Piliin...
"Oh my God, Miss Dee, mabuti na lang at dumating ka. Can you believe that girl? She's really something!" tila naeeskandalo nitong turan. May pagpaypay pa ito ng kanyang mukha na akala mo stress na stress at napakalaki ng problema. Namumula ang kanyang pisngi na sigurado akong hindi dahil sa panahon kung hindi dahil sa makapal na koloreteng kanyang ginamit.
"Oo nga, lapit siya ng lapit kila Cloud! Grabe, she looks so ordinary and annoying naman!"
"Kapal naman ng mukha niya!"
Napapikit ako bago yumuko. There's this lingering feeling inside me that is starting to boil. Gusto kong umapoy. Gusto kong magwala.
"And now Chase is with her! My God! She's so malandi talaga!"
I tried breathing in and out to calm down my nerves.
Hindi ko alam kung para saan, kung dahil ba kapatid ko siya kaya ako nagagalit. Basta nag iba na lamang ang aking pakiramdam. I am mad. I'm really really mad.
My eyes landed on the girls in front of me. Just by looking at them, the way they dress at sa tabas ng mga mukha nila, alam mo na agad na isa sila sa mga estudyante dito na gustong magpapansin. But you just can't do that
Hindi ka mapapansin kung sadyang hindi ka kapansin-pansin. You can't force it. Ang mga Puntavega ay hindi kailanman nagpapansin sa jbang tao. And I know that because I have been with them since we were young. Ilag sila sa mga tao pero kahit hanggang ngayon, nagiging laman pa rin sila ng university forum kahit pa nga hindi naman sila nakikihalubilo sa iba.
Hindi ko tuloy napigilang suriin ang kanilang itsura. Ang mga bata ngayon, pinipilit patandain ang mga sarili imbes na hayaan nilang ang panahon ang magpatanda sa kanila. They try so hard to look old when old people do their best to look young.
Huminga ako ng malalim."Leave,"
Mukhang nagulat ang mga ito sa aking tinuran ngunit tila nakabawi din agad.
Kasama ko kanina si Keso dahil ihahatid niya sana ako sa susunod kong klase when I saw them. And seeing my sister being bullied sends me to madness, nakakairita.
"Miss Dee? Galit ka ba?" she gawked at me. Naiikot niya pa ang kanyang mga mata at tila inis na inis pa. Akala niya yata ay natutuwa ako sa inaasal nila.
"Sabagay, I will be mad too! Eh ikaw lang naman ang friend nila na babae 'di ba tapos now she's making papel pa in your group of friends! 'Di ba girls? She's very delusional! The nerve of that woman! Baka she's a slut! Or maybe her mom is-"
That was the last straw.
"Shut up!"pigil ko sa kanya. Halos maputol ang aking litid sa sobrang galit. Naikuyom ko ang aking palad at kulang na lamang ay kapusin ako ng hininga. Ang perpekto komg postura na nakasanayan ko na simula pagkabata ay unti-unting nasira dahil napapayuko ako sa sobrang emosyon.
This is just....
Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang akong sarili.
"Oh Em Gee... Miss Dee, are you okay?" taka pang tanong nito. Nagtangka siyang lumapit ngunit naitaas ko ang aking kamay, pigil sa kanya. Huwag niya lamang susubukan.
She was looking at me as if I just said and did something offending. Wala siyang karapatang mainsulto sa kung anuman ang sasabihin ko. Lahat sila, wala.
Pigil pigil ko ang aking kamao na umangat at bigwasan sila isa-isa. I wasn't raised like that. Scratch that, I grew up not to be like that. Ang tanging mga nilalang na nilalapatan ng kamao ay ang mga batok ng aking mga kababata. And all that, I do with so much love and trust.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."