CHAPTER THIRTY ONE

100 2 0
                                    

Sabado ng umaga ay abala kami nila Jho upang asikasuhin ang mga gagamitin namin para sa aming field study sa susunod na linggo. Dahil sabado at regular na ang klase ay may isang major subject kaming pinasukan.

'Siya nga pala, nasa bahay na yung isusuot mo mamaya. Pinadala daw ng mom mo.'

Pagsisimula ni Jho ng usapan namin. Mag mula kaninang pagpasok namin ay hindi kami nakakapag usap manlang dahil sa dami ng aming ginagawa.

'Ahh, Jho. Huwag na lang kaya akong pumunta mamaya?' may pag aalinlangan kong sambit.

'Heto na eh. Saka mababait ang magulang ni Agapi. Hindi ka naman papaalisin siguro ng mga 'yon.'

'Pero hindi talaga binabanggit sa akin ni Agapi ang tungkol doon.'

Totoo ang aking tinuran. Sa ilang araw na madalas na magkasama kami ni Agapi ay hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa anibersaryo ng nga magulang niya. Hindi niya rin ako inimbita kaya naman nag dadalawang isip ako kung pupunta. Dalawang bagay ang tumatakbo sa isip ko. Maaaring hindi niya sinasabi sa akin ang tungkol doon dahil ayaw ng magulang niyang nandoon ako at naiintindihan ko naman 'yon. Marahil ay ayaw niya lamang na magka gulo o masira ang pagdiriwang kung pupunta ako at wala problema sa akin 'yon.

Sa kabilang banda ay may kakaiba akong kutob na may tinatago siya sa akin kaya hindi niya sinasabi o binabanggit ang tungkol sa pagdiriwang. Nakapagtataka lamang dahil hindi naman ugali ni Agapi ang maglihim ng ganitong mga bagay.

'Kapag alam namin na nagkakatensyon na mamaya ay uuwi tayo agad.'

Paniniguro sa akin ni Rex.

Nang matapos ang klase at maipasa namin ang mga requirements para sa field study ay hinintay namin ang sundo ng magkapatid dahil sa kanila ako tutuloy upang maghanda para sa pagdiriwang. Sasabay kasi ako sa kanila papunta doon dahil hindi naman ako imbitado.

Sinabi ko kay Anna ang tungkol dito at matindi din ang naging pagtutol niya lalo't alam niyang ayaw sa akin ng mga magulang ni Agapi pero sa huli ay napapayag din naman siya ng magkapatid.

Napatingin ako sa cellphone ko at wala pa ring mensahe mula kay Agapi. Simula kagabi ng ihatid niya ako ay hindi na siya tumawag o nagtext hanggang ngayon.

'Lalim ng hinga natin ah.' puna sa akin ni Rex na katabi ko sa sasakyan

'Wala pa ding text? Hayaan mo, baka busy lang 'yon.' dagdag niya ng mapansin ang panay panay ang pag tingin ko sa cellphone.

Nang makarating kami sa bahay nila ay masayang sinalubong kami ng kanilang ina. Naging malapit na din ako sa mga magulang ng magkapatid lalo na kay Tita Ellen. Hindi nila ako tinuring na iba sa kanilang pamilya.

'Dinala pala dito ng driver niyo yong susuotin mo, Mortema.'

Ani tita Ellen habang kumakain kami ng tanghalian.

'Opo.' yun lang ang tangi kong nasagot.

'Nandoon sa kwarto ni Rex. Magpahinga nalang muna kayo pagka kain para mamaya ay fresh kayong tatlo.'

'Thanks mommy!' sambit ni Jho.

'Siya nga pala, naayos niyo ba ang sa field study niyo?' tanong ni Tita Ellen habang inilalapag ang dessert sa mesa.

'Opo, ako ay sa isang private school diyan sa kabilang baranggay na assigned, mommy.' sagot ni Jho.

Tumingin naman si Tita kay Rex na kakatapos lang kumain.

'Sa NWC po ako na assigned mom, sa Junior high department.'

'Nako, magkahiwalay pala kayo.' saka naman bumaling sa akin ng tingin si tita.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon