CHAPTER TWENTY ONE

105 2 0
                                    

Lumipas ang linggo at wala akong message na natanggap mula kay Agapi. Naghintay ako ng tawag niya pero bigo ako kaya naman tuliro akong papasok ngayon sa skwela. Pag dating sa labas ng silid namin ay agad kong nakita sila Jurilyn at mukhang kanina pa nila inaabangan ang pagpasok ko.

'Thank God! Ano? Kamusta? May nang away ba sayo sa labas ha? May nakausap ka ba bago kami?'

Nagtaka naman agad ako sa inasal niya at mukhang natataranta pa siya.

'Ano, ayos ka lang ba?'

Tanong din ni Rex at lalo akong naguluhan sa mga kinikilos nila.

'Teka, anong nangyayari sa inyo?'

Hindi ko na napigilang magtanong sa kanila.

Nagtinginan muna sila saka bumuntong hininga. Maya maya ay natahimik na sila na para bang hindi nila alam kung anong sasabihin nila.

'Halika, pasok tayo. May sasabihin kami sayo.'

Pumasok kami ng silid at pinagtitinginan naman ako ng nga kaklase ko at saka nagbubulungan. Naka ngisi pa sa akin si Elle ng tapunan ko ito ng tingin. Ano nanaman ang problema nila? Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy kami sa upuan namin.

'Hindi ka nabalikan ni Agapi?'

tanong ni Jurilyn at umiling naman ako agad. Kapansin pansin na parang balisa sila at di malaman ang iaakto.

'Teka nga, sabihin niyo nga saken may problema ba?'

Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong yon sa kanila.

'A-ano kase..'

nagdadalawang isip na sagot ni rex at tumingin pa sa kapatid na parang nanghihingi ng tulong. Kinuha ni Jurilyn ang cellphone niya saka iyon pinakita sa akin. Halos muntik ko na ngang mabitawan ng makita ang larawan na nandoon. Kuha ni Agapi yon na mahimbing na natutulog habang nakangiti si sam sa tabi niya. Kapareho pa rin ng suot ni agapi doon ang suot niya nung nagpunta kami sa bar, binasa ko pa ang caption ng larawan na wari ko ay si Sam ang nag post.

"Best morning is waking up with the man you truly love."

Ibinalik ko ang cellphone kay Jurilyn saka nila ako tiningnan.

'Paano ka nakauwi?'

'Alaa tres na non pero hindi pa siya dumating. Hinatid nako ni Pocholo.'

'Sinabi ba niya sayo na kila sam siya matutulog?'

Umiling ako. Parang sumikip ang dibdib ko, hindi ko malaman o mapangalanan kung ano itong nararamdaman ko. Doon siya natulog? habang ako naghihintay sa kanya? Magaling!

'B-baka naman nakalimutan lang niya. Kasi diba? pagod sa byahe baka kaka asikaso kay sam, nakatulog na.'

nag aalinlangan na sagot ni Jurilyn.

'What?! Pinaghintay niya to oh! Anong klaseng dahilan naman ba yon! Etong Sammy Ellaine naman pinost pa!'

Hindi ko na sila tiningnan at ibinaling ang paningin ko sa labas kung saan kita ko ang kalangitan at ang marahang pagsayaw ng mga dahon ng puno na dala ng hangin.

Bakit hindi ka manlang nagpadala ng text? o kaya tumawag?

Maya maya ay naramdaman ko ang kamay ni Jurilyn sa akin.

'Okay ka lang?'

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Buong klase ay hindi ako nag sasalita. Wala rin akong ganang sumagot sa mga tanong ng prof kaya naman masayang masaya si Elle dahil siya lang ang bibong kumakausap sa prof. Hindi ko malaman pero may kung ano sa akin na parang nawalan ng gana, para bang gusto ko nalang umuwi at magkulong sa kwarto. Napapansin naman yon ng magkapatid at laking pasasalamat ko na hindi na nila ako kinulit pa. Makalipas ang ilang oras ay lunch break na kaya naman tumayo na ang dalawa para lumabas pero natigilan sila ng hindi ako tumayo para sumunod sa kanila.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon