Makialam...
"Saan ka na naman pupunta?" nilingon ko si Chase na naglalakad ilang hakbang mula sa aking likuran. Magkalapit lang ang klase namin kanina kaya naman hinintay niya na akong makalabas para sabayan.
I bit my lower before respondin. Ang hirap i-contain ng kilig lalo pa nga at talaga namang kinikilig na naman ako.
Nakita ko siyang umiling, "Ganyan ka talaga karupok sa kuya ko? Dakota, huwag mo akong iiyakan na naman kapag nambabae 'yan,"
Inirapan ko siya at talaga namang ni hindi nag abalang bagalan ang aking paglakad.
It's been a week and I just can't keep my shits together. Milan is being extra sweet and caring. Ayoko mang umasa pero ang hirap pigilan ng puso lalo na kung sobrang tagal ko na ding nagpipigil.
Hindi naman siguro masama ang umasa lalo na at siya itong bigay ng bigay ng dahilan para umasa ako, 'di ba?
We were bot walking side by side ng matanaw ko mula sa 'di kalayuan si Milan. And much to my dismay, he's talking with someone, a girl, again. Kahit malayo ako sa kanila, I knew they were laughing about something at base na rin sa bahagyang pamimilipit ng katawan nito ay halatang kilig na kilig ang kasama niya
Bago ko pa napigilan ang aking sarili ay napahinto na ako ako sa paglalakad, ang pagtibok ng aking puso ay kasabay na rin yatang huminto ng oras na iyon.
I can feel my face getting hot, in annoyance, sa hinanakit na din.
Narinig ko pa si Chase na pumalatak sa tabi ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi. Ano pa nga ba? Hindi na ako nasanay. Ang malandi, kahit ano'ng gawin mo, malandi pa rin yan hanggang sa huli.
Napayuko ako at pilit na kinakalma ang sarili. Naninikip agad ang aking dibdib at gusto nang pagalitan ang aking sarili. It's my fault naman din kase. Bakit ba ang bilis kong umasa? Hindi naman bago ang pagiging ganyan ni Milan.
Natural na niya ang pagiging sweet sa 'kin so bakit ba agad ako naniwala na baka...akala ko kasi talaga.
Napabuntong hininga na lamang ako bago sinikap na patatagin ang kalooban.
"Ang pangit talaga ng taste ng kuya mo," pagtatago ko sa pait na nalalasahan ko sa 'king mga labi. Umikot na ako agad at naisipang tahakin ang ibang landas kaysa makita ko pa silang dalawa.
Pero 'tong si Chase, ang lakas ng tama.
"Oh, kuya!"
Napalingon ako sa kanya ng marinig ang kanyang naging pagsigaw. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at nagtatanong kung ano na naman ang trip niya sa buhay. Isang malawak na ngisi ang kanyang naging tugon kaya naman sinubukan kong hunakbang palayo pero ang gago, nahawakan ako sa aking braso at pinigilan ako sa aking balak na pag alis.
"Chase,"
My eyes closed for a moment as I try to calm my nerves. Boses pa lamang niya ay nanghihina na ako. Bakit masyadong unfair ang langit? Bakit niya ako binigyan ng pusong ganito karupok pagdating sa kanya?
"Dakota," naramadaman ko ang paghigit niya sa akin mula sa baywang palapit sa kanya hanggang sa mapasandal ako sa kanyang dibdib. Napaangat ang kilay ni Chase sa nakita at nakakaloko pang ngumisi sa 'kin. Humanda din talaga 'tong si Chase sa 'kin. May araw din siya sa 'kin.
"Mauna na 'ko. Hanapin ko pa girlfriend ko e. Ikaw na bahala kay Dee, kuya. Baka gutom na 'yan, mainit yata ulo," pang aasar nito ngunit bago ko pa siya mahataw at mabatukan ay nakatakbo na ito palayo na natatawa pa.
YOU ARE READING
MILAN (P.S#4)
Romance"Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Knowing that you could love someone unconditionally if they'd just let you..."