"Isa kang stupid motherfucker!" sigaw ni Yujin sa kaklase niya.
Bakas sa mukha ni Yujin ang pagkainis para sa kaklase niyang takot na takot na. Halos pumutok na ugat niya sa stress. Hindi kasi nito magets ang instructions ni Yujin para sa activity nila. Para sa kaniya mahirap intindihin ang mga turo ng kasama niya. O sadyang napabobo niya lang talaga at napakatalino lang ni Yujin?
Napafacepalm nalang si Yujin at ginawa ang activity ng mag-isa. Wala na siyang pake kung walang kwenta ang kaklase niya. Basta ang gusto niya mapasa agad ang pinapagawa sa kanila ni teacher.
"Oh Yujin tapos ka na agad?" tanong ng teacher niya.
"Opo ma'am, nakasulat na rin sa papel ang complete details at process ng activity," seryosong sagot ni Yujin. Tinitigan niya lang ang kapartner niyang takot sa kaniya at agad na umupo. Ang gusto nalang niya ay umuwi agad sa bahay niya at maglaro ng video games.
Sa kabilang upuan naman makikita ang naguguluhang pato at ang kapartner niyang hamster sa activity nila. Napamura nalang siya sa isipan niya dahil sa sobrang bobo niya. Dagdag mo pa kasama niyang laging naghhibernate. In short, laging tulog.
"Psst Yuri, Yuri!" kinakalabit niya ito sa bewang pero di ito gumalaw. Napamura nalang siya ulit sa kawalan ng pag-asang makapasa sa subject nila.
"Yujin! Patulong naman oh! Woi maawa ka naman sa best friend mo aba naman!" sabi ni Yena sa tropa slash katabi niyang si Yujin na nakasubsob sa desk niya. Lumingon ito kay Yena pero nakasubsob parin ang ulo sa desk at sinabing, "Gawin mo mag-isa tinatamad ako." at bumalik na naman sa pagtulog.
"Putangina..." kinakabahang sabi ni Yena. Tumingin ito sa relos niya at nakitang 20 minutes nalang before time. "Psst Yujin! Yujin! Patulong please?" pagmamakaawa ni Yena kay Yujin.
"Woi."
"Sige na? Patulong huhu."
"Yujin naman..."
"Libre kita pagkain the whole week."
"Sinabi mo yan ha?" Biglang nagpakawala ng malaking ngisi si Yujin. And then the sudden realization hits Yena. Mukhang pagsisisihan niyang sinabi niya ang offer kay Yujin. Pero wala siyang magawa, gusto niyang makapasa.
'Shet rest in peace mahal kong wallet huhu.' nasabi nalang ni Yena sa sarili.
"Fine." at nang sinabi yun ni Yena ay biglang kinuha ni Yujin ang unfinished or rather, di pa nauumpisahan na activity nila Yena. Nakita niyang 15 mins nalang before time kaya lalo itong kinabahan. Habang si Yujin naman ay kalmadong ginawa ang activity.
.
"Shet akalain mo yun natapos mo yun within ten minutes lang!? Tangina galing mo talaga best friend!" sabi ni Yena habang niyayakap si Yujin ng mahigpit. Swerteng swerte ito sa best friend niyang matalino pero chill lang sa buhay.
"Buti ka pa may kwenta sa buhay yung partner ko walang kwenta hays." pagpaparinig niya sa 'partner' niya na kasama niya ngayon.
"Wao nagpaparinig ka? Eh ikaw nga na bobo pinarinig ko ba sayo? Hindi diba?" sabi naman ni Yuri.
"Eh kasi lagi ka nalang tulog! Kung di tayo tinulungan Yujin siguro bagsak na tayo!"
"Nagrereklamo ka eh sating tatlo si Yujin lang naman laging nakakapasa. Top pa! Tsaka sinasabihan mokong walang kwenta? Eh kung iwan kaya kita?" umaktong iwan ni Yuri si Yena nang pigilan siya nito.
"Joke lang naman hehehehe. I love you please ayaw ko magbreak tayo Yuri naman..." at dahil marupok si Yuri ay pinatawad niya kaagad ito at hinalikan.
