Maagang nagising si Yujin at naligo na. Monday na kasi ngayon at kinailangan na niyang pumasok sa school. Pagkatapos niyang maligo ay pumunta siya ng kusina para kumain ng breakfast. Cereal ang balak niyang kainin since nagmamadali siya.
"Oh Yujin good morning!" bati sa kaniya ni Wonyoung.
'Putek may pinatulog nga pala ako dito!'
Hindi nakapagsalita si Yujin dahil unti-unti siyang nakakaramdam ng hiya. Pakiramdam niya namumula na buong mukha niya. Eh kasi naman nakaroba lang siya ngayon!
Napansin ni Wonyoung na namumula na si Yujin na siya namang ipinagtaka nito.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Pero kalaunan ay narealize ni Wonyoung bat namumula ito. Sinong hindi mahihiya sa itsura niyang nakaroba lang ngayon? Namula na rin si Wonyoung at umiwas ng tingin.
"A-ano magbibihis nalang muna ako," sabi ni Yujin at mabilis pa sa alas kwatrong pumunta ng kwarto niya.
'Putangina nakakahiya talaga!'
"Yujin! Nakalimutan ko palang sabihin sayo na plinantsa ko uniform mo! Ilalagay ko nalang sa pinto hehehe," sigaw ni Wonyoung. Hindi alam ni Yujin kung magpapasalamat siya o lalong mahihiya.
Sa wakas ay nakauniform na nga si Yujin at pumunta ng kusina para kumain. Nakita niya si Wonyoung na naghahain ng agahan sa mesa.
Minsan naiisip na si Yujin kung may personal maid na ba siya dahil sa inaasta ni Wonyoung ever since tumira siya dito.
'Lah tumira? Bat ko naisip yun!? Nakitulog lang siya ampotangina naman!'
"Yujin kain na oh pinagluto na kita," at nilagyan ni Wonyoung ng pagkain ang plato si Yujin. Nagpasalamat naman siya at nagsimulang kumain.
Habang kumakain, Yujin can't help but wonder why this stranger in front of her is alone. Maraming tanong sa isipan niya ngayon.
Bakit ito mag-isa?
Naglayas ba rin ba siya tulad ko?
Tinakwil?
Asan kaya mga magulang nito? Nag-aaral parin ba siya?
Baka sampung taon na pala ang tanda nito sakin nako tsk tsk.
Baka killer to o kaya magnanakaw?
Napailing nalang si Yujin sa mga pinagiisip niya at nagpatuloy nalang sa pagkain.
"Kelan ka aalis?" tanong niya kay Wonyoung.
Si Wonyoung naman napatigil sa pagkain. Ayaw na ayaw niya na kasi talagang umalis sa apartment ng kasama niya. Comfortable na raw kasi siya masyado sa apartment ni Yujin. Osige kay Yujin na rin.
"Pwede bang dito nalang ako? Wala na kasi talaga akong matirhan eh."
"Hindi pwede. Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo pero hanggang dito nalang talaga maitutulong ko sayo. Tsaka yung perang kinuha mo nung tulog ako," napatigil si Yujin sa pagsasalita at naisip yung nangyari kagabi. Inis parin siya dun pero nangyari na. Pinagluro rin naman siya nito kaya medyo nabawasan na ang inis niya sa babae.
"Wag mo nang bayaran yun. Isipin nalang nating libre ko yun. Tsaka magrerestock rin naman sana ako last week kaso di natuloy so bale ikaw nagrestock ng pagkain para sakin."
Malungkot man si Wonyoung ay wala na siyang nagawa. Aalis na talaga siya sa apartment. Iiwan niya na ang lugar. Iiwan na niya si Yujin. Gusto man niyang umiyak ay pinipigilan niya ito.
Ngumiti nalang siya kahit pilit at sinabing, "Sige mamaya pagkaalis mo asahan mo wala na rin ako dito. Thank you ulit sa kabaitan mo, Yujin."
Nakaramdam ng lungkot si Yujin sa sinabi ni Wonyoung. Bat parang ayaw niya ito umalis? Pero binabalewala nalang niya ito. Dapat masaya siya kasi sa wakas tahimik na ulit buhay niya!
"Maraming salamat sa pagkain Wonyoung. Alis na ako ah? Pakilock ng apartment pagkaalis mo please lang salamat." Tumango naman si Wonyoung at naghugas ng mga plato. Lumabas na rin si Yujin sa apartment niya at pumunta na ng paaralan.
.
Walang ni-isang teacher ang pumasok sa umaga. Bored na bored na naman si Yujin kaya natulog nalang siya. Habang ang iba naman ay nagsasaya kasi walang klase.
As per usual, naghaharutan sina Yena at Yuri. Ang kaklase naman nilang si Nako ay napasigaw, "Hala sinong nakagawa ng project sa math! Pakopya!"
"Lah may project sa math!?" sigaw naman ni Chaewon. Naging maingay na tuloy ang classroom nila dahil sa project.
"Guys ang ingay niyo naman respeto naman oh!" sigaw naman ng class president nilang si Eunbi.
"Oo nga!" sabi naman ng vice president nilang si Sakura.
"Psst Yujin tapos ka na ba sa project mo?" tanong ng pato— este ni Yena.
"Oo naman. Tinapos ko na agad nung day na binigay satin yung task." Confident na sabi ni Yujin kay Yena.
"Edi sana ol nalang. Dala mo ba? Patingin kuha lang ako ng idea,"
"Mga galawan mo talaga eh tss," binuksan ni Yujin ang bag at hinanap yung project. Ilang beses niyang chineck ang bag niya pero di niya makita.
"Oh? Antagal naman Yuji—"
"Sandali! Naiwan ko yata yung project eh,"
"Ano Yujin naman eh!"
"Kung makareact ka parang sayo yung project Yena ah? Bakit sayo yun? Sayo?" Biglang salita ni Yuri kaya napatingin si Yena dito.
"Ay sabi ko nga hehehehe pis love pis," at niyakap nalang ang jowa niya.
Walang nagawa si Yujin kundi ang magcellphone nalang. Napagdesisyunan niyang umuwi nalang sa lunch time para kunin yung project niya. Buti nalang talaga at sa afternoon class yung math.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed