Chapter 38

21 0 0
                                    


A throwback.......

Second year valentines day...

Nakahalumbaba ako sa table kasi naman VALENTINES DAY na oo capital para intense. Kasi naman favorite ko to e kasi maraming surprise si Wes saken DATI oo dati.

Yung ibang babae o ayan may kanya kanyang dalang bulaklak at teddy bear may chocolates pa I want that all argh.....

"Ateng para kang naluge" sabi saken ni Sami "wag ka magalala di ka nagiisa"

Nag react naman si Khaye na may isang malaking bouquet of roses from Liam.

"Arte nang mga to ayan may mga flowers din naman kayo a" sabi ni Khaye

Totoo naman meron naman binigyan din kasi kami ni Liam nang tigiisa at yung iba naming classmate na boys. Pero syempre walang dating yun e....

Iba talaga kapag galing sa mahal mo.....

Yumuko naman ako idaan na lang sa iglip ito. Mga 15mins na rin akong nakayuko nang narinig ko may naghihiyawan...

Napataas naman ako nang ulo... Napatingin ako kay Sami at Khaye para itanong anong meron....

Ngumunguso naman yung dalawa sa gilid ko at parang mga sira dahil mukhang kilig na kilig paglingon ko booom tada....

Si Pogs may hawak na bouquet nang flowers chocolate na Ferrero at teddy bear na maliit.,.

Tae di ko naman alam sasabihin ko pero isa lang sure ako. Tumalon yung puso ko sa saya at kilig at the same time.

Napayakap ako kay Pogs.....

"Ayan o kasi araw araw mo na lang sinasabi yan" sabi nito saken "ayan a shut up na a"

Grabe kahit sira ulo talaga si Pogs he never fails in making me happy. Ever since na naging may betplen kami walang palya talaga.....

"I love you Pogs" sabi ko sa kanya...

And yes I meant it.... Yung I love you na hugot.... Di ko kailangan sabihin niya na i love you too. Wala naman I just want to let him know that..... Siya talaga ang nagpapasaya saken... Siya nagbibigay nang color sa buhay ko. Corny na kung corny cliche na kung cliche but I cant imagine life without him.

"Hahahah mukha mo Pogs anong akala mo bayad ka na sa I love you mo 3K lang naman nagastos ko o eto resibo" sabi naman ni Pogs

Oh dba nyeta sira talaga e. Kaya naman natawa si Sami at Khaye.

Hinampas ko naman si Pogs "mukha mo wala na di ko babayadan to sayo hhahahahah" sabi ko

Nung gabing yun e nag dinner din kami ni Pogs pero sa may Paquita lang sa Morayta hahaha. Wala na daw kasi syang pera.

"Alam mo Gwaps wala na talaga kong pera kaya kumain ka na lang dyan bawal extra rice" sabi pa nito

Natatawa naman ako kasi todo effort si Pogs bigyan ako nang mga gusto ko this valentines.

Pero sa totoo lang bothered pa rin ako hindi ko na lang dapat sinabi yung I love you kasi parang hindi naman niya na gets e.....

"Pogs nga pala bakit wala kang girl friend or nililigawan man lang?" Tanong ko

"Bakit mo naman natanong?" sabi nito at parang nagulat sya sa tanong ko

"Wala naman eh kasi todo effort ka o" sabi ko sa kanya "swerte maging jowa mo"

"Sus sayo pa lang ubos na yung panahon ko e paano pa ko manliligaw" sabi naman ni Pogs

Huh ano daw....

Taguan nang Feelings sa MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon