-Wonyoung's
Wassup mga kaigan! Panibagong araw, panibagong katarantaduhan na naman!
Charot lang.
Today is my first day bilang isang college student. Gosh, kinakabahan na ako!
Daglian akong bumangon sa kama at dumungaw sa bintana. Nakikita ko na si mareng sunrise.
"Good morning everyone!" sigaw ko sa labas.
Nakita ko si Yena na nagbbisikleta at angkas si Yuri.
Ay wao, sana all.
"Ke-aga aga nilalanggam ako!"
"Wonyoung maligo ka na nga jan! Una na kami!" Sigaw rin ni Yena pabalik.
"Oh well, let's get it!"
Syempre naligo na ako kaagad at nagbihis. Hindi na kami required naguniform sa university na pinapasukan namin. Kahit anong itsura mo dun wala silang pakialam basta wag ka lang umabsent.
Try ko kaya magpacolor ng buhok?
Masyado pa atang maaga.
Nagluto na ako ng pagkain at binigyan ng dog food si Jinjin. Hindi na siya yung maliit na tuta noon.
"Jinjin ang laki laki mo na!"
Matapos kong kumain, nilagay ko na yung ginamit ko sa lababo.
"Mamaya ko nalang siguro huhugasan pagbalik ko."
Nagtoothbrush na ako at kinuha ang mga gamit ko sa school.
Teka parang may kulang...
"Ah yung notebook ko sa kwarto!"
Tumakbo ako papasok sa kwarto dala ang bag ko. Nakita ko yung notebook sa desk. Agad na nilagay sa loob ng bag.
Ang kaso may napansin ako.
Yung maliit na blue box.
Yung bigay niya.
Nakalimutan ko talaga siyang itago. Sa totoo lang hindi ko pa siya nabubuksan.
Wala sa sariling kinuha ko yung box, at kinalas yung ribbon. Dahan dahang binuksan ang kahon.
Hindi ko mapigilang mapasinghap sa nakita.
Ang laman?
Isang necklace, na may diamond na pendant.
"Gosh..." Ang tangi ko nalang nasabi.
....
Later on that day...
"Hoy Wonton san mo nabili yang necklace mo? Ang ganda ah!"
"Oo nga, mukhang mamahalin pa!"
"Ngayon ko lang rin nakita yan. Hoy kuneho, magkano ba yan? Bibilhan ko rin tong si Yuri eh."
"Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo eh."
"Ngi? Bakit naman?"
"Sakin lang to."
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed