'Manonood ba tayo ng tune up game mamaya?'
tanong ni Jurilyn habang ang paningin ay nasa kanyang laptop.
Nandito kami ngayon sa Study hub ng skwela dahil nagiging abala kami sa aming thesis. Nasa halos kalagitnaan na din kasi kami ng taon kaya naman kinakailangan na namin umusad sa gawain.
'Aba, oo naman! Maglalaro ata ang babe ko no!'
masiglang sabi ni Rex sa kanya maya maya ay tumingin naman sila sa akin.
'Tingnan ko.'
Yun lamang ang naging sagot ko sa kanila. Dalawang araw ang lumipas mula nung magkausap kami ni Pocholo. Mula noon ay hindi na ulit kami nagkita na sa tingin ko ay mabuti na din hindi sa ayoko siyang makita pero hindi ko pa ata kaya dahil naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin. At ang pumunta mamaya sa tune up game ng varsity team namin ang puputol sa dalawang araw na hindi namin pagkikita kaya naman pag iisipan ko kung manonood ako dahil alam kong maglalaro siya. Naging abala din si Agapi sa iba't ibang activities sa skwela kaya hindi din naging madalas ang pagkikita namin, pero nakakapag usap na naman kami sa text pero alam kong hindi pa kami maayos at kailangan pang mag usap. Mamaya daw ay ihahatid niya ako pauwi kaya siguro ay pagkakataon na yon upang makapag usap kami.
Sa loob ng ilang taong pananatili ko sa palati ng buhay, marami akong natutuan at nalaman. Pero ngayon lang ata naging ganitong kagulo ang lahat sa akin. Ang pakiramdam ng masaya, malungkot, nasasaktan, umiiyak, nagkakagusto at nagbibigay halaga sa kapwa. Lahat ay bago sa akin. Lahat ay wala noon sa palati namin. Kaya naman ngayon ay unti unting pumapasok sa isipan ko ang katotohanang hindi ako ang mortema na ito. Isa lang akong mapag-panggap, nagkukunwari, nagtatago at punong puno ng sikreto. Darating kaya ang panahon na malalaman ng nga taong ito ang tunay kong katauhan? Matatanggap kaya nila ako?
'Huy!!'
napasinghap ako sa gulat sa biglaang paglaglag ng lata sa harap ko. Huh? Saan galing ang lata? Napatingin naman ako sa magkapatid.
'Bakit?'
tanong ko sa kanila.
'Kanina pa kami nagsasalita, nakikinig ka ba? Anong nangyayari sa'yo?'
Napailing na lang ako. Masyado pala akong nadala ng mga iniisip ko. Napatingin ako sa paligid at unti unti ng nag aalisan ang mga studyante.
'Ano nga 'yon?'
'Sabi namin, aalis na kami. Bukas naman natin ito ipagpatuloy. Papanoorin kasi namin ang tune up game. Sasama ka ba?'
'Ahh, susunod na lang siguro ako. Tapusin ko lang ito.'
'Sige, sunod ka ha?'
Tumango lang ako at pinanood silang magligpit ng gamit saka umalis. Ipagpapatuloy ko na sana ang ginagawa ko ng makarinig ako ng hikbi. Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong dalawa na lang kami na natira. At nagulat ako kung kaninong hikbi ang narinig ko, inayos ko ang gamit ko at mabilis na nagligpit saka ko siya nilapitan. Inabot ko ang panyo ko sa kanya. Tiningnan niya yon saka inilipat ang tingin sa akin. Blangko ang mga mata niya pero may mga luhang lumalandas sa mukha niya.
'Gusto mo ba ng kausap?'
'Anong ginagawa mo dito?'
may bahid ng galit ang pananalita niya.
'Narinig kasi kita-'
hindi ko natapos ang pagsasalita dahil tinabig niya ang kamay ko kaya naman nalaglag ang panyo.
'Hindi kita kailangan! Masaya ka na ba?! Nasa iyo na lahat ng gusto mo, ano pa?!'
'Gusto lang kitang tulungan Elle.'
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
Aktuelle LiteraturKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...