Katahimikan. Walang nagsasalita pagkatapos. Naglalaro nalang daw sila ng eye contact fight.
Kidding aside, hindi maalis ni Wonyoung ang paningin niya sa babaeng may asul na buhok. Habang sila Yuna naman ay nakatingin lang sa dalawa at hinihintay na magsalita o gumalaw ulit si Yujin.
Dahil katulad ni Wonyoung, nakatutok lang rin siya sa babaeng kaharap niya.
Nagkunwaring umubo si Ryujin, dahil hindi na niya rin kaya ang katahimikang bumabalot sa pad nila. "Ano na magtitigan nalang ba kayo dito? Balak niyo bang tunawin isa't isa?" Yujin just rolled her eyes while Lia and Yuna giggled. Namumula na si Wonyoung dahil sa kahihiyan habang si Yeji naman seryoso pa rin as usual.
Hindi na nagsalita pa si Yujin at hinawakan niya ang pulso ng kaharap. Dinala niya ito sa labas agad agad.
"Kahit kelan talaga ang babaeng yun walang modo." said Lia.
"Let her be. She's just adapting." Yeji spoke.
Nagpatuloy nalang sila sa kanikanilang mga gawain habang hinihintay si Yujin na bumalik.
...
Samantala, si Wonyoung naman hindi parin makapaniwala.
'Bat kamukhang kamukha niya talaga si Yujin?! Tas Yujin pa talaga pangalan niya! Ano yun? Coincidence? Eh magkaiba naman sila ng ugali diba?'
She was very engrossed in her thoughts that she didn't notice Yujin with a bicycle.
"So are you leaving or what?" the older asked as she startled the younger.
"I—" Wonyoung's attention suddenly diverted to the bicycle.
"Hop on."
"Ha?"
"You heard me."
'Omg ihahatid niya ako gamit ang bisikleta!?'
Biglang naging excited si Wonyoung na sumakay sa bisikletang hawak nung isa. Kaya naglakad siya papunta sa likod ni Yujin at umangkas nang pigilan siya nito.
"Who says you're gonna sit there?"
"Ha? Bakit hindi ba pwede?" Wonyoung asked back. But the other did not answer. She's just eyeing the younger as if she's waiting for her to realize something.
"You mean—"
"Yes."
"But why?"
"I don't know how to ride one." Biglang napanganga si Wonyoung sa narinig.
"Pero—"
"One." Mas mabilis pa sa alas kwatrong hinawakan ni Wonyoung ang handlebars sabay sa pagbitaw ni Yujin. Agad naman siyang pumosisyon sa likod at handa nang umangkas anumang oras.
This was not Wonyoung had expected. Buong akala niya'y siya ang aangkas pero kabaliktaran pala. Gusto niyang umangal pero nakita niyang seryosong seryoso ang mukha ng kasama niya. Plus, takot siya rito. (May nakakatakot na aura daw kasi ito.) Kaya pinili niya nalang manahimik at nagsimulang magpedal.
Hindi naman nakapaghanda si Yujin sa biglang paglarga kaya agad na nakabalot ang mga braso niya sa bewang ni Wonyoung. "Tuhnginuh!" mura niya in tagalog na medyo basa.
"S-sorry." Wonyoung muttered. Pero napakagat labi siya at nagpipigil ngumiti. Deep inside she wanted to squeal on how cute the other is. Halata kasing hindi ito sanay magtagalog dahil sa accent niya.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed