CHAPTER EIGHT

107 2 0
                                    

Agapi's POV

Naiinis ako kasi wala naman akong choice kung hindi gawin 'tong assignment na to, kahit pa iritang irita ako na siya ang kasama ko. At ano daw 'yon? Bawal siyang pumunta sa bahay namin lalo na't lalaki ako? Ano bang iniisip niya? may gagawin ako sa kanya? Tss. Wala pa siya sa kalahati ni Sam. Kung makapag inarte akala mo kasing ganda ni Liza Soberano. -.-

'Ang ganda naman dito.' sabi pa niya habang naka pikit, parang ninanamnam ang hanging nasasamyo niya.

'Oo, dito ako madalas tumambay pag stress ako.. Maraming puno, mahangin, malilim at tahimik.' sagot ko naman habang nililibot ang paningin ko sa park.

'Edi lagi ka pala dito?' Napatingin ako sa kanya at nakatingin naman din siya sa'ken.

'Paano mo naman nasabi?'

'Eh mukhang lagi kang stress eh. hahaha' Mahinhin naman siyang tumawa.

'Tss. Tara na dito, Babalik pa ako sa school marami pa akong paper works.' saka kami naglakad papunta sa isang table na gawa sa mga sanga ng kahoy.

'Bakit ba ang laki ng galit mo sa'ken? Pag kausap mo ko parang may nakakahawa akong sakit.' Nakangiti niyang tanong kaya naman napatingin ako sa kanya at ayun nanaman yung mata niya. Napaka ganda talaga ng mga mata niya.

'Hindi 'yan ang pinunta natin dito, tapusin na natin ang assignment.' Saka ko sinimulang ilabas ang gamit ko nang tingnan ko siya ay sumeryoso na din siya at naglabas ng gamit niya.

'First question, What is happiness? tsk, what is happiness lang nag google ka pa?!' sarcastic niyang sabi.

'Pwede ba, tigilan mo na nga! Hindi tayo matatapos nito eh!' inis kong sabi sa kanya.

'Oh, eh what is happiness for you?' seryosong tanong niya habang titig na titig sa mga mata ko. Medyo nailang naman ako.

'Ahh-ahh Happiness is what-' naputol ang gusto kong sabihin dahil bigla siyang nagsalita

'Sagutin mo kasi sa kung paano mo gusto sagutin. Stop trying to impress everyone with your answer. Ano ba ang happiness para sayo? simple as that.' seryoso pa rin niyang sabi

'Alam ko!' saka ako umiwas ng tingin sa kanya, kinakabahan lang ako diyan sa mata mo. Tss!

'O, ano nga?'

'Happiness? Yun yung contentment para saken eh. Pag kuntento ka, nasayo ang kailangan mo kahit hindi yung gusto mo ang mapunta sayo. Hindi ka maghahangad ng iba, mamahalin mo kung ano at sinong meron ka, doon mo mararamdaman na masaya ka. Learning to appreciate everything around you good or bad.' Saka ako tumingin sa kanya na seryoso at sinusulat ang sinasabi ko. Nilingon ko naman siya at ako naman ang nagtanong..

'Ikaw? What is happiness?' deretchong tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako saka binaba ang ballpen at ngumiti.

'Happiness? Hmm.. Life.'

'Huh?' takang tanong ko sa kanya.

'Happiness means life. The fact na nabubuhay ka sa mundong ito, doon pa lang dapat maging masaya ka na. Hindi kasi lahat nabibigyan ng pagkakataong mabuhay. Kesohodang maraming pagsubok ang buhay at maraming problema hindi sapat yon para hindi ka maging masaya. Kasi ang buhay, ipinagkakaloob at iniingatan. Wala kang karapatan magreklamo o magalit sa mundo dahil sa mga problemang tinatamasa mo kasi maging ang buhay mo, hindi naman yan sayo. Kaya, bakit hindi ka magiging masaya? diba?' Saka ngumiti nanaman. Bakit ba siya ganyan, pag seryoso, sobrang seryoso nakaka chills ang itsura pero pag ngingiti, sobrang ganda naman. Tss mukang timang.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon