•14

770 48 7
                                    

Yujin and Jiyoong both remained silent throughout the whole trip. Kinakabahan na si Yujin sa kung anong reaction ng parents niya sa kaniya. Kinakabahan na rin siya sa kalagayan nila.



"Bakit ngayon mo lang sinabi sakin?"



"I just can't remain silent like they want me to, Yujin. And besides, you're a member of the Ahn household so you deserve to know."



"Tss wala nga silang pake sakin." she said bitterly.



Nasa mansion na sila ngayon. At sampung beses na nadagdagan ang kaba ni Yujin. Parang gusto niya tuloy masuka.



"Babalik nalang ako sa apart—"



"You have to, Yujin."



Napatigil siya nang maalala niya ang sinabi ni Wonyoung. "Joke lang, papasok na talaga ako."



Naglakad silang dalawa papasok at matik na humilera ang napakaraming guards at maids. Nagbigay daan sila sa dalawa.



Hanggang sa nakarating na sila sa masters' bedroom, kung saan nakahilata ngayon si Sir Ahn.



Nasaan si Lady Ahn? Nasa ibang kwarto dahil sa mas malala na kundisyon.



"Wait for me here. I'll talk to dad first." sabi ni Jiyoong at pumasok na ito sa loob.



.



"Dad."



"Yes my dear son? Napadalaw ka?" tanong ng ama na may bahid ng pag-aalala.



"I have a gift for you." umarko ang mga labi ng ama sa sinabi ni Jiyoong. Mukhang naeexcite ito sa hinanda ng anak.



"Come in." tawag ni Jiyoong.



Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Yujin na alalang-alala sa ama. Biglang naging masama ang timpla niya pagakita kay Yujin.



"D-dad—"



"What is she doing here!?" pagtataas ng boses ng ama.



"It's your present. Don't you like it?"



"I don't. Now please go back to where you were earlier, Yujin. Before I'll make you leave." sabi nito.



Hindi na mapigilan ni Yujin ang mga luha niya at sunod sunod na itong tumulo. Nasasaktan siya dahil ayaw talaga sa kaniya ng ama niya.



'Just like what I expected. Sanay na dapat ako pero bakit masakit pa rin?'



"Dad, may tanong lang ako. Itinuring mo ba talaga akong anak mo? Ni minsan ba sa buhay mo, minahal mo ako bilang isang anak mo? Kasi dad, I've been seeking for your love all these years. But why can't I feel anything from you? Did you actually love me? Tell me the truth. Because I've had enough."



"You've had enough? Well I am too! You want the truth? Okay I'll tell you the truth! I never really loved you as my daughter. Not even once. You were and never will be my daughter."



Tila nabingi si Yujin sa lahat ng sinabi ng ama niya. Wala siyang ibang maramdaman kundi sakit. To the point na gusto na niya magwala. Kaya pala ganun ang pakikitungo sa kaniya ng ama. Kaya pala masaya sila noong umalis siya. Kaya pala.



'So this is how it is huh?'


"Now leave. You really don't deserve carrying the name Ahn in the first place."


She took a step back and slowly walked until Jiyoong stopped her.


"Hintayin mo ako sa labas. Okay?" tumango lang si Yujin habang umiiyak at lumabas na ng kwarto.


"Ahn Jiyoong!" sigaw nito.


Pero parang walang narinig si Jiyoong at nakatingin pa rin sa kapatid niya.


"Jiyoong explain."


Finally, Jiyoong faced his father with an extremely serious face.


"I have nothing to explain dad. You on the other hand, you need to tell me everything."


.


Tumakbo si Yujin papunta sa garden nila at doon binuhos lahat ng luha. Lahat ng sakit, lahat ng devastation, lahat na.


"Putanginang buhay to HAHAHAHAHAHAHAHA! ANSAYA!" tawa niya habang umiiyak.


Wala na siyang pake kung magmumukhang tanga na siya roon o makita man siya ng mga workers ng mansion. Basta gusto niyang ilabas lahat ng sakit na nadarama.


Iyak lang siya nang iyak buong gabi sa garden hanggang sa nahimatay ito.


Thankfully, may isang nakakita at dinala agad ito sa kwarto niya.


.


Halos inikot na ni Jiyoong ang buong mansion hindi niya pa rin nahahanap ang kapatid. Hindi niya maalis sa isipan ang sinabi ng dad niya tungkol kay Yujin.


"Young master, nasa sariling kwarto na po si Young lady." sabi ng isang maid.


Hindi ito sumagot at pumunta agad sa kwarto ni Yujin. He firstly knocked the door but he received no answer. So he simply went inside only to find a sleeping Yujin.


"She must be really exhausted huh." Worry was written all over his face. His usual stoic expression was replaced with pity, guilt and sadness.


Jiyoong finally showed his true emotions, but only the moon and the stars can only see it.


'You don't deserve any of these, Yujin.'


Biglang napayukom ng kamao si Jiyoong sa galit. Galit siya sa ama niya dahil sa pagtrato nito kay Yujin. Galit sa sa ina niya dahil hindi niya prinotektahan si Yujin. Galit siya sa sarili niya, dahil hindi niya rin nagawang protektahan ang sarili niyang kapatid.


Jiyoong sees Yujin as his only family. Not his father, not his mother, only Yujin.


He suddenly remembered the time when they were kids. Jiyoong was just reading books and Yujin would annoy him. And then they would bicker and all. Yujin actually gained the love of reading books because of him.


Sa tuwing pinapagalitan si Yujin ay lumalapit lang siya kay Jiyoong at nanghihiram ng libro. Paunahan sila sa pagtapos ng isang buong libro.


But then Yujin gradually changed when his idiotic father started to compare the both of them. Nagsimula itong magpakalunod sa acads and ended up hating him. Jiyoong hates his father for making Yujin hate him.


Kaya lang naman kasi mabait ang dad nila sa kaniya kasi ito ang magiging tagapagmana ng business nila. He never really felt the genuine love as a family. Pakiramdam niya ay ginagamit lang siya para lalo silang maging mayaman. What he got from Yujin is what Yujin actually seek.


Kaya ngayon, tinatry niya ang best niya para protektahan at tulungan ang kapatid niya. Iyong mga pera sa bank account ni Yujin? Si Jiyoong ang humuhulog doon. Siya rin mismo ang nagbabayad sa apartment ni Yujin. (Yung bayad ni Yujin kinukuha niya tapos binabalik niya sa account niya.) At marami pang iba.


"I'm afraid that you'll break even more after this, Yujin." sabi niya at umalis ng silid.

colour | annyeongz [completed]Where stories live. Discover now