XT's POV"Leche XT ayan ka na naman may chance ka nang ipaglaban sya e" sabi na naman saken ni Anne
Syempre kanino pa ba ako tatakbo kung hindi kay Anne. Kinwento ko sa kanya yung paguusap namin ni Gwaps.....
"Pwede ba yun mahal nyo yung isat isa tapos yun na" sabi naman ni Anne "tapos mahal ni Sarah si David"
Hindi ko alam kung naiirita ba tong si Anne or what kasi naman halos idukduk na yung mga daliri nya sa mukha ko hayst....
"Mahirap iexplain okay......" Sabi ko naman dito
Palibhasa maski ako hindi maintindihan yung mga nangyare leche O ganito ata talaga....
Sa Pagibig pag nag taguan kayo nang feelings wala magulo...
"Iexplain mo enlighten me" sabi naman ni Anne ulit ang kulit talaga
"Pano ko nga ieexplain hindi ko maintindihan din" sabi ko naman dito
"Anong hindi mo maintindihan hindi pwedeng hindi mo maintindihan" sabi naman saken ni Anne ulit
"Okay ganito na lang" sabi ko sa kanya tumayo na rin ako kasi naman paikot ikot lang pinagkekwentuhan namin "hindi pa namin time ni Sarah.... Okay hindi pa namin time but we will always be bestfriends and will be there for each other yung love will always be there"
Habang sinasabi ko yun hindi pa rin mawala yung sakit.... Hanggang dun na lang ba kame ni Gwaps? Ako lang ba may problema!!!! Ako lang ba hindi makatanggap na may mahal syang iba may nagpapaligaya sa kanyang iba......
Kung kailangan ko magpaka Ted Mosby para pagbigyan si Barney Stinson para kay Robin ganun talaga e... Hahaha sorry naman How I met your mother fan kasi ako nyan e.
Hinawakan ni Anne yung kamay ko. Nakatingin lang sya saken at parang sya pa yung iiyak parang sira talaga tong babaeng ito.
"O Bakit ganyan mukha mo? Ikaw ba ang sawi hahaha tanga nito" sabi ko sa kanya pabiro
"Eh kasi naman nalulungkot ako para sayo XT e paano mo ginagawa yan itago yang nararamdaman mo" sabi ni Anne saken
"Sa sobrang pagmamahal ata yung mga parang imposible nagawa ko na" sabi ko kay Anne at halos sumabog yung luha nya at niyakap pa ko
Hindi ko naman mapigilan mapa smile at least may isang tao ako na nasasabihan....
"Tama na yan cge tusok na" sabi ko kay Anne andito kasi kame sa may taas nang underpass malapit sa isetann
Madaming street foods dito sa totoo nga lang ang dumi ata nang food na to hahaha pero masarap.
Sabi nga ni Anne patibayan lang nang sikmura yan....
"Tibayan mo lang puso mo XT a" sabi naman ni Anne
Kaya naman natawa ako nang bongga kasi naman ayan na naman yang tibay na yan...
"Oo na ikaw yang sikmura mo tibayan mo hahahaha tignan mo yung mga uragon" sabi ko dito....
Halos patapos na yung klase....Lapit na rin finals...
Wala kong balita kay David at Gwaps. Hindi pa rin kame nakakapag usap ni David pero mabuti na rin siguro to.
I fail him before hindi ako nagpaka kuya sa kanya hinayaan ko sya magisa dun sa Australia and this time ayaw ko na talagang sirain kung ano man meron sila ni Gwaps and this time totoo na to.
"Parekoy okay ka lang" sabi saken ni Liam "tahimik mo lately a"
Ang dami nga nakapansin na medyo tahimik ako.....
BINABASA MO ANG
Taguan nang Feelings sa Morayta
Fiksi RemajaMinsan ang hirap aminin sa sarili kapag mahal mo na yung isang tao at mas lalong mahirap aminin sa taong mahal mo na mahal mo siya lalo na kapag may sapak sa ulo yung taong mahal mo PAANO? Again welcome to college life. Welcome to Pogs and Gwaps st...