"Minjoo please, just stop it. Wala na tayo. Ayaw ko na bumalik sayo," pakiusap ni Yujin.
Nasa secret place sila ni Minjoo ngayon. And yes, nakikipagbalikan si Minjoo kay Yujin.
"Wala na ba talaga ako jan sa puso mo, Yujin?" tanong ni Minjoo. Hindi nakasagot agad si Yujin. Inaamin niya na may konting feelings pa siya para rito. Pero ayaw na niya.
"Bat di ka nakasagot agad? So totoo nga?"
"Ang alin?"
"Na mahal mo pa ako?"
"Oo," ngumiti si Minjoo sa sinabi ni Yujin. "Pero hindi na ako babalik sayo. Ayaw ko na at tapos na ang usapang to." And Yujin left without letting Minjoo say anything.
.
"Guys sinong may assignment sa science pakopya naman!" sigaw ni Nako sa loob ng classroom.
"Wtf may assignment sa science!?" sigaw naman ni Chaewon. Nagkaroon na naman ng sigawan sa loob dahil lang sa assignment.
Pero si Wonyoung sa likod tahimik lang. Lumilipad na ang isip niya ngayon.
"Psst Wonyoung may assignment ka?" tanong ni Yena. Binatukan siya ni Yuri na katabi niya lang.
"Alam mo ikaw puro ka nalang kopya. Kung gumawa ka ng sarili mo ano?"
"Bakit meron ka ba?"
"Syempre!"
"Ows?"
"Syempre wala rin hehehehe."
Nagtatalo na ang magjowa at naiinis na si Wonyoung sa ingay ng mga classmates niya.
"Argh guys eto o assignment ko kahit kopyahin niyo pa yan lahat!" At pagkasabi niya nun, biglang tumahimik ang lahat at dahan-dahang lumingon sa kaniya.
"I-isa kang hulog ng langit!" sigaw ni Eunbi. At wala pang isang segundo ay pumila sila sa desk ni Wonyoung.
Yena and Yuri were left dumbfounded.
"Alis na muna ako. Kopya well." aniya tsaka lumabas na ng classroom. Nakita niya sa labas sina Hyewon at Hitomi na naguusap. Kaya nilapitan niya ang mga ito.
"Nakita niyo po ba si Yujin?"
"Wala eh. Sorry Wonyoung." sagot ni Hitomi.
"Di bale, pag nakita namin siya text ka namin kaagad." sabi naman ni Hyewon.
"Sige po salamat!" at umalis siya sa pwesto nila at lumabas nalang ng building.
.
Her face lightened up when she saw Yujin climbing up on a tree. Kahit nagtataka siya kung bakit ito umakyat ay nilapitan niya lang ito.
"Yujin! Psst! Bakit ka umaakyat ng puno! Twenty minutes nalang before time!"
"Umakyat ka rito dali!"
"Pero—"
"Dali na!" Hindi na nakapagreklamo si Wonyoung at sumunod nalang. Kung yun ang gusto niya edi go.
Matapos makaakyat ni Wonyoung ay tinanong niya kaagad ito. "San ka galing?"
"Secret."
"Yujin!"
"Totoo naman sinasabi ko ah? Secret as in yung secret pleace." Pagkasabi nun ni Yujin napatahimik si Wonyoung. Naalala niya kasi si Minjoo dahil sa secret place na sinasabi ni Yujin.
"Si... Minjoo ba kasama mo?"
"Kanina oo." Wonyoung felt her heart ache. Pero binalewala niya nalang ito.
"Alam mo ba... Nakikipagbalikan siya sakin," biglang napalingon si Wonyoung sa sinabi ng kasama niya. She wanted to scream 'don't' but she can't.
"I admit that I still have feelings for her. Pero ayaw ko na kasi talaga Wonyoung eh. So ang sinabi ko," humarap siya kay Wonyoung na para bang isa siyang actress sa isang drama. "Hindi na ako babalik sayo. Ayaw ko na at tapos na ang usapang to."
Nakatunganga lang si Wonyoung pero deep inside halos magwala na siya sa sobrang saya. Pano ba naman, nalaman niyang ayaw na makipagbalikan ni Yujin sa manloloko niyang ex. Omg, may mga tao pa pala talagang hindi tanga sa pag-ibig!
"Grabe di ka man lang ba natuwa sa acting skills ko?"
"Hahahaha! Di bagay sayo eh sorry hihi."
"Sama neto huhu," nagpout nalang si Yujin.
'Halikan kita jan eh.'
Sinampal lang ni Wonyoung ang sarili dahil sa kadiri niyang pag-iisip.
Magsasalita pa dapat si Yujin kaso tumunog na ang school bell nila. Wala na, late na sila sa subject nila.
"Hala! Yujin talon na tayo dali mal-late na tayo!" tinulak niya si Yujin kaya nahulog ito. Buti nalang nakapaglanding pa siya ng maayos.
"Wonyoung pasalamat ka talaga nakapaglanding ako ng maayos jusko ka naman!" Natawa lang si Wonyoung.
"Talon na bilis! Sasaluhin naman kita!" at tumalon na nga si Wonyoung. Hindi naman siya takot kaya lumanding siya sa lupa at hindi sa mga bisig ni Yujin.
"Aba—"
"Bleh! Mabigat ako magpasalamat ka nalang HAHAHAHAHAHA,"
"Tsk, oo nalang."
'Self bobo ka sayang yung moment eh!'
'Sige lang naasar ko rin naman siya BWAHAHAHA'
Maglalakad na sana si Wonyoung kaso pinigilan siya ni Yujin.
"Since late naman na tayo masyado. Let's ditch class!"
"Hoy." biglang sumeryoso sa pananalita si Wonyoung kaya kinabahan si Yujin.
"Sabi ko nga papasok—"
"Tara!" hinawakan niya ang isang kamay ni Yujin at kinaladkad siya papalabas ng gate.
"Sure ka di tayo mahuhuli? Andun si manong guard sa gate oh."
"May plan b naman ako hehehehe don't worry."
"At ano naman yun?"
"Mago-over the bakod tayo." ngising sabi ni Yujin.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed