GANOON na lang ang tuwa ni Miss Melendez nang siya ang manalo sa bidding para sa espesyal na putahe ni Antonia para sa Big Event. Isang taon na siyang customer ng restaurant ni Antonia at nang malaman niya ang tungkol sa Big Event ay sinabi niya sa sarili na siya ang mananalo. At nangyari naman ang sinabi niya. Anak siya ng isa sa pinaka mayaman na negosyante kaya alam niya na makakaya niyang gawin iyon.
Matapos niyang mabayaran si Antonia ng twenty million pesos gamit ang isang cheke ay dinala na siya nito sa basement sa restaurant nito. May isang pinto sa basement at doon siya nito ipinasok. Meron doong isang maliit na lamesa na may kulay pulang table cloth at isang upuan. Kahit hindi pa sinasabi ni Antonia ay umupo na siya doon.
“Binabati kita, Miss Melendez. Unang beses ninyong um-attend ng Big Event pero nanalo na agad kayo,” masayang turan ni Antonia sa kaniya.
Inalis niya ang kaniyang mask at nahandtad ang maganda niyang mukha. Matangkad siya at payat at kabilang sa diet niya ang pagkain sa restaurant ni Antonia. “Masanay ka na dahil every year ay sisiguraduhin kong ako na ang mananalo simula ngayon!” Mataray niyang turan. “Nasaan na ba iyong espesyal na putahe? Dalhin mo na dito dahil nagugutom na ako!”
“Maupo ka lamang diyan, Miss Melendez at aking dadalhin na.”
“Alangan naman na humiga ako dito, 'di ba? Bilisan mo na. Ang dami mo pang sinasabi diyan!” Maarte niyang itinirik ang mata. Hindi na nagsalita pa si Antonia at umalis na ito ng silid na iyon. Naiinis na siya dahil hindi pa pala dala nito ang espesyal na putahe kaya hindi niya napigilan ang sarili na tarayan ito.
Mukhang naramdaman yata ni Antonia na naiinis na siya kaya bumalik agad ito na dala ang isang tray na may pang-cover pa sa pagkain. Maingat nito iyong ipinatong sa gitna ng lamesa. Umalis ulit ito at pagbalik ay may dala itong isang bote ng wine, wine glass, mga kubyertos at isang kulay gintong pinggan na maayos nitong inilagay sa kaniyang harapan.
“Handa ka na ba para sa espesyal na putahe, Miss Melendez?” tanong pa ni Antonia.
“Really, Antonia? Tatanungin mo pa talaga ako ng ganiyan? Of course! Kaya nga ako nandito dahil ready na ako. Buksan mo na iyan because I already paid for that! My God!” Huling-huli niya ang pag-irap ni Antonia sa kaniya pero pinalampas na lang niya iyon.
Marahang inalis ni Antonia ang cover at agad niyang naamoy ang nakakabaliw na aroma ng pagkain na nandoon. Halos mabaliw siya sa amoy pa lang kaya nasisiguro niyang masarap talaga ang espesyal na putahe. At nang tuluyan nang lumantad sa kaniya ang espesyal na putahe ay natulala siya doon at tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Muling nagsalita si Antonia para ipaliwanag sa kaniya ang pagkain na nabili niya sa halagang twenty million pesos. “Ang espesyal na putahe para sa taon na ito ay gawa sa sariwang katawan ng sampung buwang gulang na sanggol. Ngunit tanging ang ulo lang niya ang nariyan at wala ang katawan!” Tama ito. Isang pugot na ulo ng sanggol ang naroon. Sa paligid nito ay may kulay pula na may kasamang dilaw na sauce. “Pinakuluan ng maraming oras ang ulo ng sanggol kasama ang iba’t ibang kakaibang pampalasa na tanging piling tao lang ang nakakaalam. Pinakuluan ko ito hanggang sa lumambot pati ang bungo kaya maaari mo rin iyong kainin. At iyang red and yellow sauce sa paligid ng pinakuluang ulo ay gawa sa dugo at tae ng naturang sanggol!”
“Tae?”
“Oo. Biniyak ko ang tiyan niya at doon ako kumuha. Pinaghalo ko ang dugo at tae pero hindi ko masyadong niluto upang manatili ang natural na lasa. Pero ang pinaka highlight niyan ay ang utak sa loob ng ulo. Nilagyan ko ng biyak ang noo hanggang likod upang mabuksan mo agad ang ulo. Nang sa gayon ay hindi ka mahihirapan na kainin ang utak niya na kapag nasa loob ng iyong bibig ay kusang matutunaw!”
Panay na ang lunok ng laway ni Miss Melendez. Hindi na siya makapaghintay na matikman ang espesyal na putahe ni Antonia. “Mukhang masarap…” Nakatulala pa rin siya. Pakiramdam niya kasi ay nakatingin siya ngayon sa isang perpektong art work.
BINABASA MO ANG
SICK: Part Four
HorrorNagbabalik na ang mga kwentong susubukan na pabaligtarin ang iyong sikmura! [EAT] Tasty, savory and... bloody! [BLACK] Handa ka bang gawin ang lahat para sa pera? Humanda sa larong gusto niya... [SLIT] Mag-iingat sa paglalakad mo nang mag-isa. Nandi...