Chapter 40

17 0 0
                                    

Chapter 40

Sarah's POV

Days passed....

Nang wala... Amp umiwas ako kay Pogs pero umiwas din ako kay David.

Ayaw ko nang mga ganitong situation e. Medyo weak ako sa mga ganito.

Arghhhhh.....

"Ano ba yan para kang tanga" sabi ni Sami saken

Ilang araw na rin pala akong nakiki squatter sa unit niya kasi naman nung nakita ko si Pogs nung isang araw para akong sasabog e.....

Yung parang sasabog yung tae kasi kinakabahan ako hindi ko alam bakit...

Tapos yung puso ko parang tatalon sa katawan ko ampppppppp......

"Nababaliw na ata ako Sami" sabi ko dito

"Baliw ka naman talaga e haba nang hair mo te ang laki nang problema mo kaw pa umiiwas sa mga gwapo a" sabi nito alam ko naman na pinapatawa niya lang ako hayst

"Tignan mo to o" sabi ko kay Sami kanina pa kasi ako nag s-stalk dun sa fanpage ni David nakakainis....

Fanpage talaga grabe....

"Lately laging magisa si David hooray for today girls" basa ni Sami habang natawa pa ata "single na daw si David" basa pa ni Sami "David alone in the library sugod na girls" sabi pa ulit ni Sami na parang iiyak na kakatawa "David is so gorgeous today thank you Lord... Nakakaloka tong mga to" sabi naman ni Sami ulit "mga feeling gandaririt"

"Hayssssssstttttt" yun na lang nasabi ko

Ilang beses ko naman nakasalubong si David sa school pero hindi ko rin alam kasi naman para naman akong kakainin nang lupa sa tuwing nakikita ko sya hindi ko alam bakit this time yung puso ko naman parang gustong lumabas para naman yakapin sya tsk ano ba yan..

Hello anatomy anong ginagawa mo saken...

Arghhhhhhh....

"Te ano ka ba need mo mag decide?" Sabi saken ni Sami

"Hindi ba pwede kasing dalawa bakit ba kasi ginulo pa ni David e okay naman kame e mag bestfriend lang naman kame ni Pogs tapos sasabihin nya number 1 si Pogs" naiinis kong sabi

"Hoy ateng wag ka nga dyan alam naman nating lahat well kame pala alam naman natin na nainlove ka dyan kay XT mo" sabi nito may kasama pang batok

"Ouchie eh dati lang naman yun" sagot ko pa

Ayun at may kasunod na hila nang buhok ko yung batok

"Hoy alam mo sa totoo lang hindi na papraning si David totoo naman kasi iba kayo ni XT hanga nga ako sa kanya nasabi nya yun samantalang kameng tropa niyo na matagal na SHHHHHH lang hahaha" sabi ulit ni Sami

"Alam mo te di ka na nakakatulong" sabi ko dito kasi naman lalo atang gumulo yung isip ko pinaalala pa yung dati kasi isa sya sa mga sinabihan ko nun after nga nung valentines pero agad naman ko naka move on from that kasi masaya naman kami ni Pogs e at wala namang iba nun e

Bago pa magsalita si Sami nag ring yung phone niya.....

"Hello te....... Ah okay...... Baka magalit..... Hindi naman..... Sure ba kayo dyan????..... Bahala kayo a..... OO na........ Cge bye"

"Sino yun?" Tanong ko naman agad...

"Wala wala" sabi naman nito sabay kuha nang bag niya "te bili lang ako pagkain natin" parang nagmamadali naman tong si Sami kaya tumayo na ako agad

"Sama ako" sabi ko dito pero tinulak naman niya ako sa upuan "dito ka na lang kasi walang bantay o"

Ha ???????

Taguan nang Feelings sa MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon