EAT [03]

4.8K 169 16
                                    

“SAMPUNG taon ang agwat ng edad nila! Nakakadiri, 'di ba?”

“Sinabi mo pa. Obvious naman na pera lang ni boss ang habol ng babaeng iyon, e. Saan ba siya nakuha? Sa lansangang, 'di ba? Oportunista!”

“Kung ako kay boss, kukuha ako ng babae na kasing-yaman niya. Oo, maganda nga si Clara pero mukhang pera. Iba na talaga kapag maganda! Gagamitin ang ganda at sikip ng puki makuha lang ang gusto!”

“Ewan ko ba kay boss at kung bakit sa Clara pa na iyon nagkagusto!”

Napahinto si Clara sa likuran ng dalawang babaeng trabahador sa patahian nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Tungkol lang naman sa kaniya at sa relasyon nila ni Ethan dela Merced. Patuloy lang ang dalawa sa pagtsi-tsismis habang abala sa pagbuburda. Kaya marahil ay hindi nararamdaman ng mga ito na naroon lang siya sa likuran at nadidinig ang lumalabas sa bibig ng mga ito.

Apat na taon na ang nakakalipas simula nang mawala siya sa lansangan at mapunta sa patahian na ito. Dito niya nakilala si Ethan dela Merced. Labing limang taon siya noon habang ang lalaki ay dalawampu’t lima. Sa unang pagkikita pa lang nila ni Ethan ay may kakaiba na siyang naramdaman dito. Hindi niya alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing nakikita o malapit ito sa kaniya. Hanggang sa malaman niya sa isa niyang kasamahan na pag-ibig ang tawag sa ganoong pakiramdam.

Makalipas ang isang taon ay niligawan siya ni Ethan. Ang akala niya noon ay nananaginip lang siya. Ngunit dahil sa may gusto din siya dito ay sinagot niya ito agad. Marami siyang naririnig na kung anu-anong masasamang salita patungkol sa kaniya at isa na ang pera lang ang habol niya kay Ethan. Noong una ay iniiyakan niya ang ganoong bagay pero tinuruan siya ni Ethan na maging matigas at matutong lumaban kung kinakailangan kaya ngayon ay nasanay na siya. Kapag nakakarinig siya ng mga ganoong salita ay pinapasok niya sa kaliwang tenga tapos labas sa kanang tenga.

Kaya nga mas marami ang tumaas ang kilay nang noong nakaraang taon ay pinakasalan na siya ni Ethan. Simpleng kasalan lang pero masayang-masaya si Clara. Sa bahay na rin nitong malaki siya nakatira dahil sa mag-asawa na sila. Magkatulong na nilang pinapatakbo ang patahian nito.

Patuloy lang ang dalawa sa pagkukwentuhan tungkol sa kaniya. Kung anu-ano ang sinasabi na para bang alam ng dalawa ang tunay na kwento ng kaniyang buhay.

Ilang beses na siyang nakakaranas ng ganoon at palagi niyang pinapalampas ngunit iba sa pagkakataon na ito. Parang gusto niyang sabunutan ang dalawang babae at pag-untugin nang paulit-ulit hanggang sa magdugo ang mga ulo nito!

Naiinis siya. Mainit ang ulo niya ngayong araw. Hindi niya alam kung bakit. Maayos siyang nakatulog kagabi. Walang traffic sa pagbyahe niya papunta sa patahian. Kaya nakakapagtaka kung bakit parang hindi maganda ang mood niya. Suot pa naman niya ngayong araw ang dress na ibinili ni Ethan sa kaniya noong isang araw. Kulay yellow iyon na may lace na kulay puti sa mga laylayan.

Hindi na nakatiis pa si Clara at tumikhim siya. Napalingon ang dalawang tsismosa sa kaniya at kitang-kita niya ang gulat sa mukha ng mga ito!

“M-ma’am Clara! Kanina ka pa ba diyan?” Namumutlang tanong ng isang babae.

Tumaas ang kilay ni Clara at matalim na tiningnan ang dalawa. “Kasali ba sa trabaho ninyo ang pakialaman ang buhay ng ibang tao lalo na ang buhay namin ng asawa ko?” Seryoso niyang tanong.

“H-hindi po—”

“At hindi ba kayo kinikilabutan? Ang mga taong nagpapasahod sa inyo ang pinag-tsi-tsismisan ninyo?!” Napapahiyang napayuko ang dalawa. Kung hindi nga lang kasalanan ay kanina pa siya kumuha ng karayom at sinulid. Tatahiin niya talaga ang mga bunganga ng mga ito upang hindi na makapag-tsismis. “Isang beses ko pang marinig na pinag-uusapan ninyo ang buhay namin ni Ethan, ako mismo ang sisipa sa inyo palabas! Kahit sino sa inyo. Nagkakatintindihan ba tayo?!”

SICK: Part FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon