A/N I want to explore others thoughts hehe :)Khaye's POV
"Li grabe lang no ang intense?" sabi ko kay Liam andito na kame sa hotel room ... Awts tulog na ang loves ko kaya naman ginising ko sya ang lakas din mag snore
"Oh no yun?" tanong nito
"Sleep ka na ba?" pacute ko munang tanong
"Obviously yes...."
"Ehhhh Li naman sabi ko ang intense kanina"
"Ah bakit?" Napakipit pa rin to
"Si XT si David tsaka si Sarah" sabi ko sa kanya kasi may napansin ako kanina
"Ang alin Khaye imagination mo lang yan tara sleep na" sabi nito at niyakap pa ako papalapit sa kanya
"Iiiiih kasi kanina kapag si XT at Sarah magkasama si David nakatingin sa kanila parang naiingit ganun tapos pag si Sarah at si David naman magkasama yung mukha ni XT parang naluge e" paliwanag ko tumawa naman nang mahina tong si Liam
"Pwedeeee yang theory mo!" sabi ni Liam saken habang nakangiti hmm gwapo talaga nang loves ko sorry na lang
"Bakit may alam ka no....." Sabi ko sa kanya
"Anong alam alam naman nating lahat eee" sagot ni Liam
Napaupo naman ako kasi may naisip ako...
"Liiii get your cam bilis" sabi ko sa kanya
Bumangon naman sya at kinuha dun sa cabinet.... Si Sami naman e ayun lagpak sa kama.
Nag browse ako nang mga pictures etong si Liam nakiusyoso na rin....
Napapasmile din ako sa mga kuha namin hahaha well ang saya saya lang best sembreak ever.....
Ayun huli ka balbon....
May pic na magkasama si XT at Sars sa likod si David parang nakatingin tapos ayun meron din si David at Sarah pero parang nakatalikod si XT.
Hmmmm hala ayan may picture silang tatlo hahaha hidi maipinta mukha nung dalawang magkapatid eto namang si Sarah parang wala lang...
"Gusto na ba ni Sarah si David?" tanong ni Liam saken
"Crush crush naming lahat hahahha" pabiro kong sagot
Nag pout naman siya "hala pinagpalit mo na ko loves?"
"Ano ka ba crush lang yun ikaw ang pinaka mamahal kooooo mwah" sabay kiss sa kanya kinilig naman ang lolo mo
"Eh kasi naman tong si XT di ko alam a obvious naman mahal niya si Sarah" sabi pa ulit ni Liam
"Oo nga e si Sarah naman ganun din" sabi ko naman "pero kasi baka hanggang best friend nga lang diba e di sana dati pa"
"We dont know e parang mamatay matay na si XT nung muntik muntik nang makipagbalikan si Wes kay Sarah e" sabi pa ni Liam medyo narinig ko nga yang kwento na yan from B
"Oo nga sabi ni B hayst nakooo baka maunahan sya nang kapatid niya sira ulo kasi ni XT e daming alam" sabi ko pa "buti pa ko hahahaha nakita ko na ang love of my life ayiiiiiiieh"
"Ayiiiiieh wag ganyan kinikilig ako hahaha" sabi ni Liam at ang cute niyang kiligin wag ka hahaha
"Tara na tama na yan tulog na tayo mahaba habang inuman to mamaya andito si Georgie kailangan mag ipon nang lakas" sabi ni Liam at hinila at niyakap na ako nang mahigpit
______________
B's POV
Iniwan ko na si Georgie at Sars sa may pool area.
BINABASA MO ANG
Taguan nang Feelings sa Morayta
Teen FictionMinsan ang hirap aminin sa sarili kapag mahal mo na yung isang tao at mas lalong mahirap aminin sa taong mahal mo na mahal mo siya lalo na kapag may sapak sa ulo yung taong mahal mo PAANO? Again welcome to college life. Welcome to Pogs and Gwaps st...