Walang imik na naglakad si Yujin papalabas ng gate. Nandidiri siya sa magjowang kasama niya.
"Tss jowa jowa pa eh mga bagsak din naman," sabi niya sa sarili habang naglalakad. Iniwan niya ang dalawa sa harap ng gate na naghaharutan.
Pagkarating niya ng apartment ay agad siyang pumasok sa kwarto niya. She immediately changed her clothes and decided to play video games. Kanina pa niya kasi ito gustong gawin lalo na't bagong release ang nabili niyang laro.
Inabot ng apat na oras si Yujin sa paglalaro at nakakaramdam na ng gutom. So she stood up and went to the kitchen to cook some food to eat.
Cook talaga? Hindi naman siya marunong magluto, maliban kung instant noodles at mga prito.
"Kainis walang stock sa shelf," pumunta nalang sa ref niya at nakitang tatlong pirasong itlog nalang ang naiwan.
"Nakalimutan kong magrestock potek na yan." Nagluto nalang siya ng scrambled eggs bilang ulam at kumuha ng tinapay.
Maliban sa pagluluto, di rin alam ni Yujin ang maglinis ng kalat. Para kasi sa kaniya, sobrang energy draining ang paglilinis ng bahay tulad ng pagluluto. Which is quite ironic kasi mahilig siya sa sports na mas nakakadrain ng energy. Pero sa sports nakakapag-enjoy siya. Sinong tangang mag-eenjoy sa paglilinis, diba? Tsaka dakilang tamad siya so why bother? She's living alone anyway.
Yujin isn't a spoiled brat. She ain't a good kid either. Isa siyang babaeng tamad maglinis ng kalat at tamad mag-aral ng pagluluto. Madali rin siyang mainis sa mga bagay bagay kaya maraming hindi nakakatagal at takot sa kaniya maliban nalang kila Yena. Kung gano siya katangkad ay ganun rin kaikli ng pasensya niya.
She just ate silently when she remebered what Yena said earlier.
"Grabe bakit antalino mo? Sana all matalino pero chill lang ano,"
Yujin just smiled bitterly. She wasn't the 'chill Yujin' before. In fact, she was the most diligent and most studious person to ever exist. Halos maubos na niya ang mga libro sa library kakabasa, laging may dala dalang libro kahit sa pag-kain, halos pinapatay sarili sa puyat para lang sa project, sinasalihan lahat ng events at activities sa school, laging first honor o first place, champion at lahat. She received countless certificates, medals, trophies and awards. Halos puno na ang isang buong kwarto sa dami. All of those was just to make her parents proud, and to prove herself that she can also be like her brother.
But what did she get?
"You will never be as good as Jiyoong, Yujin."
All of her efforts were in vain because of that simple statement. It made her heart break, shattered into pieces. Gusto niyang magalit sa kapatid niya pero hindi niya kaya. Kaya iniyak niya lang lahat that night. At dahil don, nagsimulang magbago si Yujin. Laging gumagala tuwing gabi, sinasayang ang pera sa pagbibili ng video games, kahit ang masayahing Yujin biglang nawala. Hindi na rin siya nagbabasa ng books, maliban nalang kung gagamitin sa school at homeworks. Inamag nalang yung malaking bookshelf niya sa sala.
Bakit siya nasa isang apartment at tumitira mag-isa? Naglayas siya sa pamamahay nila. Dahil 'di na niya kaya ang treatment sa kaniya doon. Hindi na rin siya nagulat na walang pumigil sa kaniyang umalis. It looked like they were glad that she left the damn house. Ang tanging support na meron siya ay financial support. Tangina lang.
Pagkatapos niya kumain ay agad niyang hinugasan ang pinagkainan niya. Inaamin niyang tamad siya pero alam niya rin naman pano maghugas ano. Tahimik parin siyang pumunta ng kwarto at pinatay ang gadgets niya. Bigla siyang tinamad maglaro kaya nagpasya nalang siyang magshower, magtoothbrush at matulog nalang.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed