Chapter 29

37 0 0
                                    


"POGGGGGGGGS" mahina kong sabi kasi naman andito siya sa chapel nakikitulog.....

Grabe lang lalakeng to kung san san natutulog.

"Pogssss" ulit ko pa habang niyuyugyog ko sya.

"Anoo ba ano gwaps" masungit nitong sabi

Hindi na nga kami masyado nagkakausap tapos sinusungitan pa ako

"I miss you pogs" sabi ko dito at yumakap

"Okay" sabi naman nito kaya nahampas ko sya

"Grabe pogs hindi mo ba ako namiss" sabi ko dito

"Sapat lang" sabi ulit nito tapos tumalikod pa saken kaya naman lumipat ako sa harap niya "ay nako wag makulit please natutulog ang tao e"

"Pogs I need your help" sabi ko dito "gising na dali"

"Bakit hindi ka kay David magpatulong" sabi nito

"Eh ikaw nga e para san pa naging betplen kita kainis naman to e" sabi ko naman

Dumilat na siya tapos umupo pero medyo aburido pa rin

"O ano ano????" Sabi nito

"Eh dba bukas na yun yung christmas dinner sa family nyo sinasama ako ni David" natataranta kong sabi kasi naman e sabi ko wag na e....

"Ahhh nabanggit niya nga" sabi ni Pogs na parang wala lang "goodluck" sabi pa nito

"Anong goodluck?" Tanong ko naman "anong dapat expect ko? Anong gagawin ko?"

"Malay ko bat ako tinatanong mo hindi nga ako pupunta dun" sabi ni Pogs

Halos malaglag yung panga sa sinabi niya. Ano hindi daw sya pupunta kaya lang din naman ako pumayag na pumunta kasi alam kong andun siya.

"Ha anoooooo? Bakit?" OA na kung OA pero ang OA nang reaction kasi ang OA naman ni Pogs bakit hindi sya pupunta e family niya yun

"Anong bakiiit sa hindi ko pupunta anong hindi maintindihan dun a" sabi ulit sakin ni Pogs tinuro turo pa yung ulo ko amp talaga to

"Eh bakit nga hindi I need reasons bakit kala ko pa naman pupunta ka kaya umoo ako I need your support Pogs" pa drama ko dito baka sakaling umubra e

Para naman siyang natigilan at tumawa pero yung sarcastic na tawa a...

"Anong support pinagsasabi mo dyan bakit di mo ba kaya and besides andun naman si David" sabi nito "hindi ka papabayaan nun"

Well tama naman siya alam ko namang hindi ako papabayaan ni David e pero iba pa rin yung presence ni Pogs kapag andun siya syempre at wait bakit hindi siya pupunta.

"O siya siya okay pero bakit hindi ka pupunta Pogs?" sabi ko dito

"Wala ka na dun gwaps haha" sabi naman nito

Anong wala na ko dun??????? Hmmm

"Bakit nga Pogs? Nagtatago ka na ngayon saken a" sabi ko sa kanya

"Sino kaya sating dalawa anyway di ko na problema yan problema mo di mo ko boyfriend noh cge na lakad kay David ka magpatulong" sabi nito

Wait teka bakit siya ganito tinataboy niya ako tapos may pagka bitter yung pagkasabi niya nang boyfriend..... Hindi ko pa naman boyfriend si David a....

"Hoy di ko pa boyfriend si David" sabi ko dito

"Ah hindi ba akala ko kasi e wala na kong balita sayo see sinong nagtatago satin ngayon sige na alis na ako" sabi nito at tumayo umalis

Taguan nang Feelings sa MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon