"Beshie! Summer is coming na. Magbevacation daw kami sa Aurora sama ka?" Excited na tanong ko through phone. Matapos ko siyang istorbohin sa pagtulog niya. Alam ko naman na kagigising lang niya.
"Ugh! Nang iistorbo ka ng tulog." Reklamo niya. Alam kong sa ngayon ay lukot na lukot na naman ang mukha niya sa pagkasimangot. "Madami bang fafa doon?" Dagdag niya pa. He tried to change his voice in a high pitch tone but he failed, dahil maririnig mo pa rin ang paghusky ng boses nito. Pero napangiwi ako sa tanong niya. Fafa, boylet agad ang hanap eh. Iba talaga.
"Sure akong madami beshie." Sagot ko sa kanya kahit na hindi ako sigurado kung madami talaga. "So sama ka?" Excited na tanong ko dito. I heard him groaned.
"Kaimbiyerna ka! Ginising mo ako ng dahil lang diyan!" Napahagikgik ako, I can imagine him rolling his eyes. "Alam mo namang puyat ako kagabi-"
"Oh my gosh! Dont tell me nakipagchukchakan ka sa isang hombre?!" Exag na tanong ko. Napangiwi na naman ako sa isiping yun. I can't imagine him na nakikipag ano sa lalaki. I know he's gay. Pero hindi talaga eh.
"SIERA!" His tone warning me. Narinig ko pa ang pag groan niya.
"Hey get up. Bumangon ka na diyan at pagbuksan mo ako ng pinto." Yes, Im on his doorstep.
"Gaga nandito ka?" Gulat na tanong niya. Kasasabi ko lang diba? Diba? I rolled my eyes and rung his doorbell. Tsk. Naghintay nalang ako doon. And the door open wide.
"Nandito ka nga." Hinihingal na sabi niya.
"I-" natigilan ako and I eyed him from head to toe. Napakurap kurap ako ng madaming beses. Paalalahanan niyo nga ako na isang bakla, juding, binabae itong nasa harapan ko. He's just wearing a boxer short. Half naked. Ibinabalandra ang katawan niyang pwede ng paglawayan. Bakla siya, but he never cross dress or take medicine for hormones. Well saka lang naman siya nagcocross dress pag magkakasama kami ng mga barkada. But he maintained those well toned abs and muscle. Yung nga bicep niyang mukhang matigas. I smiled, a playful one. Then I bite my lips. Ang yummy niya talaga.
"Evan, may kanin ka ba diyan?" I ask him while my eyes is glued on his abs. Ulam mga bakla! Tinignan ko ang mukha niya. Salubong na ang kanyang kilay, walang ideya kung bakit ko tinatanong yun. Minsan talaga ang sarap niyang panggigilan. And again I eyed his abs down to his... Napalunok ako dahil parang natuyo ang lalamunan ko. Down to his bulging- napakurap kurap ako. Bakit parang ang laki? Napatingin ako ulit sa kanya then pababa ulit but this time sinundan na niya ang mata ko kung saan patungo.
"Langya!" Nanlalaki ang matang sabi niya at mabilis na tinakpan ang down there niya at isinara ang pinto.
Napahalakhak nalang ako doon. Ang sarap niya talagang pagtripan. Napangisi ako dahil nay naisip akong madilim na plano."Humanda ka sa akin Evan." Ngising bulong ko.
"What?" Pigil tawang tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi niya ako sinisimanugutan at iniirapan. Porke daw pervert daw akong kaibigan dahil minolestiya ko siya. Bakit? Sino ba kasing nagsabing ibalandra niya ang katawan niya sa akin?
"Ano yan?" He asked pertaining to my travelling bag.
"Ah ito, dapat kasi makikisabay na ako kila mommy but I remembered you kaya dumiretso na ako dito. So sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ako sa Aurora." Evil smile na sabi ko.
"No choice na talaga ako eh no?" Napabuntong hininga siya at napaupo siya sa may sofa. "Sabihin mo nga paano ba kita naging bestfriend?" Asar na tanong niya. Nginitian ko lang siya ng pagkalawak lawak. Oo nga paano ko ba naging kaibigan ang isang to?
EVAN HOPKINS. Isang hot gay na kahit babae ka pa eh pagnanasaan mo pa rin siya. He has this expressive eyes na kapag tinitigan mo eh mabibigahani ka. High nose, red and kissable lips, clear skin and strong jaw line. Pero yun nga lang bakla siya mga bes. Hindi ko naman siya kilala noon eh. Actually may best friend akong girl and she is the reason why I met him. Nagkakilala then naging magkasundo then eventually he became my gay bestfriend. It's been two years since then at sa dalawang taong yun subok ko na ang kabaklaan ng isang yan. Yung tipong nakadami na siya ng boylet samantalang ako nganga pa rin.
Hindi naman ako panget pero bakit sa kanya lagi napupunta ang mga boylet?
Im SIERA MENDOZA by the way. Nothing special on me. Well mas mataas nga lang ng konti sa isang ordinaryong dalaga. Im beautiful papatalo ba naman ako kay Evan. Mas malandi lang talaga siya kesa sa akin kaya nauunahan niya ako sa mga boylet.
"Bakla." Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin focus lang siya sa cellphone niya. Kunot na kunot ang noo nito. Habang may kinakalikot. Well siguro inaasikaso na niya ang mga naiwang trabaho niya. Or binibilinan na niya ang secretary niya. Napasimangot nalang ako at humiga sa hita niya. Ginawa kong unan ang hita niya. Napatingin naman siya sa akin na nginitian ko lang. Napairap nalang siya.
"Ang clingy mo talaga teh." Puna niya sa akin. Nagkibit balikat nalang ako. He just brush my hair while reading something on his phone. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha niya. Bakit kasi naging bakla pa siya eh. Bakit kasi di nalang siya nagstay sa pagiging lalaki niya. Napahikab nalang ako. Keaga aga inaantok na naman ako.
He's just too comfortable for me. Whenever I'm with him I find him comfortable and I find him safe to be with. At saka nasasanay na ata ako na lagi siyang kasama. I face his stomach at niyakap ko ang beywang niya. Ang bango bango niya talaga. Pwedeng ubusin ang amoy niya? I smelled his scent. Naramdaman kong napatigil siya sa paghaplos sa buhok ko.
"Ginagawa mo teh?" He curiously ask.
"Just sleeping."
"Inuubos mo na ang amoy ko gaga. Maya niyan umiral na naman ang kamanyakan mo." Pairap na sabi niya.
"Gusto mo ba?" I playfully ask him. Pero isang sabunot lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. I chuckled. "Hmm. Just let me be like this for a while." Sabi ko at isinubsob ang mukha ko sa tiyan niya. I heard him sigh.
"Magjowa kana kasi para may malambing ka. At hindi ako tong pinagdidiskitahan mo." I snorted upon hearing those.
"No way! Gusto ko ikaw. If Im going to have a boyfriend. I think I can't do this to him. Hindi ko pa naman sila lubos na kakilala." Protesta ko. Buti pa siya kilala ko na siya. Hindi nalang siya umimik. Ilang beses na ba niyang sinabi sa akin na maghanap na daw ako ng jowa ko kesyo ganyan ganun daw. Pero ayoko. Hindi pa ako ready at saka nandiyan naman siya.
"Im sleepy." I murmured.
"Bruha ka. Ako tong inaantok eh. Umaga na ako nakatulog kanina. Tinapos ko na kasi yung mahahalagang paper works ko. Shusmita shen, nakakastress napakadami!" Pag eemote niya. Napangiti nalang ako. Wala siyang magagawa. Siya lang naman kasi ang inaasahan ng pamilya niya na mamahala sa Hopkins Company. Hinigpitan ko pa ang yakap sa beywang niya and I didn't notice that I drifted to sleep.
