BLACK [08]

3.4K 134 8
                                    

HALOS hindi na maramdaman ni Angel ang kaniyang sarili. Tila namanhid na ang lahat ng parte ng katawan niya sa tagal ng pagkakabitin niya. Tumigil na ang pagdurugo ng sugat na dulot ng paghiwa ng pulubi sa kaniya. Puno na ng pawis ang buong katawan niyang nanginginig pa rin. Isang oras at isang minuto na lang. Ganoon na lang katagal ang kailangan niyang tiisin at matatapos na ang ikalawang pagsubok ni Black sa kaniya.

Ang pulubi na kanina ay parang walang kapaguran ay naubos na yata ang energy at nakahiga na ito sa isang sulok. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya alam kung tulog ba ito o basta lang nakahiga.

Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Hindi na rin siya sigurado kung makakaya pa niyang bumitin pa ng mas matagal dahil sobrang sakit na ng mga braso at kamay niya ng sandaling iyon. “Diyos ko… Parang hindi ko na kaya. Tulungan Niyo po ako…” At sa pagkakataon na iyon ay tumawag na siya sa Diyos.

Tinanong tuloy ni Angel ang sarili niya kung kailan nga ba siya huling nagdasal at kinausap ang Diyos? Hindi na niya matandaan. Kahit noong buhay pa ang nanay niya ay hindi siya nito iminulat na dapat ay palagi siyang nagdadasal o nagsisimba. Kaya hanggang ngayon ay hindi niya alam kung dapat ba siyang magtiwala sa Diyos. Wala lang talaga siyang mahingan ng tulong sa sitwasyon niya ngayon kaya siya biglang humingi ng tulong sa Diyos.

Limampu’t siyam na minuto na lang ang nalalabi sa timer. Nanghihinang ngumiti si Angel. Malapit nang matapos. Kaunting tiis na lang.

Ngunit agad na naglaho ang ngiti niya nang biglang bumangon ang pulubi at nagtatalon ito na parang isang bata. “Oras na! Oras na! Oras na para sa huling pasabog!” Pumapalakpak pa ito.

“A-anong sinasabi mo?” Nagtataka niyang tanong dito.

“Oras na! Aalis na ako dito! Bye!” Kumaway ito sa kaniya at tumakbo na ito papunta sa pinto.

“Hoy! Saan ka pupunta?!” Hindi siya pinansin ng pulubi hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kwartong iyon at isinarado nito ang pinto.

Ano kaya ang ibig sabihin ng mga sinabi nito? Oras na daw para sa huling pasabog. Kinabahan tuloy siya. Base sa sinabi ng pulubi ay may isa pang pagsubok na darating. Pero paano iyon mangyayari kung umalis na ito? Sino pa ang magpapahirap sa kaniya?

“Baka naman babalik pa ang mabahong iyon…” Mahina niyang turan.

Nang apatnapu’t siyam na minuto na lang ang natitira ay may narinig siyang ugong sa sahig. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang bumubukas ang sahig sa tapat niya. Napasigaw siya nang malakas. Isang parihabang butas ang ngayon ay nasa paanan niya at kapag bumitaw siya ay siguradong doon siya mahuhulog. At ang mas nakakagimbal pa ay puro dumi ng tao ang laman ng hukay na iyon!

Hindi na napigilan ni Angel ang pagbaligtad ng sikmura niya dahil sa nakaksulasok na amoy ng tae lalo na nang makita niya iyon! May mga langaw na naglipana doon at mga uod na nagpipiyesta.

Parang nilamukos ang sikmura niya at tuluyan na siyang napasuka. Umagos ang sarili niyang suka sa kaniyang leeg, dibdib at pababa. Kulang na lang ay isuka na rin niya pati lamang-loob niya. Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak sa bakal sa takot na baka makabitaw siya doon. Kahit nangangalay na siya ay hindi na talaga siya bibitaw dahil ang babagsakan niya ay hukay na puno ng tae. Iniisip pa lang niya iyon ay kinikilabutan na siya nang husto.

Natapos na ang pagsusuka ni Angel. Itiningala niya ang ulo upang hindi makita ang nasa paanan niya. Pinipigilan din niya ang paghinga hangga’t kaya niya. Hindi niya talaga kaya ang mabahong amoy ngayon. Mas triple at mas higit pa iyon sa amoy ng pulubing kasama niya dito kanina. Kaya pala umalis ito ay dahil alam nito na ganoon ang mangyayari.

“Maaari ka nang sumuko kung hindi mo na kaya, Angel. Ang gagawin mo lang ay bumitaw sa bakal na iyong hinahawakan.” Narinig niya ang boses ni Black sa earphone.

SICK: Part FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon