CHAPTER FORTY ONE

106 2 0
                                    

'Anak, lumabas ka na.. Kumain ka naman please..'

Dinig kong pakiusap ni mama mula sa labas ng aking silid. Simula ng umuwi ako kahapon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Para kong pinaparusahan ang aking sarili dahil kahit ayaw ko ay paulit ulit kong naaalala ang mga nakita ko.

'Padadalhan nalang ulit kita diyan..' pagsuko niya. Maya maya ay hindi ko na muling narinig ang kaniyang boses.

Nagulat pa sila nang umuwi akong basang basa sa ulan at namumugto ang mga mata. Gabi na nang makauwi ako sa kung saan lang ako dinala ng mga paa ko at sabi nila ay ka aalis lang daw ni Agapi at hinahanap ako. Kaninang umaga ay nandito din siya pero simula kagabi ay ni hindi ko sinulyapan ang labas ng silid ko. Naramdaman naman siguro ni mama na mayroon kaming problema at hindi siya nagpumilit na pumasok sa aking silid. Dinadalhan nila ako ng pagkain pero hindi ko naman kinakain. Pinatay ko din ang aking cellphone at hindi na naisipang buksan pa 'yon. Sinabi pa ni mama na nagmamaka awa si Agapi na labasin ko siya pero ni ang tumayo sa kamang 'yon nga ay hindi ko na magawa pa.

Napakadaming bagay ang pumapasok sa isip ko. Halos mamilipit na lamang ako sa kama sa lahat ng sakit na nararanasan ko, mas masakit pa sa mga pisikal na sugat ang lahat ng ito.

Nakakaramdam ako ng galit kay Agapi dahil sa ginawa niya.. Sinong matutuwa? Gustong gusto ko siyang harapin at sumbatan pero hindi ko alam kung kakayanin ko ng gawin 'yon ng hindi bumibigay. Anong ginawa ko para pag sinungalingan niya ako? Bakit hindi niya na lamang sinabi sa akin kung hindi na pala siya kuntento sa kung ano lang ang kaya kong ibigay?

Pero mayroon din nagdidikta sa puso ko at sinasabing kasalanan ko din ito dahil may mga pagkukulang ako bilang nobya niya. Na nitong mga nakaraang araw ay puro sarili kong problema lang iniisip ko at hindi siya nagawang bigyan ng sapat na atensyon.

Naisip ko, kung hihingin ba sa akin ni Agapi na gawin namin 'yon ay maibibigay ko ba? Kakayanin ko bang ibigay 'yon sa kanya? Muling tumulo ang mga luha ko. Nakita ko nanaman ang kaniyang itsura habang ginagawa nila 'yon..

Mahal na mahal ko si Agapi pero hindi ko na kaya...

Nang mag lunes ay pinilit ko pa ring pumasok kahit wala ako halos tulog at maga pa rin ang aking mata buhat ng pag iyak. Alam kong magkikita kami ngayon pero bahala na..

'Shocks! Anong itsura 'yan?!'

Napa pitlag ako nang marinig ko ang boses ni Pat at makita siya sa aming sala na mukhang kanina pa naghihintay.

'Kumain ka muna, anak.' sambit ni mama na nakangiti sa akin.

'What happened?' agad na usisa ni Pat na tinititigan akong kumain.

Kahit anong gawing pilit kong subo ng pagkain ay ni hindi ko magawang nguyain ito.

'Nag away ba kayo ni Agapi?' muling tanong niya saka ko siya tiningnan. Doon hindi ko nanaman napigilan ang emosyon ko at tumulo na lang ang luha ko. Kaya napatayo siya at niyakap ako.

'Anak, you can talk to us.. Hindi mo kailangan sarilinin.. Nasasaktan na ako na hindi ko manlang alam ang pinagdadaanan mo.' sambit ni mama.

Napatingin ako sa kanila at bakas na bakas ang pag aalala sa kanilang mukha kaya naman ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.

'Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Agapi 'yon. Kaya pala halos magmaka awa na dito para lang maka usap ka.'

Saad ni mama. Ako din mama. Mas lalong hindi ko inaaasahan na magagawa niya 'yon.

'Huwag na kaya muna akong pumasok? Hindi ko pa ata kaya...' malungkot kong sambit.

'Bakit? Why are you afraid to face him when it is him who cheated on you?!'

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon