at nakasuot pa ako ng isang santa hat. Pinaresan naman ito ng pulang sapatos din na hindi masyadong mataas ang takong.
'Hindi naman. Bagay na bagay mga sa'yo at sigurado naman akong hindi ka pababayaan ni Agapi.' Nakangiti niyang sagot.
'Salamat po.' sagot ko sa kanya.
Napangiti si mama at hindi niya maalis ang kaniyang titig sa akin.
'Huwag kang masyadong uuwi ng late. Hihintayin kita.'
Tumango lamang ako sa kanya. Maya maya ay dumating na si Imman dahil siya ang nagsusundo sa akin. Mukhang mamaya pa kasi si Agapi dahil nandoon pa ito sa pagdiriwang sa kanilang mansion.
'What the fuck!' singhal ni Imman ng makita niya ako.
'Minura mo pa ako.' sagot ko pero hindi ito nag salita at nakatitig lang sa akin na paramg hindi pa makapaniwala.
'Huy, Imman.. Hindi ba bagay sa akin?' nahihiya kong tanong dahil pinagmamasdan niya talaga ang kabuuan ko.
'H-hindi naman. Bagay na bagay sa'yo kaya lang ay..'
Hindi niya na madugtungan ang sasabihin niya kaya naghintay pa ako.
'Shit! Halika na nga!' saka siya naglakad papasok muli sa sasakyan niya at pumasok na rin ako. Habang nasa biyahe ay syempre, tahimik si Imman. Ano pa nga ba ang bago.
'Imman..' tawag ko dito. Napa sulyap naman siya saglit sa akin saka ibinalik din ang kaniyang tingin sa daan.
'Hmm?'
'Bakit lagi kang tahimik? Kung minsan ay iniisip ko marami kang itinatago sa amin.' sinubukan kong magbiro upang magbukas ng usapin sa amin.
'Bakit ikaw? Hindi ba't marami ka rin namang sikreto pero hindi mo sinasabi sa amin?'
Tanong niya. Sa tono ng kaniyang pagtatanong ay alam ko namang wala 'yong ibang ibig sabihin pero natigilan ako. May alam ba siya?
'I mean, hindi ba't sinabi mo sa amin nung nakaraan na marami kang sikreto? Pinili mong huwag sabihin ang mga iyon sa amin. Ganun din ako. Hindi ako sanay na lahat ng bagay ay sinasabi o kinukwento ko sa iba.'
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...