Pagod na si Wonyoung kakalakad habang dala ang maleta niya. Dagdag mo pa ang malikot na si Jinjin ay talaga naman!
Nasaan na siya ngayon? Nasa park ulit. Para san pa at wala siyang pera, wala rin siyang matitirhan.
"Balik nalang kaya ako kay tita?"
"Ay joke wag nalang pala hehe. Dito nalang talaga ako matutulog sa park diba, Jinjin?"
"Arf arf!" sagot naman ng tuta.
Nasa point na si Wonyoung na gusto niyang magtrabaho. Wala na talaga kasi siyang pera ni piso. Ayaw niyang manlimos sa kahit sinong tao ano! Gusto niya pa maging successful!
Sa kalagitnaan ng paglalakad ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nakita niyang papa niya pala ang nagtext kaya inopen niya kaagad.
Papa:
Nak sorry ngayon lang ako nakapagpadala ha? Di bale dadalasan ko na pagpapadala. Sadyang busy lang kasi ang papa ngayon. May laman na bank account mo. Labyu anak. Kain mabuti ha?Napangiti si Wonyoung sa text ng papa niya. Sa wakas makakakain na siya!
Wonyoung:
Papa thank you! Love you rin hihihi!Hindi napansin ni Wonyoung na naglalakad na papalayo ang tuta. Masyadong pre-occupied si Wonyoung ngayon dahil sa text message ng papa niya.
"Jinjin tara n— Jinjin!" agad na hinabol ni Wonyoung ang tuta niya sa daan. Susme baka masagasaan!
Thankfully nakuha niya naman ang tuta at nakaiwas sa mga sasakyan sa daan. Ang kaso naiwan niya naman ang maleta niya sa other side of the road. Pawisang naglalakad si Wonyoung nang mapansin niyang may puting van sa likod niya.
'Hala baka yung nangunguha ng bata!'
Kabado at nagmamadali si Wonyoung na kunin ang maleta niya. Lalo na't nakita niya ang mga nakasakay sa puting van. Jusme mga lalaking naka itim!
Wonyoung silently prayed, wishing that she can get out of there asap. Ang kaso ulit, yung men in black naglalakad papunta sa direksyon niya. Kaya di na siya nagdalawang isip pa at nagcountdown nalang.
3
2
1
"Miss—" takbo!
"AAAAAAAAAAAAAAAAH WAG NIYO KO KUNIN PAYATOT AKO BAHALA KAYO JAN DI AKO MASARAP!" pinagsisigaw niya habang tumatakbo dala ang maleta at si Jinjin.
"Lah bat tumakbo yun?" MIB1
"Ewan. Natakot yata." MIB2
"Mukha ba tayong mangunguha ng tao?" MIB3
"Sa outfit natin ngayon kala mo hindi?" MIB2
"Tsk parang magtatanong lang san yung hotel para sa party eh tss alis na nga lang tayo." MIB1
.
Naglalakad si Yujin at nasa may bandang kanto na siya nang may nabangga siyang tao.
"Aray ko putangina naman!" daing niya.
"WAAAAHHHH SINO KA HUHUHUHU," pinagsisipa niya si Yujin habang nakapikit.
YOU ARE READING
colour | annyeongz [completed]
FanfictionBefore you came into my life, Everything was black and white Now all I see is colour. status ; completed