Lumipas ang isang linggo, gusto ko mang manatili sa aking silid at ikulong ang aking sarili ay pinilit kong bumangon at pumasok sa skwela. Baka sakaling sa ganitong paraan ay panandaliang mawala sa isip ko ang aking mga nalaman. Mas malala ang naging panaginip ko nitong mga nakaraang gabi, kung hindi ko lang pinilit na pigilan ay baka nagpadala na lamang ako.
Nang makarating sa skwela ay pinilit kong umakto ng normal at walang problema ngunit masyado na yata akong kilala ng mga kaibigan ko dahil nabibigo ako.
'Mortema, ayos ka lang ba talaga?'
Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na ni Jho sa akin 'yon at panay pag tango lamang ang naisasagot ko sa kanya.
'Kanina pa text ng text si Agapi. Nag aalala na daw siya sa'yo. Nag away ba kayo?'
Isang linggo ko na ding pilit na iniiwasan si Agapi. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Kung paano ko sasagutin ang mga magiging katanungan niya. Hindi ko rin alam kung sinabi na ng kanyang magulang ang katotohanan.
'Hindi kami nag away.' sagot ko kay Jho.
'May problema kayo?' muling tanong niya at umiling lamang ako.
'Kung ganon, bakit tayo umiiwas?'
Nanahimik na lamang ako at pilit na itinuon ang atensyon ko sa pagbabasa ng hiniram kong libro. Nandito kami ngayon sa silid aklatan. Dahil nga sa ayaw kong magtagpo ang landas namin ay pinili kong manatili dito kahit dapat ay nasa cafeteria kami o kaya ay sa hideout o sa umbrella para magpalipas ng vacant.
'Bakit iniiwasan mo ako?'
Ganon na lang ang gulat ko ng pag lingon ko sa gilid ay katabi ko na si Agapi. Tumingin ako kay Jho at nagkibit balikat lang ito.
'Pag usapan niyo na 'yan. Pinahihirapan niyo ang mga sarili niyo.'
Matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan na nila kami. Binalingan ko ng tingin si Agapi. Matinding pagpipigil ang ginagawa ko upang hindi haplusin ang kaniyang mukha. Bakas ang pagod at lungkot sa mga mata niya. Alam ng diyos kung gaano ako humihingi ng tawad sa mga nagawa ko pero alam din niyang hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko.
'Bakit mo ko iniiwasan?' malungkot niyang tanong.
Kinagat ko ang labi ko upang hindi maging emosyonal kahit na gustong gusto ko na siyang yakapin dahil sa labis kong pangungulila.
'Wala ka bang klase? Anong ginagawa mo dito?'
'Mortema, may problema ba tayo?'
Gustong gusto ko ng bumigay at yakapin na lang siya at sabihing wala kaming problema, na ayos lang kami at mahal na mahal ko siya. Nanatili akong tahimik at pilit na binabasa ang nakasulat sa libro kahit wala naman akong maintindihan. Ganon nalang ang gulat ko ng kunin niya ang libro at ibato 'yon.
'Please answer me. Sabihin mo sa akin, dahil ba to kila mommy?'
Nagsusumamo niyang sambit.
'Agapi, pinapatigil na tayo ng magulang mo.' sagot ko sa kanya.
'And so? Mortema, hindi ko sila susundin. Hindi dahil sinabi nila ay gagawin ko
Mahal na mahal kita, kaya kitang ipaglaban sa magulang ko. Hindi ako anak ni Tita Anna at hindi ka naman anak ng daddy ko kaya wala akong makitang dahilan para hindi pwedeng maging tayo.'Natigilan ako. Mukhang hindi sinabi sa kanya ng kanyang mga magulang ang katotohanan.
'Agapi, may hindi ka pa nalalaman tungkol sa akin.'
BINABASA MO ANG
THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)
General FictionKamatayan at pagmamahal kaya bang ipaglaban ang buhay? Takot ka bang mamatay? Bakit? Takot ka bang magmahal? Bakit? Nakakamatay ba ang pag mamahal? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pagibig? Magkaibang dimensyon, Magkaibang mundo pag...