Maagang umalis si Yujin dahil may lakad pa sila nila Yena sa mall. Nag-enjoy naman sila buong araw nang maalala niyang may pinatulog pala siya sa apartment niya."Putangina! Yena mauna na ako ah may gagawin pa ako!"
"Teka sandal—" napakamot nalang ng ulo si Yena dahil sa inasta ni Yujin.
Hingal-hingal na nakarating ng sariling apartment, pumasok siya sa loob. And much to her surprise, she found her apartment very very clean!! Parang bagong bili sa sobrang linis!
"Yujin! Nakauwi ka na pala!" biglang lumitaw si Wonyoung na may feather duster na hawak.
Nagustuhan ni Yujin ang itsura ng bagong linis niyang apartment. Maaliwalas na ito at walang kalat. Pero nakakapagtaka bakit di pa naghahanda si Wonyoung na umalis?
"Thanks for the effort of cleaning my mess pero akala ko isang gabi ka lang dito? Bat parang di ka aalis?" di niya mapigilang tanungin si Wonyoung.
"Ha? Isang gabi? May sinabi kang ganun?" takang tanong ni Wonyoung.
Unti-unti na namang tumataas ang lebel ng pagkainis niya. Anong akala niya sa kaniya tanga?
"Oo! Sabi ko isang gabi lang kita patutulugin dito!"
"Correction, patira po yung sinabi ko hindi patulog. Magkaiba po yun!"
'Tangina anlakas ng loob niyang baliktarin ang mga sinabi ko!?'
"Arf arf!" nagtaka si Yujin bat may narinig siyang tuta sa loob ng apartment niya. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang kinupkop na tuta?
"Jinjin!" galak na galak si Wonyoung nang makita niya ang tuta papalapit sa kaniya. Agad niya itong niyakap at hinalikhalikan.
'Jinjin!? AT KUMUPKOP PA TALAGA SIYA NG TUTA!?'
Devastation was written on Yujin's face. She never knew that her life will be like this.
'Because of that stupid tuna sandwich...'
Gustong gusto na niya sumigaw ng malakas at magwala pero nanghihina na siya.
"Yujin tignan mo oh si Jinjin. Nakita ko siya sa labas ng building kanina tas naawa ako kaya kinupkop ko nalang hihihi tignan mo oh kamukha mo pa," sabi ni Wonyoung habang hinihimas himas niya ang tuta.
"Pano mo nalaman passcode nito?" tanong niya.
"Kagabi pagkaopen mo. Tapos di mo tinakpan kaya nakita ko hehehehe," nag peace sign lang si Wonyoung sa kaniya.
Biglang napaluhod si Yujin at nagpaulan ng mura.
"Putangina!"
"Shit!"
"Fuck!"
"Pakshet!"
"Yawa!"
"LORD BAKET!?? BAKETTT!???" bigla niyang sigaw at napaliyad na animo'y kinekwestyon ang mundo.
All of a sudden, Yujin felt weak. Naging blur paningin niya. And before Wonyoung knew it, Yujin passed out.
Wonyoung hurriedly carried Yujin and placed her carefully on a sofa. Iniingatan niya talaga ang ulo nito at ayaw niyang mabangga o mabagok. Inalis niya ang mga sapatos nito at makapal na jacket leaving only the pants and a shirt.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanficBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed