•33•

736 42 19
                                    

"Argh huhuhuhu," iyak ni Wonyoung habang naglalakad papunta sa isang convenience store. Stressed na stressed na kasi ito dahil sa schoolworks.

"Huhu bakit nga ba ako nag accountancy ulit?" Pagsasalita niya habang kumukuha ng maraming mincho ice creams. She also took some snacks and a sandwich.

Tuna sandwich.

Napangisi si Wonyoung nang may naalala siya.

"Miss bayad mo?" tanong ng kahera sa kaniya.

"Ay— hala sorry! Ito po," nahihiyang ngumiti si Wonyoung sa babae habang nag-aabot ng bayad. Nakatunganga lang pala ito habang may naalala nang nakangiti. Pakiramdam niya tuloy para siyang baliw.

Matapos magbayad ay naglakad siya papalabas. Nasa park ngayon si Wonyoung at kasalukuyang kinakain ang binili niyang snacks kaso may taong naglalakad, tila nagmamadali at nabangga si Wonyoung. Nahulog ang dala niya dahil dito.

"I—"

"I'm sorry for the mess, but I'm in a hurry." sabi ng babaeng hindi man lang tinapunan ng tingin si Wonyoung.

Everything went too fast. Hindi alam ni Wonyoung ang gagawin. Basta nag-aalala siya sa pagkain niya.

Pero teka.

'Bakit ang familiar ng boses niya?'

Napalingon siya sa direksyon kung san naglakad yung taong nagkabangga niya kanina. Hindi na niya ito nakita. She just shrugged her shoulders at pinulot ang mga pagkaing nahulog maliban sa mga opened at hindi na pwedeng kunin.

"Huhuhu sayang," sambit niya pero umalis siya kaagad.

The next day, ganun pa rin. Stressed siya dahil sa schoolworks. Nasa classroom na siya ngayon at hinihintay ang professor nilang dumating. Pero gustong gusto na niya matulog at magpahinga.

"You okay?" The guy sitting beside her asked. Wonyoung knew he was actually hitting on her.

"Oo okay lang ko. Wag mo na ako alalahanin."

"No, kelangan mo atang pumunta ng clinic. Samahan na kita if you want?"

"No thanks. Ayos lang ako pramis." She tried not to sound so mean. Naramdaman naman ng lalaking naiinis na ito sa kaniya kaya tumahimik nalang siya.

Sa hallway, nakita niya sina Eunbi at Sakura. Hindi na sila nag-aaway or what. It looked like they reconciled. Misunderstandings at matinding selosan raw ang rason ng pagtatalo nila na naayos naman thankfully.

They are back to being lovey-dovey again.



.



Wonyoung found herself wandering on the streets at night. Ayaw pa niyang umuwi eh kaya naglalakad lakad muna siya.

May natanaw siyang mga tao. At habang papalapit siya rito, napag-alaman niyang parang nagkakarambulan sila.

Masyadong maraming tao kaya hindi niya gaanong makita kung sino-sino ang mga yun. Nagkakatulakan na kasi at may mga sigawan.

Wonyoung was supposed to walk away when she saw something... familiar.

"Y-Yujin!?"

Tila nabato siya sa kinatatayuan niya nang lumingon ito sa kaniya.

Wonyoung saw Yujin. With bruises on her face. With a long, blue hair.

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now