BLACK [01]

5.6K 163 33
                                    


PLEASE READ THIS: Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng sorry sa inyo dahil alam ko na baka ma-disappoint kayo dahil iniba ko ang kwento nitong BLACK. Originally, ang kwento nito ay iyong dati kong story na dinelete ko. Iyong “Black School Activity” kung saan isa sa mga bida ay si Miss Black. Alam ko, ilan sa inyo ay nag-expect na lalabas ulit si Miss Black pero sorry dahil hindi muna. Masyado kasing mahaba iyong Black School Activity kaya hindi siya pwede dito sa SICK. Pero sisikapin kong magugustuhan ninyo ang kwentong ito. Sana ay suportahan niyo pa rin. Salamat!


























EXCITED na bumangon si Angel sa kaniyang kama ng umagang iyon. Para sa batang katulad niya ang birthday ang isa sa mga araw na talagang pinakahihintay niya. Bukod sa madadagdagan ang edad niya ay nararamdaman niyang espesyal siya sa araw na iyon. Kagabi ay nangako ang nanay niya na kakain sila sa paborito niyang fastfood restaurant. Saan pa ba kundi sa bida ang saya—sa Jollibee!

Sakto lang ang pamumuhay na meron si Angel. Nangungupahan sila ng nanay niyang si Angelina sa isang maliit na apartment. Mag-isa na lang siya nitong binubuhay sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga beauty products at damit na pambabae dahil matagal nang patay ang kaniyang tatay. Namatay ito nang minsang makipag-inuman at nasaksak ng nakaaway nito sa mismong inuman. Dead on arrival ang tatay niya. Sa totoo lang ay hindi siya nakaramdam ng lungkot nang mawala ito dahil bukod sa palagi itong wala sa bahay dahil sa meron itong kabit ay tatlong taon pa lang siya nang mawala ito. Wala pa siyang muwang noon.

“Happy 8th birthday, Angel!” Salubong ng nanay niya nang lumabas siya ng kwarto nila. May dala itong maliit na cake at meron iyon kandila na hugis number eight sa ibabaw.

Mataba ang nanay niya at magkatulad sila. Paano ba namang hindi siya tatabang katulad nito ay palagi siya nitong pinapakain. Palibhasa ay mag-isa lang siyang anak nito kaya kahit papaano ay naibibigay nito ang lahat ng gusto niya. At dahil mag-isa lang siya ay nasanay siyang walang kaagaw. Ayaw niya ng may kaagaw sa lahat ng bahay.

“Akala ko ba sa Jollibee tayo kakain, mama? Bakit may cake na ako? I want Jollibee!” demand ni Angel.

“Kakain pa rin naman tayo doon pagkatapos nating mag-almusal. Kaya maligo ka na pagkatapos nating kumain. Okay?”

Lalong bumilog ang mukha ni Angel nang ngumiti siya nang malaki. “Yes! Jollibee! Gusto ko ng chicken, ha! Magwawala ako kapag walang chicken!”

“Kahit isang buong manok pa basta para sa cutie baby Angel ko!” At pinisil pa nito ang pisngi niya. “Ang taba-taba naman ng baby ko!”

“Mana lang sa iyo, mama!” sagot ni Angel sa ina.

Maya maya lang ay magkasabay na nilang nilalantakan ang cake. Meron din silang pandesal, kape at pancit. Pagkatapos kumain ni Angel ay naligo na siya habang ang nanay niya ay hinuhugasan ang kanilang pinagkainan. Matapos iyon ay binihisan na siya nito at ito naman ang naligo at nagbihis. Umalis na rin sila ng kanilang apartment at sumakay ng tricycle. Nagpahatid sila sa bayan kung saan naroon ang kakainan nila. Doon ay umorder si Angelina ng isang bucket ng fried chicken, tatlong large fries, tatlong spaghetti, anim na regular burger at apat na regular na coke. Lahat iyon ay para lang sa kanilang dalawa.

“Wow! Ang dami namang pagkain!” tuwang pakli ni Angel at agad siyang sumugod sa pagkain.

“Dahil birthday mo, Angel! Kumain ka ng marami, ha!”

Manghang-mangha si Angel sa dami ng pagkain na nasa harapan niya. Una niyang kinain ang friend chicken. Kinamay na niya iyon at akala mo ay hindi pa nag-aalmusal kung ngasabin iyon.

Habang kumakain siya ay napatingin siya sa may gilid nila. Kalapit kasi sila ng glass wall. Isang batang babae na madumi at halatang pulubi ang nakita niyang natanghod habang siya ay kumakain. Pakiramdam niya tuloy ay aagawan siya nito kaya sumimangot siya nang matindi. “Mama, may pulubi! Ayoko sa kaniya!” Maarte niyang sumbong sa ina at itinuro niya ang batang pulubi.

SICK: Part FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon