CHAPTER NINETEEN

104 2 0
                                    

"Every challenge helps develop your understanding of your own life and the unique lessons it hold only for you."

Nakatitig lang ako ngayon sa quotation na iyon sa likod ng aking pinto. Mabilis na lumipas ang mga araw halos hindi ko namalayan ito. Biyernes na ngayon at wala kaming klase dahil holiday. Ilang minuto pa ang tinitig ko sa quotation na iyon. Anu anong pagsubok ba ang pagdadaanan ko sa hiram na buhay kong ito? Para saan? Hanggang kailan? Ano nga kayang purpose ng paglagi ko dito? Ano pa man, nararamdamn kong masaya ako. Naranasan ko na magkaroon ng pamilya sa katauhan nila Anna at Gabrielle maging ng mga kasama namin sa bahay. Ganoon pala ang pakiramdam na magkaroon ng mga kaibigan, magawa ang mga bagay na gusto mong ginagawa, pagkanta, pagsayaw, pag arte, pag aaral. Makapunta sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan, makaramdam ng iba't ibang emosyon na bago sa iyo. Matutong pahalagahan ang sarili at ang nararamdaman ng ibang tao. Ganito pala ang pakiramdam ng masaya at kuntento. May problema man at hindi perpekto, masasabi ko na umaapaw ang tuwa sa aking puso. Napakaraming aral ang natututunan ko sa mundo ng mga tao, ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit natatakot sila sa kamatayan. Naputol ang pag iisip ko ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Agapi:
Good morning to my first lady!
I will pick you up at 10 am.
I miss you and I love you.

ps.
hope this will make you smile.
see u :*

Hindi nga siya nabigo at napangiti niya talaga ako sa mensahe niyang iyon. Susunduin niya daw ako ngayon dahil may pupuntahan daw kami, kung saan yon ay hindi niya sinabi. Naligo na ako at saka nagbihis ng denim na short at tshirt, nagsuot lang ako ng tsinelas saka ako bumaba. Maaga pa naman kaya naman makaka sama pa ako sa bonding nila Anna sa baba. Naglalaro sila ng xbox ni Gab doon. Wala din kasing pasok si anna. Nang makababa ako ay agad na tumingin sa akin ang mga nandoon.

'Ate pretty!!!'

Nakangiting sambit ni Gab. Agad akong lumapit sa kanila at hinalikan si Gab sa pisngi.

'Good morning!'

Bati ko sa kanilang lahat. Bumati din naman sila at saka pinagpatuloy ang ginagawa.

'Kamusta ang pinaka maganda sa North Western College?'

Mapang asar na tanong ni Buboy, schoolmate ko siya pero nasa lower year pa siya kaya hindi kami madalas na magkasama sa skwela. Nandito siya ngayon upang makibonding kila Anna.

'Puro ka kalokohan.'

natatawang sambit ko naman sa kanya.

'Ate pretty is really the prettiest girl I've ever seen.'

sagot ni Gab sa kanya. Nginitian ko naman siya at nakita kong ngumiti din si Anna. Napaka sweet sakin ng batang ito, hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako sa pamilya nila.

'Ayy, oo naman! Ikaw ba naman sayawan sa harap ng lahat ng studyante ng pinakagwapong lalaki sa school at pag agawan ng mga nag uumapaw sa hotness at looks, ewan ko nalang kung hindi pa ikaw ang pinaka maganda.'

Napakadaldal talaga. Inirapan ko lang siya ng maya maya ay magsalita si Anna.

'Pag agawan?'

Takang tanong niya at natigilan naman ako. Hindi ko pa kasi na ikukwento lahat kay Anna. Kakamot kamot naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.

'Ayy, oo tita! Kalat na kalat sa school na pinag aagawan siya ng dalawa sa pinaka kilala at pinaka gwapo at uber sa yuminess ang anak mo!'

Tumingin lang sakin si Anna at napayuko lang ako.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon