Chapter 31

33 0 0
                                    


"Te tingin mo ba magustuhan nya yun?" Andito ako sa unit ni Sami ngayon dito kasi kame magpapartet partey bago mag christimas break

"Oo kahit anong ibigay mo dun alam naman natin yung gusto nun e" sabi ni Sami

"Anoooo?" Sabi ko medyo di ko kasi gets e... Nasabunutan naman ako ni Sami

"Tanga ka lang bakla ka" sabi nito

Di pa ko nakakasagot e may nag doorbell na malamang sa malamang si Khaye na to kanina on the way na sya. Pagbukas tama nga si Khaye may mga dalang gamit...

Agad naman namin syang tinulungan.

"Ang bigat aaaa" sabi nito

"Asan ba kasi si Liam" tanong ni Sami habang sinalampak yung mga gamit na dala ni Khaye

"Ayun asa bomber naglalaro nang basketball kasama sila XT o ano ganap na" sabi nito

"Eto kasing lukaret mong kaibigan nagaalala sa regalo niya kay David e sabi ko alam naman nating lahat kung ano inaantay ni David" paliwanag ni Sami

"E ano nga???" Sabi ko ulit naramdaman ko naman may humila sa buhok ko si Khaye naman "aray mga te"

"Para kang shunga malamang yung Oo mo na maging girlfriend ka" sabi ni Khaye

"Ngeeeeek" sagot ko naman halur sira na talaga tong mga to "di naman nagtatanong pa e pano ko sasagot"

"Ang corny mo talaga kahit kailan" sabi naman ni Sami

Hindi na lang ako sumagot medyo na realize ko ano bang real score samin ni David. HMMM exclusively dating???? Ano ba???? We hold hands we kiss once dun sa Christmas tree kasi I let him lagi kaming magkausap magkasama.... Para na ngang kami e. Hayst anyway ayaw ko naman pa complicate pa yung mga bagay bagay...

Nagayos na kaming tatlo dito sa unit nagluto nag timpla nang mga iinumin. Tinext na rin namin si Georgie kaso mukhang busy walang reply.

Tinignan ko ulit yung regalo ko kay David... I hope magustuhan niya itong keychain na pinagawa ko. Simple lang naman sya silver ang korte is key yeah susi tapos may naka engrave na maliit na hugis christmas tree wala lang kasi ang memorable din kaya nun saken at tsaka syempre may meaning yun hahahah sya may hawak nang susi nang puso ko yieeeeeh corny ko.

Hindi namin namalayan yung oras dumating na si B at DJ Kath. Beso beso naman at kwentuhan. Perks of having a DJ hahaha we have the best playlist ever haha. Ang cute lang talaga ni B at DJ Kath ang comfortable kasi nila.

Dumating na rin naman si Pogs Liam at Papa D ko. Napayakap naman ito saken.

"Haha I miss you Sarah" sabi nito

Kaya naman nahampas ko sya nang slight na slight lang haha "agad agad miss you too papa D haha"

"O sya sya bawal ang masyadong matamis" sabi naman ni Sami

Mag hi hi sana ako kay Pogs kaso nasa gitna na sya ni B at DJ Kath hayst.

Kumain na kami nang dinner the usual tropa syempre kwentuhan at kulitan but this time si Papa D ang nakaakbay saken na nakikipag kulitan.

Ang kulit niya na talaga medyo nabawasan na yung pagka tense niya. Everyday may bago akong nalalaman sa kanya na pwede pala sya maging ganito ka loose.

Last year bunutan kame pero ngayon lahat bibigyan nang regalo kaya nga magastos e.

"O sya sya tama na ang harutan rime to give the Many Santas" sabi ulit ni Sami kasi sa totoo lang sya nagpauso nan mas madaming gift daw mas masaya

Kaya naman isa isa kong binigay yung present ko

"B this is for you and for you DJ kath" Tshirt at Headphones regalo ko sa kanila tapos binigay ko naman kay Liam at Khaye yung gift ko haha couple hoodie since december naman

Taguan nang Feelings sa MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon