CHAPTER FORTY EIGHT

109 2 0
                                    

'Ama.' hindi makapaniwalang tawag ko.

'Pumasok kayo.' seryosong utos ni mama.

Inalis ng aking ama ang tingin sa akin at sinulyapan ang aking kasama. Sa nakikita kong reaksyon ni Agapi ay alam kong naguguluhan siya, natatakot at kinakabahan. Tumikhim si mama. Nabalik ang atensyon sa akin ni ama.

'A-Ano pong ginagawa niyo dito, Ama? Paano po kayo naka baba?' Nagtataka man ay mas lamang ang takot sa aking pananalita.

'Alam mo ang dahilan nang pag parito ko, Mortema.' sinabi niya 'yon sa paraan na kung paano siya mag utos at magsalita sa mga tauhan niya sa palati ng kamatayan.

'Thanatos.' nananaway na ani ni mama.

Kumunot ang noo ni ama at saka nagtaas ng kilay sa akin.

'Ikaw ang nangako na babalik ka na sa palati ng kamatayan at lilisanin mo na ang palati na ito  kapalit ng kapayapaan, Mortema.' nagbabanta at matigas niyang sambit.

'Nakalimutan mo na ba?' tanong niya, nagtitimpi. Siguro kung walang ibang tao dito ay kanina pa niya ako pinagalitan sa paraan kung paano sa lugar namin.

'Wala po akong nakalimutan sa kahit anumang kasunduan.' sagot ko. Naramdaman ko ang pag sulyap sa akin ni Agapi. Alam kong sa mga sandaling ito ay naguguluhan na siya.

'Kung ganon, ano't narito ka pa?! Bakit mo tinatakasan ang pagsundo namin sa'yo?!' Sa pagkakataong 'yon ay hindi na siya nakapag pigil at nagtaas na ng bosesa.

'Napaka tagal mo ng namamalagi sa lugar na hindi ka naman nabibilang! Nagagalit na ang mga naghahari sa ibang Palati dahil ginagawa mo ang mga bagay na gusto mo kahit alam mong mali!' 

Napa pikit ako sa galit niya. Naramdaman ko pa na hawakan nang mahigpit ni Agapi ang kamay ko. Alam kong natatakot na din siya.

'Kaunting oras na lamang po, ama.' nag susumamo kong pakiusap. Ganon na lang ang gulat ko nang iamba niya ang kaniyang kamay sa astang sasaktan ako.

'Thanatos!' pigil ni mama sa kanya.

'Kalapastanganan ang ginagawa mo, alam mo 'yon diba? Ano at ikaw pa ang may lakas ng loob mamili ng araw ng pag alis mo!'

'Ama.' nakikiusap kong tawag.

muli niyang nilingon si Agapi na kanina pa nakikinig at nanatiling walang kibo bagama't hindi nagpakita ng pag aalinlangan na harapin ang aking ama. Si Agapi na hindi binitawan ang aking kamay.

'Dahil ba sa kanya?' tanong ng ama.

'Thanatos, walang kasalanan ang mga bata.' saad ni mama.

Ngunit hindi si aaya pinansin nito at lumapit kay Agapi.

'Alam mo ba ang ginagawa mo?' mapanuya niyang tanong, ang tingin ay ibinaba sa magkahawak naming kamay ni Agapi.

'Alam ko pong mali ito pero handa po akong tanggapin ang kahit anong parusa, huwag niyo lang po siyang kunin sa akin.' automatiko akong napalingon kay Agapi nang sabihin niya 'yon sa aking ama. Walang bahid ng pag dadalawang isip.

Tumawa ang aking ama. Ngunit hindi tawa dahil sa tuwa kung hindi tawang nang aasar, tawang nang mamaliit. Marahil ay iniisip niyang walang alam si Agapi sa mga sinasabi nito.       

'Kulang pa ang buhay mo o ng mga taong mahal mo bilang kaparusahan sa kasalanan niyong ito.' sagot sa kanya ng ama.

Nabigla si Agapi sa narinig pero gayunpaman ay hindi ito natinag.

THE DEATH PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon