Witwiiiiw 3:30AM pa lang gising na ako pag FEU NRMF kame tapos saktong 4:45AM ang alis. Tinext ko na agad si Pogs kung gising na siya.
Nagreply naman to na gising na siya.Paglabas e nakita ko na si Pogs.
"Goodmorning Pogs" masaya kong bati
"Anong good sa morning aber" masungit nitong sabi hala ka siya o may tama na naman
"Sungit" sabi ko umakbay naman ako para naman kumalma
Sa 7eleven St. Thomas ang meeting place pagdating namin dun andun na rin ang group ko. Sayang lang hindi namin ka group si Sami Khaye at Liam.
"Aga nang loveberds" sabi ni Migs.
"Che" sabi ko. Dahil ako leader nang group roll call muna. Hinati pala kami sa anim yung kabilang group namin mamayang PM.
Well ako check si Pogs si Migs si Pia si Matt at si Diane
"Goodmorning te" beso saken ni Pia at Diane
"Ang sweet talaga a" sabi naman ni Pia. Ha?!! Naka holding hands pa rin pala kami ni Pogs.
Bumitaw naman ako. Hindi ko naman napansin e. Okay din dahil kausap siya ni Migs at Matt.
"Ngeks tara na"
Pagdating sa FEU NRMF sa may Pedia ward kame naka assign.
Buti naman at pedia medyo hindi mabigat.
Nag orientation muna kame kasabay din namin yung ibang taga school adamson ata to.
Si Pogs naman eto ano pa ba tulog na naman. Grabe lang talaga tong lalake na to.
Hinipan ko naman yung tenga niya. Nagulat ang lolo mo agad naman akong chinamone. Hahahaha
Chinamone is alam nyo yung pinapadaanan nang daliri yung ilong nakakainis at nakakairita kaya yun nahampas ko sya tuloy sa braso.
"Hoy gwaps sinong nauna" sabi nito at ang lakas nang boses nakuha tuloy namin attention nang grupo
"Pssssssssst"
"Eh kasi naman natutulog ako manghaharot ka makinig ka kaya" sabi nito at talagang nilakasan pa boses
"Ahmmm" sabi nung CI namin "ms mistosa mr miranda ano yan"
"Eh kasi po mam natutulog ako ginugulo niya ako ayaw makinig sa inyo"
Nagtawanan naman yung ibang estudyante. Tae ba naman kasi alam niya ba sinasabi niya.
"Mr Miranda dapat lang at sino may sabing matulog ka so magaling ka na hindi mo na kailangan nang orientation" sabi nung CI namin medyo may edad na ito mukhang matandang dalaga nga e nakalimutan ko name hahahaha.
Tawang tawa naman si Migs at Matt hanep talaga tong kambal na to e yeap kambal sila.
"Yes mam wag kayo magalala i rerexona ko po kayo I wont let you down" sabi naman ni Pogs
Face palm shit hahahahah
Hindi maipinta yung mukha nung CI namin.
"Siguraduhin mo Mr. Miranda" sabi nito na may halong pagbabanta ang tono
"Yes Mam call me XT na lang po" seryosong sabi ni Pogs grabe lang para talagang sira kaya lalo naman nagtawanan yung group
"Kulit mo kasi e" sabi pa saken ni Pogs ako pa pala
Natapos naman yung orientation nang payapa pero dahil halos lunch na binigyan lang kami nang patient para bukas. By partner din.
"Partner tayo Gwaps a" sabi naman ni Pogs
BINABASA MO ANG
Taguan nang Feelings sa Morayta
Teen FictionMinsan ang hirap aminin sa sarili kapag mahal mo na yung isang tao at mas lalong mahirap aminin sa taong mahal mo na mahal mo siya lalo na kapag may sapak sa ulo yung taong mahal mo PAANO? Again welcome to college life. Welcome to Pogs and Gwaps st...