BLACK [06]

3.6K 144 7
                                    

SUNUD-SUNOD ang pagbubuhos ni Angel ng tubig sa kaniyang hubad na katawan gamit ang tabo. Nasa banyo siya at naliligo. Panay ang salok niya sa timba habang walang tigil ang paglabas ng tubig sa gripo. Pagkabalik niya sa apartment mula sa pambubugbog sa kawawang pulubi ay dumiretso siya sa banyo para maligo dahil talagang dumikit sa kaniya ang mabahong amoy nito.

Nang magsawang magbuhos ng tubig ay saka niya sinabon ang kaniyang katawan. Halos mabura na ang balat niya dahil sa mariin niyang pagkuskos doon. Dahil sa wala na palang shampoo ay ang sabon na rin ang ginamit niya sa kaniyang buhok.

Tinapos na ni Angel ang pagligo at nagtapis siya ng tuwalya nang lumabas siya sa banyo. Naghahanap na siya ng damit sa aparador nang tumunog ang kaniyang cellphone. Iniwan muna niya ang paghahanap ng masusuot upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kaniya at nalaman niyang si Cecilla lang pala. Naisip niya na baka makikipag-kwentuhan lang ito kaya hindi na lang niya sinagot. Mamaya na lang niya ito tatawagan.

Gusto lang niyang makapagpahinga muna sa ngayon dahil hindi na niya kaya ang pagod na kaniyang nararamdaman.

Bumalik na siya sa may aparador at tanging panty at bra lang ang nagawa niyang maisuot. Pagkasuot niya ng mga iyon ay ibinagsak na niya ang kaniyang katawan sa ibabaw ng kaniyang higaan at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto lang ay nakatulog na si Angel.

Ngunit ang mahimbing niyang tulog ay nabulabog nang may marinig siyang pagkalabog sa may salas. Parang tunog ng isang upuan na natumba ng kung sino. Inakala niya na baka imahinasyon lang niya ang narinig o baka kasama sa kaniyang panaginip kaya pumikit ulit siya. Wala pang isang minuto siyang nakapikit ay nakarinig naman siya ng yabag ng paa sa labas ng kaniyang kwarto.

Kasunod niyon ay ang muling pagtunog ng kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa ilalim ng kaniyang unan.

Si Cecilla ulit. Tumatawag. Sa tingin niya ay hindi ito titigil kakatawag hanggang hindi siya nakakausap kaya sinagot na lang niya iyon. "Hello, friend..." Inaantok niyang sagot.

"Friend! Kumusta ka naman diyan? Nandito na pala kami sa airport. Mamaya ay sasakay na ako ng airplane! Grabe! Excited ako kasi first time kong makasakay ng eroplano!" Halata sa pagsasalita nito na masaya ito.

"Mag-iingat ka, ha. I-update mo ako kapag nandoon ka na sa Palawan, friend." Nawala na tuloy sa isip niya ang yabag ng paa na narinig niya kanina. Umupo siya sa gilid ng kama. Nakatalikod siya sa gawi ng pintuan ng kwarto.

"Kinabahan nga ako kanina at akala ko ay kailangan ng passport. 'Di ba, wala ako no'n! Hindi naman ako kumukuha niyon kasi hindi ko na-imagine ang self ko na makakasakay ako sa airplane someday! Napahiya pa ako sa kasama ko!" Malakas itong tumawa.

"Hindi na kailangan ng passport kapag hindi ka lalabas ng bansa, friend. Ano ka ba?" Natawa siya ng bahagya sa sinabi ni Cecilla.

"Kaya nga, e. Malay ko ba? Ikaw ba diyan... kumusta ka, friend?"

"Ayos lang ako, friend. 'Wag mo akong isipin. Mag-enjoy ka lang sa bakasyon mo."

"O, basta kapag kailangan mo ng pera ay magsabi ka lang. Okay?"

"Okay, friend. Thank you!"

"Ay, siya... tinatawag na ako ng kasama ko. Later na lang, friend! See you soon!"

"Bye, friend!"

Doon na natapos ang pag-uusap nila ni Cecilla. Masaya siya para dito dahil nakakapunta ito sa isang magandang lugar. Pero oras na makuha niya ang sampung milyon kay Black ay bibigyan niya ito ng pera para makapagbagong buhay na ang kaibigan niya. Ayaw niya na habangbuhay nitong ibinebenta ang sarili para kumita ng pera.

Ibinalik na ni Angel ang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan. Pabalik na sana siya sa pagkakahiga nang may maramdaman siyang presensiya ng tao sa kaniyang likuran. Iyong pakiramdam na parang hindi siya nag-iisa sa silid na iyon. Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil doon.

SICK: Part FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon